You are on page 1of 26

Pamantayang pampagkatoto:

 Maiuugnay ko ang aking


damdamin sa damdaming
inihayag sa tula na aking
nabasa.
 Mailalahad ko ang aking
pananaw at naihahambing ko ito
sa pananaw ng iba tungkol sa
pagkakaiba at pagkakatulad ng
paksa sa mga tulang Asyano.
TULA
Ano ang Tula?
Ang Tula ay ang
pinakamaikling uri ng panitikan.
Binubuo ito ng mga salitang
maingat na pinili upang
maipakita ang isang kaisipan at
nararamdaman. Ito ay
inilalahad sa iba’t ibang uri o
paraan.
Bakit kawili-wili ang
pagbabasa ng tula?
Ang bawat saknong ng
tula ay may tugma at
ritmo na naggaganyak sa
mga mambabasa na
kawilihan at maibigan ito.
Sukat ang tawag sa bilang ng
pantig sa bawat taludtod ng tula.
Ang paggamit ng pagtutulad
(simile), pagwawangis
(metaphor), at pagtatao
(personification) ay mga tayutay na
naglalantad ng talinhaga ng tula.
Saknong ang tawag sa grupo ng
mga salita na may dalawa o higit
pang taludtod na bumubuo sa tula.
Mga Elemento ng Tula
1.Tagapagsalaysay (speaker)
Ang tagapagsalita o nagsasalaysay ng
tula
2.Tagapakinig (audience)
Tao o mga taong kinakausap ng
nagsasalita
3. Paksa (topic)
Ang pangkalahatan o tiyak na paksa
ng tula
4. Tono (tone)
Tumutukoy sa saloobin ng may akda
ukol sa paksa ng tula
5. Tema (theme)
Tumutukoy sa pahayag ng may-akda
hinggil sa paksa ng tula
6. Diksyon (diction)
Tumutukoy sa pagpili ng may-akda
ng mga salitang gagamitin sa tula.
7. Sintaks o Palaugnayan (syntax)
ang pagsasa-ayos ng mga salita,
parirala at mga sugnay na ginamit sa
tula.
8. Matalinhagang Paglalarawan (imagery)
Mga salita o pariralang ginamit ng may-akda upang
matulungan ang mambabasa na mailarawan sa isip ang
mga sumusunod na pandama: pang-amoy, paningin,
panlasa, pandinig at pandamdam.
9. Tayutay (figures of speech)
Tumutukoy sa mga patulang salita na ginagamit upang
ang dalawang bagay o larawan ay mapagtulad upang
gawing kawili-wili at makahulugan ang pananalita.
10. Tunog (sound)
Ang paggamit ng mga patinig, katinig, diin at
kombinasyon ng tatlo.
11. Ritmo (rhythm)
Ang pag-uulit ng diin sa tula.
Dalawang Uri ng Tula
Tradisyunal – ito ay sumusunod
sa itinakdang panuntunan ng
wika at sintaks. Ito ay may
ritmo at tugma.
Makabago – ito ay may sariling
paraan ng pagpapahayag. Hindi
ito gumagamit ng tugma, ayos
at ritmo.
Iba’t ibang anyo ng Tula
Mga Anyo ng Tula
Malayang taludturan 
Tradisyonal 
May sukat na walang
tugma 
Walang sukat na may
tugma
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric
poetry)
ito ay tulad ng isang soneto o ng isang oda, na
ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng
makata.
karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa
isang kanta.
hindi nagpapahayag sa isang kuwento na
naglalarawan sa karakter at aksyon.
Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa,
ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at
persepsyon.
Cinquain – Binubuo ng limang linya na may
itinakdang bilang ng pantig o salita. Hindi
magkakatugma ang mga salita rito.
 Linya 1 – Pamagat – isang salita o dalawang
pantig
 Linya 2 – Paglalawaran o halimbawa ng pamagat
– dalawang salita o apat na pantig
 Linya 3 – Kilos na isinasagawa ng pamagat.
Tatlong salitang parirala o anim na
pantig
 Linya 4 – Apat na salita sa isang parirala na
naglalarawan sa damdamin tungkol sa
pamagat o walong mga pantig.
 Linya 5 – Kasingkahulugan ng pamagat – isang salita na
may dalawang pantig
Cinquain
Punongkahoy
Luntian, Madahon
Lumalaki, Namumulaklak
Namumunga, Kay gandang
Pagmasdan Halamanan
HAIKU
Isang uri ng tulang
binubuo ng 17 pantig. Ang
mga salita ay pinagsama-
sama. Ang damdamin ng
tulang ito ay nakatuon sa
panahon at kalikasan.
Haiku
Buwang maliwanag
gumagabay sa
gabi at umiilaw
Tanaga
Ito ay binubuo ng
apat na taludtod na
may pitong pantig
ang bawat isang
taludtod.
Tanaga
Isang katutubong tulang
Pilipino na nagging karaniwan
na bago ang Espanyol.
Binubuo ng apat na
taludturan na may pituhang
pantig, ang tanaga ay
itinuturing na malayang tula
na sagana sa talinghaga.
Tanaga
Totoong sinungaling,
At talagang malihim,
Pipi kung kausapin
Walang kibo’y
matabil.
DIAMANTE
Diamante – Isang tulang may hugis diamante.
Madaling isulat ang tulang ito.
Sundin ang mga hakbang na ito
 Linya 1 – Isang salita/paksa
 Linya 2 – Dalawang pang-uri na naglalarawan sa
salita/paksa
 Linya 3 – Tatlong salitang pandiwa na nagsasabi sa
kilos ng salita/paksa
 Linya 4 – Apat na salita, ang dalawa ay
naglalarawan sa paksa at ang huling dalawa ay
naglalarawan sa kasalungat ng salita/paksa
 Linya 5 – Tatlong salita na nagsasabi sa kilos o
gawain ng kasalungat na salita o paksa
 Linya 6 – Dalawang pang-uri na naglalarawan sa
kasalungat
 Linya 7 – Isang salita (kasalungat ng salita o paksa
ng unang linya)
TULANG LIRIKO
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang
lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal
dilag
Ang di magnasang
makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya.
Magbigay ng mga salitangg kasingkahulugan ng
sumusunod na mga salitang may salungguhit at
ipaliwanag ang kahulugan nito.

1. Naging banig mo ang maalikabok na


lansangan.
Maalikabok: _____________________
Paliwanag: ______________________
2. Wala pa ang noche Buena ay parang
kampana na niyuyugyog.
Niyuyugyog:______________________
paliwanag:_______________________
3. Ang pagkadapa mo sa lupa ay ang paghalik
mo sa sarili.
Pagkadapa: _____________________
Paliwanag:______________________
4. Ang bukas ay iyong pagtakas.
Pagtakas: ______________________
Paliwanag: _____________________
5. Saan hahangga any ang iyong
pagkabasag?
Pagkabasag:_____________________
Paliwang:_______________________
6. Amoy- tsiko ang alikabok.
Amoy- tsiko:_____________________
Paliwanag:_______________________
7. Ang katahimikang kinumot ng liyo mong
katawan.
Liyo:____________________________
Paliwanag:_______________________
8. Sanay ka na ngang tumangga ng sambasong
pagkalupig.
Pagkalupig:______________________
Paliwanag:_______________________
Basahin ang tula na
“Panauhin sa
Lansangan” sa pahina
33.
Gawain: Sagutin ang
mga tanong sa pahina
34-35(6A).

You might also like