Professional Documents
Culture Documents
Ang Estilo at
Gramatika
LAYUNIN:
Ikot.
Ginagamit ang salitang ito na katumbas ng “clockwise turn” sa Ingles o ang pagpihit nang pakanan.
Ikit.
Ginagamit ito na katumbas ng “counter clockwise” sa Ingles o ang pagpihit nang pakaliwa o papasok.
Gupitan.
Putulan ng buhok o bawasin ang labis.
Gupitin.
Gupitin sa pamamagitan ng gunting.
Gamit ng Idyoma
Mahalaga rin sa paglalahad nang masining ang paggamit
ng idyoma. Nagagamit ang mga ito sa pagsulat ng tula,
kuwento, dula at sa iba pang larangan ng panitikan, bagaman
hindi ginagamit sa mga akdang pang-agham, sapagkat
mababago ang kahulugan ng teksto.
Hal.
Hal.
1. Nagkaisa sa iisang adhikain ang mga mag-aaral ng Universidad de Manila
2. Nagsusumikap ang lahat upang makamit ang kanilang mga pangarap.
3. Makakamit nula ang kanilang pangarap sagwil man ang kahirapan.
Uri ng Pangungusap
1. Ang mga Pangungusa na Paturol at Pasalaysay
Ang mga ganitong uri ng pangungusap ay naglalayong maglahad ng isang katotohanan. May layong magkwento
ang ganitong uri ng pangungusap.
2. Ang mga Pangungusap na Pautos
Ang mga ganitong uri ng pangungusap ay nmay layong mag-utos. Ito ay may iba't-ibang anyo:
a. Mga Pautos na Pananggi
1. Huwag mong sulatan iyan.
2. Huwag mong upuan ang sahig.
b. Mga Pautos na Panag-ayon
Kapag ang paksa ng pangungusap ay nakayuon sa ikalawang panauhan at ginagamitan ng mga pandiwang
nasa anyong pawatas.
1. Mag-aral kang mabuti ng inyong mga leksyon.
2. Ipaglaba mo ang iyong kapatid na may sakit.
3. Pangungusap na Patanong
Ang pangungusap na ito ay naglalayong magtanong.
a. Pangungusap na Patanong ba sumasagot ng Oo o Hindi
1. Nag-aaral kaba?
2. Kumain kana ba?
3. Nagkita ba kayo?
b. Pangungusap na Patanggi ang Tanong.
1. Hindi ka ba aalis?
2. Hindi ka ba kumain?
c. Pangungusap na Gumagamit ng Panghalip na Pananong
Mga uri ng panghalip, ano, sino, saan, kailan, bakit ...
1. Ano ang pangalan mo?
2. Sino ang kausap mo?
d. Pangungusap na ang anyo ay kabalikang pagtatanong
1. Sila ba, nakaalis na?
2. Kayo ba, nakakainan na?
e. Pangungusap na may Karugtong o Pahabol
1. Naiwan ko sa inyo, hindi kaya?
4. Mga Pangungusap na Padamdam
Kapag ang mga pangungusap ay nagsasaad ng
matinding damdamin, ito ay tinatawag na mga
pangungusap na padamdam. Ginagamit ang
mga ganitong uri ng pangungusap ng mg
salitang padamdam gaya ng, Naku! Aba! Ha!
Hoy! at marami pang iba.
Ang Mga Pangungusap na Walang Simuno at Sambitla
Bagaman ang kahingian sa pangungusap ay yaong nagsasaad ng buong diwa, at kadalasang natutukoy na ang mga
pangungusap ay binubuo ng mga salita, may mga salita namang ipinalalagay na isang buong pangungusap sapagkat
buo ang diwa nito.
1. Padamdam
Ito ay nagpapahayag ng masidhing damdamin.
1. Naku! Naiwan na yata ako ng bus
2. Wow! Ang ganda ng bagong bag mo.
2. Pakiusap.
Kapag ito ay nagpapahayag ng paghingi o nakikiusap.
a. Pakisabi naman na pupunta kami sa inyo.
b. Pakisulat ito sa inyong notbuk.
3. Eksistensyal
Kapag ang pangungusap ay nagsimula sa mga katagang, may, mayroon at wala.
a. May kasama ako
b. Walang magsasalita
4. Temporal
Kapag ang panungusap na walang simuno ay nagpapahayag ng oras o sumasagot sa
panahon
a.Bukas
b. Sa Linggo nalang.
5. Penomenal
Kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng pangyayari
a. Lumilindol daw.
b. Bumaha sa Marikina.
6. Pormulasyong Panlipunan
kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng paggalang.
a. Salamat.
b.Walang anuman po.
7. Pahanga
Kapag ang pangungusap na walang simuno ay nagpapahayag ng paghanga.
a. Kay ganda ng panahon.
b. Talagang napakahusay mong sumulat.
Mga Sambitla
Ito ay itinuturing na mga pangungusap na may diwa. Ang mga ganitong uri ng pangungusap,
bagaman hindi lantad ang diwa. Ito ay may buong mensahe. Ang mga ito ay may iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapakita ng masidhing damdamin. Ang mga katagang naku, ano, at aray ay itinuturing na
mga sambitla.
Mga Halimbawa ng mga Sambitla:
Umuulan! Hala! Tubig!
Sunog! Naku! Aba!
Hoy! Gising! Magnanakaw!
B. Ugnayan ng Gramatika at Retorika
Dalawa ang masasabing sangay ng mabisang pag-aaral ng
karunungang pangwika: ang Gamatika at Retorika.
Nagbibigay-linaw, bisa at kagandahan sa pahayag ang
Retorika, samantalang nagdudulot ng kawastuhan sa pahayag
ang Gramatika. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa parirala,
sugnat at pangungusap ng pahayag; mga tamang panuring, mga
pang-ugnay, mga pokus ng pandiwa at iba pang para sa
kaisahan at kakipilan ng mga pangungusap ay naibibigay rin ng
gramatika.
C. Pagpili ng wastong Salita
Ang pagiging malinaw ng pahayag ay
nakasalalay sa mga salitang gagamitin,
kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan
at sitwasyong ipapahayag, may mga
pagkakataon na ang mga salitang tama naman
ang kahulugan ay lihis o hindi angkop na
gamitin.
Halimbawa:
Di-timbang
Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng gamit ang
mga napaalis na iskwater.
Timbang