You are on page 1of 14

ARALIN 4: UNANG YUGTO NG

IMPERYALISMO SA
KANLURANIN
Nagsimula noong ika-15 siglo ang
dakilang panahon ng EKSPLORASYON
o paghahanap ng mga lugar na hindi pa
nararating ng mga Europeo. Ang
eksplorasyon ay nagbigay-daan sa
kolonyalismo o ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa.
Tatlong bagay ang itinuturing na
motibo para sa kolonyalismong dulot
ng eksplorasyon:
(1) paghahanap ng kayamanan;
(2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo;
(3) paghahangad ng katanyagan at
karangalan.
MGA MOTIBO AT SALIK SA
EKSPLORASYON
 Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga
Europeo. Bagama’t ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya
ay limitado lamang at hango lamang sa mga tala ng mga
manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta,
napukaw ang kanilang paghahangad na marating ito dahil
sa mga paglalarawan dito bilang mayayamang lugar.
Mahalaga ang aklat na The Travels of Marco Polo (circa
1298) sapagkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman
at kaunlarang taglay ng China.
MGA MOTIBO AT SALIK SA
EKSPLORASYON
• Sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay
at mangangalakal na ito nang matuklasan ang
compass at astrolabe. Kapwa malaki ang tulong ng
dalawang instrumentong ito sa mga manlalayag. Ang
compass ang nagbibigay ng tamang direksiyon
habang naglalakbay samantalang gamit naman ang
astrolabe upang sukatin ang taas ng bituin. 
MGA MOTIBO AT SALIK SA
EKSPLORASYON
• Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng
paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain - ang Portugal
at Spain. Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo
dahil kay Prinsipe Henry the Navigator na naging
inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang panahon. Siya
ang nag-anyaya sa mga dalubhasang mandaragat na magturo
ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Sukdulan ang
kaniyang pangarap, ang makatuklas ng mga bagong lupain
para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal.
MGA MOTIBO AT SALIK SA
EKSPLORASYON
• Sa panig ng mga Español, nagsimula ito
noong 1469 nang magpakasal si Isabella kay
Ferdinand ng Aragon. Sila ang sumuporta sa
pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga
dugong bughaw sa Castille. Sa kanilang
paghahari rin nasupil ang mga Muslim sa
Granada at nagwakas ang Reconquista.
ANG PAGHAHANGAD NG ESPANYA
NG KAYAMANAN MULA SA
SILANGAN

• Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand


V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille
noong 1469 ay naging daan upang ang
Espanya ay maghangad din ng mga
kayamanan sa Silangan.
ANG PAGHAHANGAD NG ESPANYA
NG KAYAMANAN MULA SA
SILANGAN

• Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay


naging dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon
sa Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher
Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492
ay tinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang
kaniyang unang ekspedisyon na ang kaniyang adhikain
ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay
ang pakanluran ng Atlantiko.
ANG PAGHAHANGAD NG ESPANYA
NG KAYAMANAN MULA SA
SILANGAN
• Masusuri natin sa pangyayaring ito na ang kakulangan sa
mga makabagong gamit para sa gagawing paglalakbay
gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507, isang
Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang
nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong
Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa
pangalan niya kaya nakilala ito bilang America at naitala sa
mapa ng Europe kasama ang iba pang mga bagong
diskubre na mga isla.

You might also like