You are on page 1of 10

IBA’T – IBANG

URI NG
KALAMIDAD

CRISTITA M. VIGO
Ang natural na kalamidad at sakuna tulad ng lindol, bagyo, at
pagputok ng bulkan ay maaring magdulot ng malaking pinsala sa mga
ari—arian at maging sa buhay ng tao. Upang maiwasan ang hindi
mabuting epekto at bunga nito, tayo ay dapat maging handa sa lahat
ng oras. Kailangang matutuhan natin ang iba’t ibang paraan ng
angkop na pagtugon sa oras ng kagipitan. Ang mga pagsunod sa sa
mga alituntunin at batayang pangkaligtasan ay pagtitiyak sa
pagpapanatili at pangangalaga sa buhay at ari-arian.
 
BAGYO - isang pabilog o spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin na may
dalang mabigat na ulan.
- karaniwan daan-daang kilometro o milya sa diameter ang laki. Ang mata ng bagyo, ito
ay ang gitnang bahagi ng namumuong ulap o bagyo.
- ang mata ng bagyo ay isang kalmadong lugar dahil isa itong low pressure area.
- Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration o PAGASA
ay ahensiyang nangangasiwa sa pagbibigay ng signal upang malaman ang lakas o bugso
ng hangin na dulot ng bagyo.
Signal Bugso ng Hangin
Signal No. 1 30 – 60 kph
Signal No. 2 61 – 100 kph
Signal No. 3 101 – 185 kph
Signal No. 4 186 pataas
LINDOL
● Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko.
● Ito ay ang paggalaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust).
STORM SURGE
● Ang storm surge o daluyong-bagyo ay ang hindi pankaraniwang pagtaas ng tubig sa
dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin.
Ang Bagyong Haiyan o Yolanda ay itinuturing na isa sa pinakamapaminsalang daluyong-
bagyo na kumitil ng 3,600 na buhay sa Gitnang Pilipinas at nagdulot ng pinsala na katumbas
ng humigit-kumulang na US$14 bilyon.
PAGBAHA
● Ang baha ay labis na pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa
at isang delubyo.
● Sanhi nito ang ulang rumaragasa o bumubugso.
● Madalas ding bumabaha dahil sa mga mga baradong mga kanal at creek.
LANDSLIDE
● Ang landslide ay ang pagguho o pagbaba ng lupa, bato, burak at iba pang mga bagay mula sa
mataas na lugar dahil sa gravity o batak ng natural na puwersa ng mundo.
● Karaniwang nangyayari ang ganito kapag malakas at tuluy-tuloy ang buhos ng ulan.
TSUNAMI
● Ang tsunami ay isang serye ng higanteng alon na nagaganap matapos ang paggalaw sa ilalim ng
dagat dulot ng iba’t-ibang mga likas na kaganapan.
● Karaniwang sanhi ito ng lindol, pagsabog ng bulkan at pagguho ng lupa.
● Maaring umabot hanggang 100 talampakan na lubhang mapaminsala sa mga tao at kanilang mga
ari-arian
PAGPUTOK NG BULKAN
● Ang bulkan ay isang bundok na may butas sa tuktok nito.
● Karaniwan itong nagbubuga ng mainit na bato at abo.
● Dahil sa sobrang init ng bato at lava na binubuga ng bulkan ang mga dinadaanan nito ay nasisira.
PAGSASANAY 1:

PANUTO: Ayusin ang mga letra ng salitang nasa ibaba upang


maibigay ang hinihingi sa bawat bilang.
1. L I S E D D A L N _____________________________
2. A N I M T U S _____________________________
3. O Y G A B _____________________________
4. A H B A P A G _____________________________
5.R O M S T E G R S E _____________________________
PAGSASANAY 2:
PANUTO: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsasalarawan. Buuin ang salita sa
pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga nawawalang letra.
1. May dalang malakas na hangi at ulan ___ A __ __ O
2. Pagguho ng lupa L A ___ ___ S ___ I ___ ___
3. Pagyanig ng lupa L ___ ___ D ___ ___
4. Pagsabog o pagbuga ng usok ___ A ___ P__ __O
____ N ___ B ___ ___ K ___ N
5. Bunga ng walang tigil o malakas na ulan B __ __ A
PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA kung nagsasaad ng
wasto at MALI kung hindi.
__________1. Ang landslide ay pagguho o pagbaba ng lupa, bato, burak at iba pang mga
bagay mula sa mataas na lugar gaya ng bundok.
__________2. Ang tsunami ay sanhi ng tuluy-tuloy na ulan na may kasamang malakas na
hangin.
__________3. Lindol ang tawag sa paggalaw ng lupa na lubhang nakapamiminsala sa tao
at mga ari-arian nito.
__________4. Ang di pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan tuwing may
bagyo ay tinatawag ding storm surge o daluyong- dagat.
__________5. PAGASA ang tawag sa ahensiyang nangangasiwa sa pagbibigay ng signal
upang malaman ang lakas o bugso ng hangin na dulot ng bagyo.

You might also like