You are on page 1of 11

Kagamitan para sa buhok

Shampoo- ito ay nagbibigay ng kaaya-ayang amoy sa ating buhok. Ito rin


ang nag-aalis ng mga kumapit na dumi at alikabok sa ating buhok.
 
Suklay o Hairbrush- ito ay ginagamit sa pagsusuklay ng buhok upang
matanggal ang mga buhol-buhol o gusot sa ating buhok.
 
 
Kagamitan para sa kuko

Pangupit ng kuko o nailcutter- ito ay


ginagamit sa pagpuputol o paggupit ng kuko sa
kamay at paa. Dapat pantayin ang kuko na
ginupit gamit ang Nail File o Panliha.
Kagamitan para sa bibig o Ngipin
 
Sipilyo- Ito ay ginagamit kasama ang
toothpaste upang linisin at tangalin ang
mga pagkaing dumikit o sumingit sa
pagitan ng mga ngipin pagkatapos
kumain.
 
Ang toothpaste ay nagpipigil sa pag-
dami ng mga mikrobiyo sa loob ng
bibig. Pinatitibay nito ang mga ngipin
upang hindi ito mabulok.
• Sa pagmumumog ng dapat gumamit rin ng
mouthwash upang lalong makatulong sa
pagpapanatili ng mabangong hininga. Ito rin ay
nakakatulong sa pagpuksa sa mga mikrobiyong
namamahay sa loob ng bibig  na sanhi ng
mabahong hininga.
 
Kagamitan Para sa katawan
Sabong pampaligo-  ito ay nag-aalis ng dumi
at libag sa katawan at nagbibigay ng mabango at
at malinis na amoy sa buong katawan.
 
Bimpo- ito ay kinunuskos sa buong katawan
upang maalis ang libag sa ating katawan.
 
Tuwalya- ito ay ginagamit na pamunas sa
buong katawan pagkatapos maligo para matuyo.
 
“Bunutin at Gawin”
“Isadula natin”
Nilalaman ng dula – 6 puntos
kaayusan ng konsepto –  5puntos
Pagtutulungan - 4 puntos
                Kabuuan                     -15 puntos
Sagutan natin 

1.Bakit dapat ugaliing maging maayos palagi


ang ating mga sarili?
2. Ano ang mga magagandang dulot nito sa
ating katawan at kalusugan? 
3.Magbigay ng mga kagamitan na lagi mong
ginagamit sa pagpapanatili ng kalinisan sa
katawan?
Maginterbyu ng isang miyembro sa
Pamilya at itanong kung paano nila
inaalagaan ang kanilng sarili. Isulat sa
kahit anong papel at ilagay ito sa
portfolio sa EPP

You might also like