You are on page 1of 10

Ang Pilipinas

ay isang
Bansa
Araling Panlipunan 4
Ano ang Bansa?
Ito ay lugar o teritoryo na may
naninirahang mga grupo ng tao na
may magkakatulad na kulturang
pinanggagalingan kung kaya
makikita ang iisa o pareparehong
wika, pamana, relihiyon at lahi.
-Tao

Apat na -Teritoryo
Elemento ng
Pagkabansa -Pamahalaan
-Kalayaan o soberanya
1. Tao
• -ito ay tumutukoy
sa grupong
naninirahan sa loob
ng isang teritoryo
na bumubuo ng
populasyon ng
bansa
2. Teritoryo
•-ito ay tumutukoy sa
lawak ng lupain at
katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan
sa itaas nito.
•-ito rin ang tinitirahan ng
tao at pinamumunuan ng
pamahalaan.
3. Pamahalaan

•Ito ay isang Samahan o organisasyong


political na itinataguyod ng mga grupo ng
tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at
magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
4. Soberanya
•Ang soberanya o ganap na Kalayaan
ay kapangyarihan ng pamahalaang
namahala sa kanyang nasasakupan.
•Tumytukoy rin ito sa kalayaang
magpatupad ng mga programa nang
hindi pinakikialaman ng isang bansa.
Sagutin ang mga katanungan:
1. Ano ang kahulugan ng bansa?
2. Anu-ano ang katangian ng isang
lugar para masabing isa itong
bansa
3. Bakit maituturing na isang
bansa ang Pilipinas?
Gawain 1:
Lagyan ng tsek ( ̸ ) ang bilang ng pangungusap na
nagsasabi ng katangian ng isang lugar para maituring na
isang bansa at ekis ( x ) naman kung hindi. Gawin ito sa
papel.
___1. May mga mamayang naninirahan sa bansa.
__2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa.
__3. Binubuo ng tao, pamahalaan at teritoryo lamang.
__4. May sariling Pamahalaan.
__5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at
katubigan kasama na ang jimpapawid at kalawakan sa
itaas nito.
Sagot
1, /
2, X
3. X
4. /
5. /

You might also like