You are on page 1of 7

EL FILIBUSTERISMO

KABANATA 14: SA BAHAY NG MGA MAG-AARAL


MGA TAUHAN:
Makaraig -isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa isyu
sa Akademya ng wikang Kastila.
Isagani -pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito
si Isagani ay isa sa mga estudyanteng sumuporta sa hangaring magkaroon ng sariling
akademya para sa wikang kastila ang Pilipinas.
Sandoval- isang kawaning kastila na sang-ayon sa pinaglalaban ng mga mag-aaral.
Pecson– isa sa mga mag-aaral ngunit nag-aalinlangan sa nais isagawa ng kapwa mag-
aaral.
Pelaez -ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor.
Tinderong Intsik -nagtitinda ng mga kakanin sa mga estudyante.
TAGPUAN:
Bahay na tinitirhan ng estudyanteng si Makaraig.
TALASALITAAN :
Nangangasera- nangungupahan ng kwarto o dormitory o boarding
housepara doon pansamantalang tumira o mamalagi habang
nagtatrabaho,nagbabakasyon, nag-aaral, at iba pa.
Mapakiling –pumanig
Kuru-kuro- hinuha
Nangingitngit- nanggagalaiti sa galit o galit na galit
Pagbabalat-kabayo- pagpapanggap
BUOD:
Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig.
Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang nakatira na pawang
nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali.

Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng


kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang
pangunahing estudyante na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez
ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang kanilang pakay.
Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang
nag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may
malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.
May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila na si Padre Irene
ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang
adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga
kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan ang
kanilang naisipupang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang
manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni
Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upang
maging marangal ang kapamaraanan.
By:
Reyniel Clyde M. Escober
Grade 10 St. John

You might also like