You are on page 1of 13

Upang mapag-usapan ang grado ng 8-Amethyst

Frian, nagsagawa ng pagpupulong


Nagsagawa ng isang pagpupulong si Gng. Frian A. Dimaano, guro ng 8-Amethyst upang
ipaalam sa mga magulang ang mga naging grado ng kanilang anak sa ikalawang markahan.

Dumalo ang mga magulang ng mga estudyante at ganap na nagsimula ang pagpupulong sa
oras na 7:30 ng umaga, ika-7 ng Nobyembre 2019, araw ng Huwebes sa silis aralan ng 8-Amethyst.

"Bago ko ibigay ang card ng inyong mga anak, nais ko munang ipaalam na mayroom akong
apat na estidyante dito na tumigil sa pag-aaral sa kadahilanang kulang ang pinansyal at
naimpkuwensiyahan ng mga barkada," ani Dimaano sa mga magulang.

Dagdag pa nito, sana ay hindi na raw umano maulit ang pag-dropped ng kaniyang mga
estudyante.

Samantala, nang ibinigay na ang card ng grado sa mga magulang, ay may ilang natuwa ngunit
marami rin ang nadismaya.

"Marahil kayo ay nagtataka kung bakit bahagyang bumaba ang grado ng inyong mga anak.
Ito'y sapagkat marami sa kanila ang hindi nagpasa ng project, yung sa red clear book na lagayan ng lahat
ng activities and the rest, kulang pati sa ibang subject," sabi ni Dimaano.

Gayunpaman, pinayuhan na lamang ni Dimaano ang mga magulang na obserbaham din ang
mga anak sa bahay at tingnan kung gumagawa ng mga takdang-aralin at take-home activities.

Samantala, inanunsyo ni Dimaano na half-day lamang sa darating na Biyernes.

Umaasa naman ang guro na makakabawi ang mga estudyante sa darating na ika-tatlo at ika-
apat na markahan na maging mas magaling ang grado at iwas sa pagiging bagsak
SALARIN

Halatang-halata ang kanyang sakit at hirap na


nararamdaman habang pinuputol ko ang kaniyang mga daliri. Nais
niyang makaalis mula sa pagkakagapos na itinali ko sa katawan niya.
Nagpupumiglas at hindi mapakali ang aking nasisilayan na ginagawa
niya. Isang malakas na paghalakhak ang aking nilikha nang makita siya
sa ganong sitwasyon. "HAHAHAHA, aking sambit. Nang matapos ko
nang putulin ang lahat ng kaniyang mga daliri, kumuha ako ng pamalo.
Walang habas ko siyang pinagpapalo nang buong lakas. Hindi mabilang
na palo ang inialay ko sa kanya.

"Tigil na, lubha na ang iyong ginagawa", sambit sa akin ng


aking kasabwat. Subalit hindi ako nakikinig sa kanya, tuloy-tuloy pa rin
ang aking paghampas. Ni-isang katiting na awa ay hindi ko man lang
naramdaman. Dapat lang siyang mamatay, masaya ako kapag
naisakatuparan ko iyon. Peste siya sa buhay ko! Tumigil na lang ako
nang makita ko siyang wala nang buhay. Gutay-gutay at halos di na
makilala. Dali-dali kong nilinis ang pinangyarihan ng karumal-dumal na
krimen. Ayaw kong may makaalam ng aking ginawa. Nang matapos ko
nang alisin lahat ng ebidensya, bumalik ako sa lugar na tila ba walang
nangyari.

Wala na siya, wala na ang ipis na tila ay paru-parong pesteng


panira na lumilipad-lipad.
PGMAMAHAL
Aking sinta, oh aking naaalala

Sa bawat sandaling ikaw ay kasama

Tumitibok-tibok itong aking puso

Ikaw ay mamahalin ko hanggang dulo.

Buhusan pa man tayo ng mga biyaya

Aking problema ay laging nabubura

Kapag kasama ka ako'y sumasaya

Ikaw lang ang nais at wala nang iba.

Ang pag-ibig ko sa'yo oh aking irog

Tila ang puso ko'y iba ang tunog

Dahil kung ikaw sakin ay mawawala

Walang inspirasyon sa'king mga tula

Aasa ni walang kasiguraduhan

Aasa kahit walang patutunguhan

Aasa kahit walang kahahantungan

Sapagkat sa iyo'y sobrang tinamaan

Sa puntong ito ay nais kong magtapat

Pagmamahal ko sayo'y di pa ba sapat?

Alam kong sayo'y wala akong karapatan

Kasi di ka naging akin kailanpaman


Comunal, Calapan City

Oriental Mindoro

Pebrero 6.2020

Mahal kong ina at ama,

Hinayaan ko ang maraming taon na lumipas nang hindi nagpapasalamat sa inyong


dalawa. Nginit hindi ninyo hinayaan ang bawat solong segundo ang lumipas nang hindi ninyo
ako iniibig nang walang pasbali. Walang sapat na salita uoang mailarawan ko kung gaano ako
nagpapasalamat sa inyong dalawa.

Salamat sa inyong walang katapusan na pag-ibig kahit na marahil ay hindi ako


karapat-dapat. Nanay, pinapahalagahan ko ang bawat salitang bilin mo sa akin. Tatay,
pinapahalagahan ko ang bawat sagot na oo sa aking mga hinihiling.

Nais kong humingi ng tawad sa aking saloobin. Alam komg nais ninyo akong
makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng trabaho, ngunit minsan ay hindi ako handa.

Lahat ng natutunan ko sa buhay ay mula sa inyong dalawa. Kayo ang dahilan sa


likod ng aking mga tagumpay at inspirasyon sa likod ng aking pagsusumikap. Mahal ko kayo!

Nagmamahal,

GUINE B. REYES
BROADCASTING SCRIPT (Florante at Laura)
by: Group 1

Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan. Ito


ang DZRM!

ANCHOR 1: Guine Reyes Bumabanderang mga balita

ANCHOR 2: Criz Cruz Tapat na paglalathala

ANCHOR 1: Guine Reyes Kakampi ng sambayanan dito lang sa...

ANCHOR 1 & 2 DZRM Syete syete singko Boses ng kabataan, boboboboses ng


kabataan

ANCHOR 2:Criz Cruz Ako po ang inyong lingkod, Criz Emanuel Cruz

ANCHOR 1: Guine Reyes At inyong kaagapay, Guine Reyes

ANCHOR 2: Martes, ika-10 ng Marso taong 2020

VOICE: Sa loob ng limang minuto, maghahatid ng balitang siksik at sulit na sulit

ANCHOR 1 & 2 DZRM. DDDDZRM

ANCHOR 2: Criz Cruz Sa ulo ng nga nagbabagang mga balita.

ANCHOR 1: Guine Reyes Sagisag kultura, pinarangalan si Francisco Balagtas sa kanyang akda

ANCHOR 2: Criz Cruz CVHSians, nasungkit ang mga medalya sa Florante at Laura Olympics.

ANCHOR 1: Guine Reyes Amethyst, wagi sa Florante at Laura theatre

ANCHOR 2: Criz Cruz Manny Pacquiao, inspirasyon daw si Florante sa pakikipaglaban

ANCHOR 1: Guine Reyes Live, premiere night ng Florante at Laura movie, masisilip

ANCHOR 2: Criz Cruz Kami'y magbabalik matapos ang paalalang ito.

Infomercial: Oh alas dose na ng madaling araw.Ano pa nga bang ginagawa ko?

Ang mga ulap ay sumasabay sa mga luha kong pumapatak ng lubos, na


halos matuyo na ang mga mata ko. Mga luha na ikaw lamang ang
dahilan, mga luha na tumatakbo sa aking isipan. Hindi mo na ako
mahal. Mga luha na umaasang papalitan mo ng ngiti, papalitan mo ng
kasiyahan ngunit akoy iyong iniwan. Ang sakit, tama nga sila, si eba ay
para lang kay adan, si maganda ay para lang kay lakas, si maria ay para
lang kay jose at si laura ay para lang kay florante. Para akong bola,
bolang pinaglaruan mo na hinagis hagis papalayo. Wala akong masabi
sayo kundi salamat kasi pinakawalan mo ako.

Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng Department of Education at ng


himpilang ito

ANCHOR 1 & 2: Guine Reyes Nagbabalik ang DZ DDDDZ DZRM syete syete singko Boses ng
& Criz Cruz Kabataan, boboboboses ng kabataan

ANCHOR 1: Guine Reyes Sagisag Kultura, pinarangalan si Francisco Balagtas sa kanyang akda.
Stephanie Lumat, ibalita mo!

Reporter 1: Stephanie Lumat TUWING sasapit ang ika-2 ng Abril, hindi nalilimot sa kasaysayan ng
Panitikan Pilipino ang paggunita at pagdiriwang sa kaarawan ni
Francisco Balagtas. Ang ika-2 ng Abril ay tinatawag na Araw ni Balagtas.

Pinarangalan ng Sagisag Kultura si Francisco Balagtas bilang


natatanging manunulat.Ang paggunita at pagdiriwang sa Araw ni
Balagtas ay pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF),
bilang pagkilala sa nagawa at naiambag ni Balagtas sa Panitikang
Pilipino.

Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang banghay ng nobelang “Noli Me Tangere” ni
Rizal ay hinalaw sa “Florante at Laura”. Stephanie Lumat, nagbabalita.

ANCHOR 2: Criz Cruz CVHSians, nasungkit ang mga medalya sa Florante at Laura Olympics.
para sa karagdagang balita, narito si Ivan Lat

REPORTER 2: Ivan Lat Nasungkit ng CVHS ang tatlong silver medals at tatlo ring bronze
medals sa 17th Florante at Laura Olympiad na ginanap nitong Abril 2,
2020

Ito rin ang unang pagkakataon na nagwagi ng medalya ang lahat ng


anim na pambato ng CVHS sa isa sa pinakamalalaking national na
kompetisyon sa Filipino.

Ang Florante at Laura Olympiad ay isa sa mga prestihiyoso at mahirap


na high school Filipino competitions sa buong Pilipinas. Ivan Lat, nag-
uulat.

ANCHOR 1: Guine Reyes Amethyst sumabak sa Florante at Laura Theatre, Jesslai Tawag ihayag
mo!

REPORTER 3: Jesslai Tawag Nagwagi ang 8- Amethyst sa ginanap na Florante at Laura Theatre na
ginanap sa OMNHS. Ayon sa direktor, ang mga karakter ay nagpakita ng
ilang pagsubok na hinarap at kung paano nalutas ang mga ito.

Ang mga gumanap sa unang karakter sa “Florante at Laura 2020” ay


sina Paul Jake Paule (Florante), Ellrica Laguardia (Laura), Ace Urieta
(Adolfo), Jefrey Carpio (Aladin), at Sharlene Rivera and Ira Ruzz
(Flerida).

Sila ay nagwagi ng isang tropeo bilang parangal sa kanilang teatro.


Mababakas naman sa kanilang mga mata ay puno ng kasiyahan at
pagwawagi

ANCHOR 2: Criz Cruz Salamat Jesslai. Magbabalik ang DZRM matapos ang paalalang ito

INFOMERCIAL FLORANTEEE! TUMIGIL KA NA ADOLFO!

FLORANTE WAG KANG SUSUKO HUHUHUHU. PILITING MONG


MABUHAY, AKING MAHAL.

ARGH, MAHAL KONG LAURA, ANG SAKIT SAKIT, PARA AKONG


KINAKAIN NG SARILI KONG UTAK.

FLORANTE, PARANG AWA MO NA, MAGSIMULA TAYO NG BAGONG


BUHAY, MALAYO SA KAGULUHAN.

OH LAURA, Mahal kita, pangakong di kita susukuan!

S1: Gaano karaming tao pa ang papaslangin

S2: Ilang inosente pa ang bibiktimahin

S1: Kaninong buhay pa ang kikitilin

S2: Kailan kaya natin makakamit ang katarungan

S1: Ilang Pilipino pa ba ang kailangang mamatay bago kayo tumigil.

Voice:Ikaw at ako sama-samang tuldukan ang digmaang

ANCHOR 1 & 2: Guine Reyes, Nagbabalik ang DZ DDDDZ DZRM syete syete singko Boses ng Kabataan
Criz Cruz Boboboboses ng kabataan

ANCHOR 2: Criz Cruz Manny Pacquiao, inspirasyon raw si Francisco Balagtas sa


pakikipaglaban. Kervy Plata, ibalita mo!

REPORTER 4: Kervy Plata Ang Filipino sports icon na si Manny Pacquiao noong Sabado ay
nagsabing si Florante ng Florante at Laura ay isang malaking
impluwensya habang siya ay nagsisimula pa rin bilang isang
manlalaban.

"Malaki ang naiambag dahil isa siya sa mga nagbigay ng inspirasyon sa


aming mga fighter at isa siya sa mga inspirasyon nang sinimulan ko ang
pagboboksing", sabi ni Pacquiao

Si Pacquiao, na naging isang eight-division boxing champion bago


naging senador, ay sinabi na tulad ng maraming mga boksingero, idolo
niya si Florante hindi lamang dahil sa kanyang karisma kundi pati na rin
sa kanyang gawaing mapagtanggol sa bayan. Kervy Plata, para sa
balitang sports.

ANCHOR 1: Guine Reyes Premiere night ng Florante at Laura movie, masisilip. Live sa Abs cbn
ball station, Lara Borbon, ibalita mo!

REPORTER 5: Lara Borbon Ipinagmamalaki ng Gantimpala Movie Foundation Inc. ang opening
production movie si Francisco Balagtas sa '"Florante at Laura" - isa sa
pinakahihintay na mga obra sa panitikang Pilipino na inilarawan ng
marami bilang isang makatang sining..

Inangkop sa isang pag-play sa pamamagitan ng award-winning at


respetadong playwright na si Boni Ilagan, Sa pamumuno ng sensasyong
"Sana Naman" ng orihinal na mang-aawit ng 1990 na ngayon ay
ginawaran ng aktor-director na si Roeder Camañag.

Ang sikat na Pilipinong kwento ng pag-ibig ay gumagamit ng movie


form ng "komedya" na kumpleto sa marilag na mga martsa at grand
batalia. Lara Borbon, para sa balitang shiwbiz

ANCHOR 2: Criz Cruz Salamat Lara. Bumabanderang mga balita

ANCHOR 1: Guine Reyes Tapat na paglalathala

NCHOR 2: Criz Cruz Ako si Criz Emanuel Cruz

NCHOR 1: Guine Reyes Guine Reyes

NCHOR 2: Criz Cruz Kakampi ng sambayanan dito lang sa

NCHOR 1 & 2: Guine Reyes & DZ DDDDZ DZRM syete syete singko Boses ng Kabataan, boboboboses
Criz Cruz ng kabataan

You might also like