You are on page 1of 38

Filipino sa piling

larang - akademik
A PANIMULANG GAWAIN:
T
I
N
G
APAT NA LARAWAN…
T
U
K ISANG KAISIPAN
L
A
S
I
N
Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag na ito.

Ang isang larawan ay


katumbas ng sanlibong
salita.
PAGSULAT NG
LARAWANG SANAYSAY
MODYUL 8
Pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto:

 Natutukoy ang katangian ng


isang sulating akademiko
(larawang sanaysay).
CS_FA11/12PB-Om-o-112
A IBIGAY ANG IYONG IDEYA?
T
I
N
G Ano ba ang
S
U
LARAWANG
R
I
SANAYSAY?
I
N
Ang larawang sanaysay o photo essay ay
isang koleksyon ng mga imahen na
inihain sa ispesipikong pagkakasunod-
sunod upang ihayag ang pag-unlad ng mga
pangyayari, emosyon at maging ng mga
konsepto (Dickson,2017).
 Ang larawang sanaysay ay koleksiyon
ng mga larawang maingat na inayos upang
 maglahad ng pagkasunod-sunod na
pangyayari,
 magpaliwanag ng partikular na
konsepto, o
 magpapahayag ng damdamin.
Hindi limitado ang paksa ng larawang sanaysay. Maaaring ito ay
serye ng mga imahen tungkol sa
 mataong bangketa,
 tahimik at payapang bukirin, o
 sa isang natatanging tao o mga kakaibang pangyayari.

 Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang


mismong paggamit ng larawan sa pagsasalaysay.

Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong

gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon,


at malinang ang pagiging malikhain.
DALAWANG SANGKAP
NG LARAWANG
SANAYSAY
Nagpapahayag ng Sa anyong ito, ang mga
damdamin at kaisipan sa serye larawan ang pangunahing
ng larawan. Ang mensahe sa nagkukwento samantalang ang
larawang sanaysay o photo mga nakasulat na teksto ay
essay ay pangunahing nakikita suporta lamang sa mga
sa mga larawan. larawan.
MGA
KATANGIAN
NG
LARAWANG
SANAYSAY

Inaayos ayon sa kronolohikal


 Gumagamit lamang ng salita na pagkakasunod-sunod o
kung may mga detalyeng ayon sa damdaming
mahirap ipahayag. gustong ipahayag.
MGA DAPAT ISAALANG-
ALANG SA PAGBUO NG
LARAWANG SANAYSAY
 Siguraduhing pamilyar ka sa pipiliing paksa. Kailangan alamin din
kung magiging interesado ba sa paksa ang magbabasa o titingin nito.

 Mahalagang kilalanin kung sino ang mambabasa. Intensiyon mo


bang ipabasa o ipakita ito sa iyong mga kaklase, sa iyong guro, o sa
mas malawak na publiko? Mainam na maiuugnay ng mga
mambabasa ang kanilang sarili sa piniling paksa.

 Kailangang malinaw sa kung ano ang nais patunguhan ng


larawang sanaysay o photo essay. Bakit ka gagawa nito? Ano ang
iyong layunin? Gamitin ang mga larawan upang matamo ang layunin
ng proyekto.
 Kung ipagpapalagay na makatatayo nang walang suportang
teksto ang mga larawan, hindi na kinakailangan pang magsulat
ng maikling paglalarawan o paliwanag. Ngunit minsan ay
nakatutulong ang teksto sa pagpapayaman sa kahulugang makukuha
sa mga larawan.

 Kailangang may kaisahan ang mga larawan sa larawang


sanaysay o photo essay. Isaalang-alang ang consistency sa
framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay maliban lamang
kung may nais na idiing ideya o damdamin.
MGA HAKBANG
SA PAGBUO NG
LARAWANG SANAYSAY

https://www.elcomblus.com/paglikha-ng-pictorial-essay-o-larawang-sanaysay/
1. Humanap ng
paksa.

Higit na magiging mahusay kung may kaugnayan sa


buhay ng kumukuha ng larawan ang kaniyang gagawing
paksa, siyempre ang iyong hilig o inters ang magiging
motibasyon upang paghusayan ang iyong larawang sanaysay.
2. Gumawa ng
iyong saliksik

Hindi magkakabuhay ang iyong larawang sanaysay ng isang


klik lamang ng kamera. Magkakabuhay ito kung batid mo ang
kuwento o saloobin ng mga taong nakapaloob sa iyong
paksa, kaya saliksikin at alamin mo ang kanilang
kasiyahan, pagdurusa, pasakit suliranin at iba pang
karanasang kanilang pinagdaanan.
3. Hanapin ang
saysay ng
kuwento.

Anong anggulo ang nais mong tutukan? Anomang


ninanais mo para sa larawang sanaysay ay magkakabuhay sa
layuning nakapaloob sa iyong isipan. Laging tatandaan na
maraming anggulo ang pwede mong tingnan ngunit mamimili
ka lamang sa anggulong gusto mong pagtuunan ng pansin.
4. Laging pakatandaan na
ang nakakukuha ng
atensyon sa isang larawan
ay ang damdaming mabubuo
sa tumitingin.

Ang damdaming ito ang magiging koneksiyon mo sa iyong


mambabasa at sa pagkuha ng larawan. Sinomang
tumitingin ng larawan ay may damdaming maaaring
maantig sa siyang pasimula ng pagkaganyak sa
pagpapatuloy na pagsiyasat dito.
5. Planuhin ang
iyong pagkuha
ng larawan.
Gaya ng pagsulat ng maikling kuwento, iskrip at iba pa,
kailangang may simula hangggang pagwawakas ang iyong
larawang sanaysay. Gumawa ng talaan ng mga kuha o
shot list para sa iyong kuwento. Laging tatandaan na ikaw
ang bubuo ng kuwento, kung gaano kahusay ang konseptong nabuo,
ay maaaring ganoon din ang mga larawang titipunin sa
pagsasakumpleto ng iyong larawang sanaysay.
Halimbawa ng
Larawang sanaysay
o Photo essay
      Hakbang Tungo sa PAGBABAGO

Kung iisipin may isang KATOTOHANAN na hindi natin napapansin na ang lahat ay nagsisimula sa
isang munting hakbang. HAKBANG  na kung saan ang iyong sariling mga paa ang siyang magdadala tungo
sa iyong kinabukasan. Kung saan ito ang magiging daan mo para ikaw ay magbabago. At kapag ikaw ay
natuto nang humakbang at makapaglakad, ikaw na mismo ang gagawa ng iyong kapalaran. Ang
pagbabago o hakbang na tinatawag katulad lamang iyan ng paglalakad, kailangan mo munang matutong
humakbang at nasa sa iyo kung nanaisin mong matutong magbago o hindi .
        

Sabi nga nila kapag natuto na tayong maglakad, tayo na mismo ang gumagawa ng ating
sariling KAPALARAN. Tayo ay nangangarap nang mataas, ngunit hindi lahat ng tao ay kayang makamtan
ang kanilang pangarap katulad na lamang ng mga taong nasa lansangan. Sila ay ang mga taong alam
mong malabong makamit ang kanilang pangarap dahil wala silang pera, kung kaya’t natuto silang
magnakaw ng mga gamit ng hindi sa kanila. Makikita mo na walang pake ang kanilang mga magulang
dahil sila pa mismo ang nag-uutos na gumawa ng masama. Kahit gusto nilang magbago wala silang
magawa.
Ngunit  saan nga ba nagsisimula ang PAGBABAGO ?  Sabi nila ang pagbabago ay nagsisimula sa
bahay, dahil ang bahay ay nagbabago depende kung ano ang gustong disenyo ng isang may – ari. Dahil
pwedeng kapag walang pagbabago sa loob ng bahay maaari ring wala na ring pagbabago sa ating
bansa. Dahil dito mo makikita na sa loob ng bahay na ito ay ang iba’t ibang KLASE  ng tao. Walang
pakialam ang ibang tao kung magbago ka man o hindi at hindi sila ang dahilan kung bakit ka
magbabago, kagustuhan mo ito at hindi sa kanila. At kapag walang pagbabago maaaring madala nila
ang ugaling nakikita nila sa loob ng bahay kapag sila ay nasa labas ng bahay na at nakikisalamuha sa
ibang tao.
At isa sa dahilan ng pagbabago ay ang PAMILYA , dahil sila ang lagi mong nakakasalamuha araw –
araw, kung kaya’t anoman ang nakikita natin sa kanila ay maaaring madala natin ito hanggang iyong
paglaki. Ang pagbabago ay makikita natin sa ating MAGULANG dahil sila ang unang nakaranas ng
pagbabago, kung kaya’t alam nila kung magiging maganda ba ang ating pagbabago o hindi. Katulad na
lang halimbawa ng pagkuha ng mga bagay na hindi sa atin. Dahil nakalakihan na natin ito, mahihirapan
na tayong magbago dahil nasanay na tayong ganito ang ating ginagawa.
        

Kaya ang mga batang nasa lansangan na nakagawa ng masama ay dinadala sa DSWD, upang sila
ay tulungang makapagbago at maitama ang kanilang maling nagawa. Ang mga nangangasiwa sa DSWD
ang pwedeng maging ehemplo ng mga kabataan na nandoon upang magbago ang mga ito. Sila
ay HANDANG tumulong sa mga batang nakagawa na ng mga kasalanan. Basta’t may handang
tumulong sa kanila na magbago ay maaari silang magbago dahil alam nilang ito ang nararapat lalo na
kung ito ay para sa pagbabago
        

At kapag sila ay nakapagbago na, maaaring matupad na nila ang kanilang pangarap. Maaari ding
makapasok na sila sa paaralan para sila ay matuto kung ano ang tama at paano ba sila matututo. Ito
ang magiging simula ng kanilang panibagong buhay dahil alam na nila na tama na ang kanilang
ginagawa at pwede na silang mangarap nang mataas dahil sila ay nakapagbago na kung saan
nagsimula sa pagiging palaboy at magnanakaw, nagtapos sa mabuting bata at ngayon ay nag – aaral na
upang makapagtapos hanggang kolehiyo.
      

At kapag nakapagbago na ang ISANG BATA , maaari na siyang maging malaya katulad ng


isang IBONG MALAYA, ang batang masayang naglalakad patungo sa paaralan dahil alam
niyanga MAKAKAMTAN na niYa ang gusto niya at ito ay pagbabago. Walang masama kung ikaw ay
magbago lalo na kung ito ay para sa KABUTIHAN . 

Sanggunian:
https://http543.wordpress.com/2016/10/17/pictorial-essay-hakbang-tungo-sa-pagbabago/
A
T
I
N
G

I
PAGSUBOK SA
S
A
I
NATUTUHAN:
S
I
P
1. Ano ang pagkakaiba ng larawang-sanaysay sa isang
tradisyonal na sanaysay?

2. Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa


paggawa ng larawang sanaysay?

3. Paano makatutulong ang larawang sanaysay na


malinang ang pagiging malikhain ng mag-aaral
na tulad mo?

4. Bakit mahalagang ang paksa ng iyong larawang


sanaysay ay nakabatay sa iyong interes?
TANDAAN!
 Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito
ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag.

 Ang mga nakatalang sulat sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan
kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.

 May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay
ng mga larawang may ibang kaisipan sa paksang nais bigyang-diin. Kailangang
maipakita sa kabuuan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng larawang sanaysay o
photo essay.

 Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga bata,
kabataan, propesyunal o masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang
mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng mga
caption.

You might also like