You are on page 1of 10

SANHI O BUNGA

PAGSASANAY
PAGSASANAY:
I. Panuto: Isulat sa patlang kung ang pang-unay ay S O B.
________1. dahil dito _______6. kasi
________2. pagkat _______7. kaya
________3. dahil sa _______8. dahilan sa
________4. tuloy _______9. kaya naman
________5. sapagkat _______10. bunga nito
II. Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit ay tumutukoy ng sanhi. Isulat ang titik B kung ito ay
tumutukoy ng bunga.
____ 1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng kuryente.
____2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
____3. Pagka’t malakas ang sikat ng araw,
agad natuyo ang mga damit sa sampayan.
____4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang
kanyang I.D., bumalik siya sa bahay.
___ 5. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas
ng bahay, hindi nakapagsuklay si Carla.
Pagsasanay sa Sanhi at Bunga
Panuto: BILUGAN ang salitang PANG-UGNAY
sa pangungusap pagkatapos ay salungguhitan
ng ISANG ULIT ang pangungusap na
nagpapahayag ng SANHI at DALAWANG ULIT
naman sa pangungusap na nagpapahayag ng
BUNGA.
1. Nagalit ang aming guro kasi
kami ay maingay.
2. Dahil sa pagpupuyat ko ay
hindi ako nakapasok sa
eskwelahan.
3. Hindi siya nakinig sa kanyang ina
tuloy napahamak siya.
4. Nagkaroon ng biglaang
pagpupulong ang mga guro kung
kaya maaga ang naging uwian ng
mga mag-aaral.
5. Maraming isyung
naglalabasan kaugnay sa ilang
pulitiko, palibhasa malapit na
naman ang eleksyon.
 6. Pumutok ang gulong ng
bisikleta ni Justin kaya napatigil
siya sa daan.
7. Naunawaan ni Gabby ang
aralin kaya tama lahat ang sagot
niya sa pagsasanay.
8. Hindi pumasok sa opisina si Manuel
pagkat mataas ang kanyang lagnat.
9. Dahil basa ang sahig, nadulas at
nasaktan ang isang mag-aaral.
10. Nakalabas ang tuta kasi naiwan
na nakabukas ang gate.

You might also like