You are on page 1of 43

BANAL NA MISA

AGOSTO 26, 2018

Ika-13 Linggo
Pagkatapos ng Pentecostes
HYMNO

Purihin ang Panginoon


ANG PAGHAHANDA
Tumayo na po ang lahat.

Pari:  Sa pangalan ng Ama,


at ng Anak,
at ng Espiritu Santo.

Bayan:  AMEN!
ANG PANGUNGUMPISAL
Lumuhod po ang lahat.
Bayan:  Kami’y nangungumpisal sa Iyo, O, Diyos na
Maka-pangyarihan, sa lahat ng santo at sa isa’t isa,na
kami’y nagkasala sa aming naisip, nasabi, nagawa at
sa nakaligtaan naming gawin, at ito’y sarili naming
kamalian. Kaya isinasamo namin sa Iyo, butihin Ama,
na kaawaan kami, sa lahat ng santo, na ipanalangin
kami sa Iyo, Panginoon naming Diyos, AMEN!
HYMNO

Luwalhati sa Diyos
GLORIA IN EXCELSIS
Manatili pong nakatayo
Luwalhati sa Diyos, sa kaitaasan, at sa lupa'y
kapayapaan sa mga taong may mabuting
kalooban, Panginoong Diyos, Haring makalangit,
makapangyarihang Diyos at Ama, Sinasamba Ka
namin, pinasasalamatan Ka namin; pinupuri Ka
namin dahil sa Iyong kaluwalhatian.
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng
Ama Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Ikaw na
nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, Maawa Ka sa
amin. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Sapagkat Ikaw lamang ang Banal, Ikaw lamang
ang Panginoon, Ikaw lamang ang kataastaasang
Hesukristo, kasama ang Espiritu Santo sa
kaluwalhatian ng Diyos Ama. AMEN!
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
PARI: Maawaing Diyos, itulot mo po na ang iyong
Iglesia na pina-isa ng Espiritu Santo ay nawa'y
magpakita ng iyong kapangyarihan sa lahat ng bansa
para sa kaluwalhatian ng iyong pangalan, sa
pamamagitan ni Jesu-Cristo na aming panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo, at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.
ANG LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS
Maupo po ang lahat.

ANG PAGBASA MULA SA MATANDANG TIPAN

Josue 24:1-2a,14-18
SALMONG TUGUNAN
SALMONG TUGUNAN AWIT 33
Tugon ng Bayan:

Magsumikap tayong kamtin ang


Panginoong butihin!
ANG EPISTOLA
ANG PAGBASA MULA SA BAGONG TIPAN

EFESO 6:10-20
Tumayo na po ang lahat at awitin ang
Aleluya! Aleluya!
Sa Banal Mong wika,
Aleluya!
aming naririnig ang
Iyong mga Salita
Aleluya.
Aleluya! Aleluya!
Sa Banal Mong wika,
Aleluya!
aming naririnig ang
Iyong mga Salita
Amen...Amen...Amen...
PAGBASA NG MABUTING BALITA

JUAN 6:60-69
Pari/Reader: Ang Panginoon ay sumasainyo.
Bayan: At sumainyo rin.
Pari/Reader: Ang pagbasa Ebanghelyo ayon kay _____.
Ika __ kabanata at nagsisimula sa ika- ___ talata.
Bayan: Luwalhati sa Iyo, Panginoon Hesukristo
Homilía Maupo po ang lahat

Kaya't tinanong ni
Jesus ang Labindalawa,
“Ibig din ba ninyong
umalis?” Sumagot si
Simon Pedro, “Panginoon,
kanino po kami pupunta?
Nasa inyo ang mga
salitang nagbibigay ng
buhay na walang
hanggan. Naniniwala kami
at ngayo'y natitiyak
naming kayo ang Banal ng
Diyos.”
ANG SUMASAMPALATAYA
Tumayo po ang lahat.
Sumasampalataya kami sa iisang Diyos, Amang
Makapangyarihan na lumikha ng langit at lupa, at ng lahat ng
nakikita at di nakikita. Sumasampalataya kami sa iisang
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng Diyos, nagmula
sa Ama bago pa nagsimula ang panahon. Diyos buhat sa
Diyos, Liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa
Diyos na totoo, inianak hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng
Ama.
ANG SUMASAMPALATAYA
Sa pamamagitan Niya ay nalikha ang lahat, na para sa ating mga
tao at sa ating kaligtasan ay nanaog Siya buhat sa langit, sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ay ipinanganak
Siya ni Mariang Birhen at naging tao. Ipinako sa Krus alang-alang
sa atin sa panahon ni Poncio Pilato, nagpakasakit, namatay at
inilibing. At muling nabuhay sa ikatlong araw sa katuparan ng
mga kasulatan. Umakyat Siya sa langit at naluklok sa Kanan ng
Ama, at muling darating na maluwalhati upang hukuman ang
mga buhay at ang mga patay, at ang kaharian Niya ay walang
hanggan.
ANG SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya kami sa Espiritu Santo, ang Panginoon
na tagapagbigay ng buhay, na nagbubuhat sa Ama.
Sinasamba Siya at niluluwalhating kasama ng Ama at ng
Anak. Nagsalita Siya sa pamamagitan ng mga propeta.
Nananalig kami sa Iglesiang Iisa, Banal, Katolika at
Apostolika. Naniniwala kami sa iisang Binyag sa
ikapagpapatawad ng aming mga kasalanan, at hinihintay
namin ang muling pagkabuhay ng mga namatay at ang
buhay na walang hanggan. AMEN.
PANALANGIN NG BAYAN
Lumuhod po ang lahat.

Tugon: Diyos naming tapat,


dinggin mo ang aming
mga panalangin!
Lahat: Panginoon ng lahat ng katotohanan at kaaliwan, kahit na Ikaw
ay iwan ng lahat dahil sa iyong mga kahingian, di kami titigil na
sumamba, magmahal, at maglingkod sa Iyo, pagkat Ikaw
lamang ang may salitang nagbibigay ng buhay na walang
hanggan, at nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!
ANG BANAL NA EUKARISTIA
Tumayo po ang lahat.
Sumasampalataya kami sa iisang Diyos, Amang
Makapangyarihan na lumikha ng langit at lupa, at ng lahat
ng nakikita at di nakikita. Sumasampalataya kami sa iisang
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng Diyos, nagmula
sa Ama bago pa nagsimula ang panahon. Diyos buhat sa
Diyos, Liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa
Diyos na totoo, inianak hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng
Ama.
ANG KAPAYAPAAN
Tumayo po ang lahat.
Pari: Mga Kapatid, tayo ang Katawan ni Kristo, sa pamamagitan ng isang Espiritu, tayong
lahat ay pinag-isang katawan nang tayo’y binyagan.

Bayan: Panatilihin natin ang pagkakaisa na dulot ng


Espiritu sa bigkis ng
kapayapaan.
Pari: Lagi nawang sumainyo ang
kapayapaan ng Panginoon.

Bayan: At sumainyo rin


ANG PAG-AALAY
Maupo po ang lahat.
(Ang mga handog ng Bayan ay lilikumin. Ang Banal na Hapag, ang
Tinapay at Alak ay ihahanda. Samantala, ang Bayan ay nakaupo).
(Kung handa na ang lahat ay tatayo ang Bayan. Dadalhin sa altar ng
mga kinatawan ng Bayan ang mga handog na salapi at iba pang mga
alay; pati na ang Tinapay at Alak, at iaabot ang mga ito sa
Diyakono, na siya namang malalagay sa mga ito sa ibabaw ng Banal na
Hapag).
Tumayo po ang lahat.
ANG DAKILANG PASASALAMAT
(Lahat ay nakatayo sa kabuuan ng Pasasalamat)
Pari: Ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mananatiling walang-hanggan sa mga
may takot sa Kanya, at ang Kanyang pagkamatuwid sa sali’t-saling lahi.

Bayan: Lalo’t higit sa mga tumutupad sa Kanyang Tipan


at sumusunod sa Kanyang mga utos.
Pari: Itinatag ng Panginoon ang Kanyang luklukan sa langit, at ang Kanyang paghahari
ay sumasaklaw sa lahat.

Bayan: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na anghel


Niya, kayong may lakas at kapangyarihan na tumutupad sa
Kanyang Salita.
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na hukbo
Niya,kayong mga lingkod Niya, na sumusunod sa Kanyang
kalooban.
Bayan: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat
na Kanyang nilikha, sa lahat ng dako ng Kanyang
nasasaklawan, purihin ang Panginoon.
Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.
Bayan: At sumainyo rin.
Pari: Itaas ang inyong mga puso.
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari: Magpasalamat tayo sa ating Panginoong Diyos.
Bayan: Matuwid na Siya’y ating pasalamatan at purihin.
Pari: Tunay na matuwid, aming tungkulin at kaligayahan,
lagi at saan man, pasalamatan Ka namin, Panginoon, Banal
na Ama, Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos.
Pari: Kaya nga kasama ang mga anghel at mga arkanghel,
at lahat ng kalipunan ng langit, buong kagalakan
naming ipinahahayag ang iyong kaluwalhatian,
laging nagpupuri sa Iyo at nagsasabing…
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari at Bayan: Banal, Banal, Banal na Panginoon,
Diyos ng kapangyarihan at lakas, ang
langit at lupa’y puspos ng Iyong
kaluwalhatian. Osana sa Kaitaasan,
pinagpala ang dumarating sa pangalan ng
Panginoon, Osana sa Kaitaasan.
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari: “KUNIN, KANIN, ITO ANG AKING KATAWAN NA
IPINAGKAKALOOB SA INYO, GAWIN NINYO ITO SA PAG-
ALALA SA AKIN.”
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari: “INUMIN NINYO ITO, KAYONG LAHAT, SAPAGKAT ITO ANG
AKING DUGO NG BAGONG TIPAN NA IBINUBUHOS KO PARA SA
INYO AT PARA SA MARAMI SA IKAPAGPAPATAWAD NG INYONG MGA
KASALANAN. KAILANMA’T INUMIN
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari at Bayan: Banal, Banal, Banal na Panginoon,
Diyos ng kapangyarihan at lakas, ang
langit at lupa’y puspos ng Iyong
kaluwalhatian. Osana sa Kaitaasan,
pinagpala ang dumarating sa pangalan ng
Panginoon, Osana sa Kaitaasan.
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Tumayo po ang lahat.
Pari: Ipahayag nating lahat ang patibay ng ating pananampalataya kay Kristo.

Pari at Bayan: Si Kristo ay namatay


Si Kristo ay muling nabuhay
Si Kristo ay muling darating
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari at Bayan:
Kaya nga, Panginoon at Amang Makalangit, ginaganap naming mga
abang lingkod Mo ang pag-alaalang iniutos ng Iyong Anak, sa aming
paggunita at pagbuhay sa Kanyang pinagpalang pagpapakasakit at
makabuluhang kamatayan, sa Kanyang makapangyarihang
pagkabuhay na mag-muli at maluwalhating pag-akyat sa langit, at sa
aming paghihintay sa Kanyang maluwalhating pagbabalik, ay iniaalay
namin sa Iyo itong Tinapay ng Buhay at itong Kalis ng Kaligtasan. At
kasama ng mga handog na ito ay iniaalay namin ang aming mga
sarili at isinasamo namin sa Iyo na tanggapin sa Iyong makalangit na
altar itong aming haing papuri at pasasalamat.
PAGDARASAL NG AMA NAMIN
(Maghahawak kamay ang buong bayan)
Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo,
mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo dito sa lupa
tulad nang sa langit. Bigyan Mo po kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw, patawarin Mo po kami sa aming mga
kasalanan, gaya nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa
amin. Huwag Mo po kaming ipahintulot sa pagsubok bagkus
iadya Mo po kami sa lahat ng masama, sapagka’t sa Iyo
nagmumula ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang
kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman. AMEN!
KORDERO NG DIYOS
Manatili pong nakatayo ang lahat.

Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.

Bayan: Maawa ka sa amin.


Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.

Bayan: Maawa ka sa amin.


Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.

Bayan: Ipagkaloob mo sa amin ang


Iyong kapayapaan.
ANG BANAL NA KOMUNYON
Lumuhod po ang lahat
Dumudulog kami sa Iyong hapag, maawaing Panginoon, na hindi
nananalig sa sarili naming pagkamatuwid kundi sa iyong marami’t
dakilang awa. Hindi kami karapat-dapat na mamulot ng mga mumo
sa ilalim ng Iyong hapag subali’t likas sa Iyo ang pagkamaawain.
Ipagkaloob Mo sa amin, kung gayon, butihing Ama, na aming
tanggapin ang Katawan ng Iyong Mahal na Anak na si Hesukristo at
inumin ang Kanyang Dugo upang kami na pinalalakas at pinagiging-
bago ng Kanyang buhay ay manahanan sa Kanya at Siya’y sa amin,
magpakailanman.AMEN.
ANG PAGHAYO
Lumuhod po ang lahat
Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos, pinasasalamatan Ka
naming sapagkat kami’y Iyong pinakain Espirituwal, ang kamahal-
mahalang Katawan at Dugo ng aming Tagapagligtas na si Hesukristo. At
sa mga Banal na Ministeryong ito at tiniyak Mo na kami’y mga buhay
na bahagi ng katawan ng Iyong Anak, at mga tagapagmana ng walang-
hanggang kaharian. Ngayon, Ama, isugo Mo kami upang gawin namin
ang tungkuling iniatas Mo sa amin, bilang mga tapat na saksi ni Kristo
na aming Panginoon, sa Kanya, sa Iyo at sa Espiritu Santo, ang lahat ng
karangalan at kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman. AMEN.
PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS
Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan.
Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw,
may dilag ang tula at awitsa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'ytagumpay na nagniningning.
Ang bituin at araw niyakailan pa may di magdidilim.
Lupa ng araw, ng lualhati't pagsinta,
buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na pag may mang-aapi,

You might also like