You are on page 1of 23

GENRE O URI

NG
PELIKULA
1. KOMEDYA
 ang pangunahing layunin nito ay magpatawa
o magbigay-aliw sa pamamagitan ng
eksaheradong mga sitwasyon, kilos, diyalogo,
at ugnayan ng mga tauhan
 Puno rin ito ng biruan.
 Halimbawa: The Amazing Praybet Benjamin,
Beauty and the Bestie ni Wenn V. Deramas
2. DRAMA
 Ito ay isang seryosong pelikulang nagtatampok sa
makatotohanang mga tauhan, tagpuan, sitwasyon at
kuwento.
 Nakatuon ito sa mismong banghay o istorya at hindi sa
mga special effect.
 Nagiging intensibo ang pag-unlad ng karakter ng mga
tauhan at nagkakaroon sila ng ugnayan o komprontasyon
sa isa’t isa.
 Hal. Himala (1982) ni Ishmael Bernal
3. KATATAKUTAN
 ang pangunahing layunin nito ay manakot sa
pamamagitan ng mga tagpong puno ng lagim o
kilabot.
 Karaniwan, sinasamahan ito ng science fiction sa
pamamagitan ng mga tagpong balot ng hiwaga o
kakaibang mga nilalang na siyang nagdudulot ng
lagim, gaya ng mga nabuhay na bangkay, mga
multo, mga manyikang pumapatay, at iba pa.
4. AKSIYON
 Ito ay pelikulang puno ng enerhiya na nagtatampok
ng mga tapatang pisikal, habulan, barilan o
suntukan, pakikipaglaban sa isang mapanirang
puwersa( hal. pagsabog, baha, at iba pang may
tuloy-tuloy na kilos.
 Pinangungunahan ito ng mabuting bida na
nilalabanan ang isang masamang kontrabida at
inililigtas ang isang biktima o ipinagtatanggol ang
mga inaapi.
5. PAKIKIPAGSAPALARAN

 Ito ay isang pelikulang kapana-panabik na nagbibigay


ng kakaiba at bagong karanasan sa mga manonood.
 Kabilang dito ang paghahanap ng mga nawawalang
yaman, paglalakbay sa isang misteryosong lugar,
paggalugad sa isang kagubatan o disyerto, at iba pa.
 Karaniwan, sinasamahan ito ng aksiyon
6. MUSIKAL/ SAYAWAN

 Ito ay pelikulang nagtatampok ng kantahan at


sayawan bilang bahagi ng paglalahad ng
kuwento.
 Maaari namang ang kuwento mismo ng pelikula
ay tungkol sa pagkanta o pagsayaw kaya
mapapanood ito sa malaking bahagi ng pelikula.
Pagsusuri ng Pagkakaiba
ng Teksto
(Fiction at Nonfiction)
Tekstong Fiction
 nagmula lamang sa imahinasyon ng may-akda
(author).
 Hindi totoo ang mga tauhan, tagpuan, at
pangyayari rito bagama’t maaaring may
pinagbatayang totoo ang may-akda o maaaring
mangyari sa tunay na buhay ang kaniyang
isinulat.
 Posible rin dito ang mga kuwentong hindi
mangyayari sa tunay na buhay gaya ng
pagkakaroon ng mga pambihirang kapangyarihan
o paglalakbay sa panahon.
 Kasama sa kategoryang ito ang mga maikling
kwento, nobela, dula, script ng pelikula o
teleserye, at iba pang panitikan.
Tekstong Nonfiction
 Nakabatay sa katotohanan .
 Hindi lamang ito imbento kundi tunay na
pangyayari.
 Maaari ring tunay itong kaalaman o
impormasyon.
 Kasama sa kategoryang ito ang mga
pananaliksik, teksto sa mga sangguniang aklat,
 Biyograpiya, mga batas, recipe sa pagluluto, mga
panuto sa mga manwal, at maraming iba pa.

You might also like