You are on page 1of 16

PILIPINO:ARTISTANG

INTERNASYONAL

ARALIN 1
Unti-unting nakikilala ang galing ng mga artistang
Pilipino sa tanghalang pandaigdig.Nariyan ang mga
tulad nina Lea Salonga at Rachelle Anne Go na bumida
ang mga teatro sa Broadway,New York,at West End
London;si Robert Lopez,isang Pilipino-Amerikanong
kompositor ng musika para sa mga pelikula,na nagwagi
na ng Oscars para sa komposisyon niya sa pelikulang
Frozen (2013);at mga direktor na gaya nina Brillante
Mendoza at Lav Diaz na umani ng parangal sa mga
internasyonal na paligsahan sa paggawa ng pelikula.
Lea Salonga
Rachelle Anne Go
Robert Lopez
Brillante Mendoza
Lav Diaz
Husay ng Pinoy, Kinilala sa 73rd Venice Film Festival

Muling kinilala ang kahusayan ng mga Pilipino sa


larangan ng pelikula makaraang magwagi ang
pelikulang
Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz sa 73rd Venice Film
Festival na ginanap noong ika-10 ng Setyembre 2016
Ang Venice Film Festival na ginaganap sa Italya ay
ang ang pinakamatandang gawad-parangal na
kumikilala sa mga de-kalibreng pelikula at artista.
Nakuha ng Ang Babaeng Humayo ang Golden Lion
Award na pinakamataas na parangal na pinagkakaloob
ng timpalak.

Ang pelikula ay kwento ng isang guro na


nasentensiyahan ng 30 taong pagkabilanggo sa isang
salang hindi naman niya ginagawa. Pinagbibidahan ito
nina Charo Santos at John Lloyd Cruz.
Bago Ang Babaeng humayo , nagwagi
na rin ang isa pang pelikula ni Lav Diaz
na Hele sa Hiwagang Hapis ng Alfred
Bauer Prize sa 66th Berlin International
Film Festival. Bida naman dito sina Piolo
Pascual at John Lloyd Cruz.
1. Anong parangal ang
tinanggap ng pelikulang
“Ang Babaeng Humayo “ni
Lav Diaz ?
2. Sa iyong palagay, gaano kaya
kapretihiyoso ang pagkilalang
tinanggap ng pelikula?
3. Ano ang kwento ng pelikula
sa pangkalahatan? Sino-sino
ang mga gumaganap dito?
4. Ano aang nararamdaman mo
habang binabasa ang artikulo?
Paano mo maipapakita ang
suporta sa sining ng iyong
kapuwa Pilipino?

You might also like