You are on page 1of 1

Name: Bonina, John Lloyd P.

Course/ Year: BSEd IV – English

Pagsusulit Bilang 1.

1. Maituturing na isang anyo ng sining ang pelikula dahil ito ay may kaakibat na pagtatanghal. Ang
isang pelikula ay ginagampanan ng maraming actor na may iba’t-ibang karakter na
ginagampanan sa pamamagitan ng pag-arte, maaaring may pagsayaw at pag-awit sa isang
pelikula. Ginagamitan din ng musika ang pelikula na syang nagpapanatag ng damdamin at
nagbibigay diin sa emosyon ng manonood, gumagamit din ng mga costumes at props ang mga
actor kung kayat maituturing na isang anyo ng sining ang pelikula.
2. Nagkaroon ng mahalagang papel ang pelikula sa kasaysayan ng Pilipinas. Natuklasan ang pelikula
bilang isang anyo ng sining. Digmaan din ang nagdala sa pelikulang Pilipino ng kamalayan sa
realidad na kung saan hindi nailahad sa mga naunang pelikula. Naging tanyag ang mga
pelikulang aksyon, at ginamit ang mga pelikula bilang propaganda laban sa Martial Law. Ang
pelikula ay naging isang kasangkapan upang mamulat ang mga manunuod sa realidad ng buhay.
3. Ang Digital cinema ay gumagamit ng Digital Media imbes na Analogue Media at gumagamit ito
ng Digital na Projector imbes na Analogue projector. At ang Digital Media ay may iba’t-ibang
platform kung paano mapapanood ng pelikula. Ang Experimental Cinema naman ay kadalasang
black and white, ito ay kung sisikat ba ang isang genre ng pelikula. Ito ay may tradrisyuanal na
paraan, di tulad ng Digital Media na gumagamit na ng teknolohiya.
4. Napakayaman ng Industriya ng Pelikula sa kasalukuyan. Napakaunlad na nf insdustriya ng
pelikulang Pilipino dahil na rin sa pagrami ng mahuhusay na aktor. Hindi lamang tinatangkilik sa
bansa kundi pinipilahan din sa iba’t- ibang bansa.
Napakarami na ring mahuhusay na direktor na umaani rin ng mga parangal at gayundin ang mga
bitiranong aktor. Humakot ng parangal ang Pilipinas sa katatapos lamang na ASEAN
International Film Festival and Awards sa Grand Ballroom ng Pullman Hotel sa Kuching,
Malaysia. Anim na kategorya ang napanalunan ng mga pelikulang Pilipino sa pangunguna ng
best actress award ni Ai-Ai Delas Alas sa pelikulang “Area” sa direksyon naman ni Louie Ignacio
na nanalo naman ng best director.
Nasungkit naman ni Ana Capri ang best supporting actress para sa isa pang pelikula ni Ignacio na
“Laut” best supporting actor si Ricky Davao sa pelikulang “ Dayang Asu” ni Bor Ocampo.

You might also like