You are on page 1of 35

Ang

Katuruan ng
Demand
Konsepto ng Demand
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at
handang bilhin ng mga mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang
panahon. Ang presyo ay may malaking impluwensiya sa pagtatakda ng
demand ng mga mamimili. Ito ang pangunahing salik na nakapagpapabago
ng demand ng mga mamimili. Ang demand ay maitatakda kung ang mamimili
ay may kakayahan at kagustuhan na bilhin ang isang produkto at serbisyo. Ito
ay kailangang sabay na umiiral upang maitakda ang demand ng mamimili, na
siyang pangunahing actor ng konseptong ito. Sinasabing ang demand at
presyo ay laging magkaugnay at ito ay mailalarawan sa iba’t ibang paraan.
Demand Function
Sa pamamagitan ng mathematical equation ay maipapahayag
ang ugnayan ng presyo at demand. Ito ang nagpapakita ng
ugnayan ng dalawang variables: ang Qd (Quantity demanded) na
dependent variable at P (presyo) bilang independent variable.
Ang Qd ay maaaring tumaas o bumaba sa bawat pagbabago ng
pagtaas at pagbaba ng P. isang halimbawa ng mathematical
equation ay ito: Qd = 400 – 5P.
Kung ang presyo ay ₱80.00, nangangahulugan na ayaw bilhin
ng mga mamimili ang produkto sa nasabing presyo. Naghahangad
lamang sila na bumili ng produkto kapag mababa na sa ₱80.00
ang presyo. Halimbawa, sa presyong ₱80.00 ng isang piraso ng
guyabano sa isang takdang panahon, ang Qd ay 0 (zero). Paano
nakuha ang QD? Ihalili ang presyong ₱80.00 sa P ng equation.
Qd = 400 – 5P Qd = 400 – 5P
= 400 – 5(80) = 400 – 5(75)
= 400 – 400 = 400 – 375
=0 = 25
   
Ang demand function ay nagpapakita ng
relasyon ng demand at presyo na sinasabing
magkasalungat o di-tuwiran. Ito ay di-tuwiran
o may negatibong relasyon dahil sa pagtaas ng
presyo ay pagbaba ng demand.
Demand Schedule
Ang dami ng produkto na handa at kayang
bilhin ng mamimili sa alternatibong presyo sa
isang takdang panahon ay ipinakikita ng
demand schedule. Ito ay isang talahanayan na
nagpapakita ng demand ng mamimili sa
bawat presyo sa isang takdang panahon ay
ipinakikita ng lebel ng presyo.
Kaya, kahit ano pa ang ibigay na Qd o presyo
man, maaaring makabuo ng demand schedule sa
tulong ng demand function.
Suriin ang demand schedule ng manga.
Kapansin-pansin sa Talahanayan 2.1 na habang
tumataas ang presyo ng produkto, bumababa
ang pagnanais ng isang mamimili na bilhin ang
isang produkto habang walang ibang salik na
nagbabago o ceteris paribus.
Talahanayan 2.1 Demand Schedule ng Mangga
Punto Presyo Qd

A 80 0

B 75 25
Ang ceteris paribus ay
C 70 50
nangangahulugang “all
D 60 100 other thing remain
constant.” Presyo lamang
E 55 125
ang nakaaapekto sa Qd.
F 45 175

G 30 250
May paraan upang matiyak kung tama ang
presyo, kung Qd ang gagamitin. Halimbawa, sa
equation na Qd = 400 – 5P. Ibawas ang ibinigay
na Qd na 25 sa 400 at idivide ang 375 sa 5.
Ipagpalagay na ang presyo ay ₱ 75.00.(400 – 25
= 375/5 =75). Kung ang Qd ay 50, ibawas ang 50
sa 400 at i-divide ang 350 sa 5. Ang presyo ay ₱
70.00 (400 – 50 =350/5 =70).
Demand Curve
Ang demand curve ay isang grapikong paglalarawan
ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami ng demand.
Mula sa demand schedule ng produktong mangga ay
maipapakita ng demand curve. Ang graph ay binubuo
ng dalawang axes: ang horizontal at vertical axes. Ang
presyo ay sa Y axis at Qd sa X axis. Upang makabuo ng
demand curve, i-plot ang mga datos na makikita sa
Demand schedule. Matapos i-plot ang Qd at presyo,
pagdugtong-dugtungin ang bawat punto upang mabuo
ang demand curve.
Batas ng Demand
Ang batas ng demand ay nagsasaad na habang ang
presyo ng produkto ay tumataas, kumokonti ang
bibilhing produkto ng mamimili. Ngunit kapag ang
presyo ay bumababa, dumarami ang produktong bibilhin
ng mamimili habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
Sa nasabing batas, presyo lamang ang nakaaapekto sa
demand. Ito ay nag lalarawan ng di-tuwirang relasyon ng
Qd at presyo. Masasabi natin na anoman ang gamitin sa
paglalarawan ng demand, demand function, demand
schedule,demand curve, at batas ng demand ay may
ipinakikita ang dituwirang relasyon ng presyo at Qd.
Mga Salik na
Nakaaapekto
sa demand
1. Kita
ito ang basehan ng pagtatakda ng
badyet sa pamilya. Pinagkakasya ang
kinikitang salapi sa pagbili ng mga
kailangang matamo.
2. Okasyon
sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga
Pilipino ang ipagdiwang ang iba’t ibang
okasyon. Pinapahalagahan natin ang
mahahalagang okasyon sa ating buhay,
kaya sa bawat selebrasyon ay tumataas ang
demand sa mga produkto na naaayon sa
okasyon.
3. Panlasa/Kagustuhan
ang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga imported na
produkto ang isa sa dahilan kung bakit mataas ang
demand sa mga ito. Ang pagkasawa sa isang produkto ay
dahilan din ng pagbabago sa demand ng mamimili. Dito
pumapasok ang prinsipyo ng diminishing utility, kung saan
ang kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat
pagkonsumo ng produkto, ngunit kapag ito ay
nagkasunod-sunod, ang karagdagang kasiyahan o
marginal utility ay paliit bunga ng pag-abot sa pagkasawa
sa pagkonsumo ng isang produkto.
4. Populasyon
ang populasyon ay potential market ng
isang bansa. Ang pagdami ng tao ay
naglalarawan ng pagdami ng bilang ng
mga mamimili na siyang nagtatakda ng
demand.
5. Ekspektasyon
sa panahon ngayon na maraming kalamidad ang
nangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdig at sa
ating bansa, may kaguluhan at digmaan sa
pagitan ng bansa at hindi pagkakaunawaan sa
pagitan ng pamahalaan at mga rebelde, anf mga
mamimili ang nag-iisip na maaaring
maapektuhan ang kabuhayan ng bansa at ang
pagtaas ng presyo ay maaring maganap.
6. Presyo ng Magkaugnay na Produkto
mayroong tinatawag ng substitute
goods at complementary goods. Ang
substitute goods ay mga produkto na
pamalit sa ginagamit na produkto. Ang
complementary goods ay mga
produkto na kinokonsumo nang sabay.
Paggalaw ng Kurba ng Demand (Movement
along the Curve)
Pagbabago ng Kurba ng indibidwal na Demand
Pagbabago ng Kurba ng indibidwal na Demand
Elastisidad ng Demand
Ang pagbabago ng demand ay sanhi ng iba’t
ibang salik. May pagkakataon na ang demand
ay tumataas at bumababa bunga ng epekto
ng mga salik, lalo na ang presyo. Ngunit,
dapat nating malaman kung gaano kalaki o
kaliit ang magiging pagbabago ng demand
dahil sa poagtaas at pagbaba ng presyo.
Ang price elasticity ng demand ay pagsukat ng
porsiyento ng pagtugon ng mamimili sa
bawat porsiyento ng pagbabago ng presyo.
Ang magiging pagtugon ng Qd sa bawat
porsiyento ng pagbabago ng P ay malalaman
sa pagkuha ng presyong elastisidad ng
demand. Ang pagtugon ng mamimili sa bawat
pagbabago ng presyo ay mailalarawan sa iba’t
ibang uri ng elastisidad.
Mga uri ng
elastiisidad ng
demand
Di-elastic na Elastisidad
Ganap na Di-elastik na Elastisidad
Elastik na Elastisidad
Ganap na Elastik na Elastisidad
Unitary na Elastisidad
Kompyutasyon ng Presyong Elastisidad
ng Demand
Malalaman kung ilang porsiyento ang
pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng
presyo ng produkto sa pamamagitan ng pag-
alam at pagkuwenta ng presyong elastisidad
ng demand. Sa pagkuwenta ng presyong
elastisidad ay lagging absolute value ang
kinokonsidera na hindi pinahahalagahan ang
negatibong tanda (-).

You might also like