You are on page 1of 15

Kaligirang Pangkasaysayan

Ang mahigit tatlong daang taong pananakop at


paniniil ng mga Espanyol sa ating bansa ang naging
sanhi ng unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng
damdaming makabayan sa mga Pilipino.

Sa panahong ito, naisulat ang mga tula na


karaniwang pumapaksa sa relihiyon at pagbibigay
papuri sa Diyos. Maraming paring Kastila ang
naging manunulat at tinawag silang makatang
LADINO dahil karaniwan sa mga tilang kanilang
isinusulat ay tumutukoy sa ugnayan ng Diyos at ng
tao.
Mga Akdang Panrelihiyon sa
Panahon ng Espanyol
 Doctrina Cristiana- Ito ang kauna-unahang
aklat panrelihiyon na nailimbag sa
pamamagitan ng silograpiko noong 1593
dito sa Pilipinas. Ang aklat ay nasusulat sa
Kastila at Tagalog. Ang sumulat sa Kastila
ay si Fr. Domingo Nieva at sa Tagalog
naman ay si Fr. Juan Del Placensia.
Nilalaman ng aklat ang mga pangunahing
aral ng Kristianidad na nararapat na
saulado ng mga matatapat sa Iglesya.
Mga Akdang Panrelihiyon sa Panahon ng
Espanyol
 Nuestra Senora Del Rosario- Ang
ikalawang aklat panrelihiyon na isinulat ni
Fr. Blancas de San Jose
 Barlaan at Josapat – Ikatlong aklat
panrelihiyon at kauna unahang nobelang
nalimbas sa Pilipinas na sinulat ni Fr.
Antonio de Borja.
 Pasyon- Naglalaman ng buhay at
pagpapakasakit ni Jesus, inaawit ito tuwing
kwaresma. May apat na bersyon ang
Mga Akdang Panrelihiyon sa
Panahon ng Espanyol
 Urbana at Felisa- Aklat tungkol sa
Kagandahang asal ng dalawang
magkapatid . Sinulat ni Fr. Modesto De
Castro na tinaguriang AMA NG
TULUYANG KLASIKA SA TAGALOG.

You might also like