You are on page 1of 22

LAYUNIN:

*Nabibigyang kahulugan ang


globalisasyon

*Naipapaliwanag ang mga pananaw o


perspektibo ng globalisasyon.
GLOBALISASYON
 Ang GLOBALISASYON ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng
mga tao,bagay,impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
 Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng
tao ang ugnayan sa bawat isa.
 Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan
ng mga tao, kompanya,bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na
pinabiblis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng
teknolohiya at impormasyon.
Sa mga kaisipang nabanggit ang
GLOBALISASYON ay tinitignan bilang
isang pangmalawakang integrasyon o
pagsasanib ng iba’t ibang prosesong
pandaigdig. Ngunit hindi ito ng yayari sa
lahat ng pagkakataon sapagkat may mga
pangyayaring nakapagpapabagal nito.
HALIMBAWA:
TERORISMO – isang hamong pandaigdig

*Dahil sa mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa iba’t ibang


panig ng daigdig ang terorismo ay mabilis ding nakakapag dulot ng
malaking
pinsala sa buhay, ari-arian at konsitusyong panlipunan.

*Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terotismo sa


pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon na
nagging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at
patakaran tungkol sa migrasyon na nag pabagal naman ng integrasyong
sosyo-kultural.
Upang higit na maunawaan ang
globalisasyon bilang isang kontemporaryong
isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng
mga pananaw o perspektibo sa pasusuri nito.

‘’May limang perspektibo o pananaw tungkol


sa kasaysayan at simula ng globalisasyon’’.
LIMANG PANANAW
“ TUNGKOL SA

GLOBALISASYON
UNA - Ang paniniwalang ang globalisasyon ay
taal o nakaugat sa bawat sa bawat isa. Ayon kay
Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng
paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na
nagtulak sa kaniyang makipag kalakalan,
magpakalat ng pananampalataya,makidigma at
manakop.
PANGALAWA – Ang pangalawang pananaw o
perspektibo ay nag sasabi na ang globalisasyon ay
isang mahabang siklo(cycle) ng pag babago.
Maraming globalisasyon na ang dumaan sa mga
nakalipas na panahon at ang kasalukuyang
globalisasyon ay makabago at higit na mas mataas
na anyo na maaring magtapos sa hinaharap.
PANGATLO
*Ang pangatlong papanaw ng
globalisasyon ay naniniwalang may anim
na (WAVE) o panahon na siyang
binigyang diin ni THERBORN. Para sa
kanya may tiyak na simula ang
globalisasyon at ito ay ang mga
sumusunod;
-Una ay naganap noong ika-4
hanggang ika-5 SIGLO na kung saan
nag karoon ng globalisasyon ng
relihiyon, dahil dito kumalat ang
mga relihiyon katulad ng islam at
kristiyanismo.
-Naganap din ang globalisasyon
noong huling bahagi ng ika-15 siglo
na kung saan ang mga bansa sa
Europa ay nagsimulang manakop.
-Naganap din ito noong huling bahagi ng
ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19
na siglo na kung saan nagkaroon ng digmaan
sa pagitan ng mga bansa sa Europa, ayon din
kay therborn maaring ito ay nag simula ng
gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang
1918 na kung saan ito ang rurok ng
imperyalismong kanluranin.
-Maari rin itong nagsimula noong
post world war ll na kung saan ang
daigdig ay nahati sa dalawang
pwersang ideolohikal partikular na
ang kapitalismo at kumunismo.
-ito ay nangyari din sa pagtatapos ng cold
war na kung saan nanaig ang kapitalismo
bilang sistemang pang ekonomiya. Dahil
dito nagbigay daan ito sa mas mabilis na
pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya
at teknolohiya sa pangunguna ng UNITED
STATES.
IKA - APAT
HAWIG NG IKA-4 NA PANANAW ANG
IKATLO, AYON DITO ANG SUMULAT NG
GLOBALISASYON AY MAUUGAT SA
ESPISIPIKONG PANGYAYARING NAGANAP
SA KASAYSAYAN, SA KATUNAYAN
POSIBLING MARAMING PINAG-UGATAN
ANG GLOBALISASYON ILAN DITO ANG
MGA SUMUSUNOD;
-ANG PANANAKOP NGMGA ROMANO
BAGO PA MN IPANGANAK SI KRISTO.
-ANG PAG-USBONG AT PAGLAGANAP
NG KRISTIYANISMO MATAPOS ANG
PAG BAGSAK NG IMPERYONG
ROMANO.
-ANG PAGLAGANAP NG ISLAM NOONG IKA-7
SIGLO.
-ANG PAGLALAKBAY NG MGA VIKINGS MULA
EUROPA PATUNGONG ICELAND, GREENLAND
AT HILAGANG AMERICA.
-ANG KALAKALAN SA MIDITERINIAN NOONG
GITNANG PANAHON.
-ANG PAGSISIMULA NG PAGBABANGKO SA
MGA SIYUDAD ESTADO SA ITALYA NOONG
IKA-12 SIGLO.
HULING PANANAW
*Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad
na ang globalisayon ay penomenong nag simula sa
kalagitnaan ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga
pagbabagong naganap sa panahong ito ang
sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong
ng globalisasyon, ito ay mga sumusunod;
UNA – Pag-usbong ng
Estados Unidos bilang global
power matapos ang ikalawang
digmaan.
PANGALAWA-
Ang paglitaw ng mga
multinational at
transnational corporations
(MNCs and TNCs).
PANGATLO – Ang pagbagsak ng
Soviet Union at ang pagtatapos ng
Cold War.
-Sinasabing ang pag bagsak ng ‘Iron Curtain’ at ng Soviet
Union noong 1991 ang nag hudyat sa pag-usbong ng
globalisasyon.
-Matapos ang pangyayaring ito mabilis na nabura ang
marking nag hahati at naghihiwalay sa mga bansang
komunista at kapitalista.

You might also like