You are on page 1of 60

2019 Araling

Panlipunan Quiz
EASY CATEGORY (1 POINT)
1. Ang Hagdang-hagdang Palayan ay kinilala
bilang “Eighth Wonder of the World,” dahil ito ay
ginawa sa pamamagitan ng mga kamay. Saan ito
matatagpuan?
A. Benguet
B. Baguio
C. Batanes
D. Basilan
A
2. Ang Balangiga Bells ay mga kampanang kinuha
ng pwersang Amerikano mula sa simbahan ng San
Lorenzo de Martir sa Balangiga, Silangang Samar
matapos ang Balangiga Encounter noong 1901.
Anong pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ito
naganap?
a. Digmaang Pandaigdig
b. Digmaang Pilipino-Kastila
c. Digmaang Pilipino-Hapones
d. Digmaang Pilipino-Amerikano
D
3. Ito ay isa sa mga makasaysayang labanang naganap sa
Bulacan noong 1896. Ito ay pinamunuan ni Heneral Eusebio
Ruque na kilala bilang Maestrong Sebio.Ang matinding
tapang ng kanilang hukbo ay dulot ng isang paniniwalang
taglay na “anting-anting” subali’t ito ay nagdulot ng
malagim nilang kamatayan. Ano ang labanan na ito?
A. Labanan sa Pasong Tirad
B. Labanan sa Quingua
C. Labanan sa Kakarong
D. Labanan sa Malolos
C
4. Dito naganap ang makasaysayang pagtitipon ng pangkat ni Emilio Aguinlado at Andres Bonifacio kung saan ay nahalal si Aguinaldo
bilang pangulo ng bansa subalit naging mitsa ng kamatayan ni Bonifacio. Anong lugar ito ?
A. Casa de Tejeros
B. Bahay ng paglilitis
C. Mansion ng Aguinaldo
D. Kuweba ng Biak-na Bato
A
5. Ang Tapayang Manunggul ay sekundaryang paglilibing
na ginagawa sa pamamagitan ng paglilipat ng labi ng
namatay mula sa orihinal na kinalalagyan nito patungo sa
bago. Sinasabing isang napakahusay na likhang-sining ang
mga tapayang ito. Sa takip nito ay makikita ang dalawang
taong sakay na nakatiklop na paekis ang dalawang kamay
sa dibdib habang nasa likuran nito ang isang bangkero na
sumasagwan. Ano an ipinahihiwatig ng paniniwalang ito
ng mga Manunggul?
A. Paniniwala sa kabilang buhay
B. Matinding paniniwala sa Diyos
C. Ang antas ay nadadala sa kamatayan
D. Mataas ang antas ng kanilang kultura
A
6. Sa Imus cavite naganap ang Labanan sa Alapan na
kung saan ay natamo ang unang tagumpay ng hukbo
ni Emilio Aguinaldo mula sa Hongkong. Napasuko nila
ang 270 hukbo ng mga sundalong Espanyol. Dahil sa
galak ay isinagawa ni Emilio ni Aguinaldo sa unang
pagkakataon ang _____
a. Pagpunit ng sedula
b. Pagdeklara ng Kalayaan
c. Pagwagayway sa watawat ng Pilipinas
d. Pagsigaw ng “Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas”
C
MODERATE CATEGORY (2 POINT)
1. Ito ang pundasyon ng tunay na kapayapaan at
pagkakaisa.
a. Karaparatang Panlipunan
b. Kagalingang Pambayan
c. Pagkakaisang Pansibiko
d. Tunay na kasaganaan
A
2. Anong pagpapahalaga ang ipinatutupad ng
pamahalaan nang ilunsad nito noong 2011 ang
proyektong nanghihikayat sa bawat Pilipino na
pumasok, sumunod at tumalima sa tamang oras.
Anong ang tawag sa proyektong ito?
a. Juan Time
b. Filipino Time
c. Palabra De Honor
d. Philippine Standard Time
A
3. Kung ang Bukidnon sa Lanao ay isang
talampas, ang Zamboanga ay isang?
a. Pulo
b. Lambak
c. Tangway
d. Kapatagan
C
4. Hindi kinilala ni Andres Bonifacio ang pamahalaang
itinatag ni Emilio Aguinaldo sa pagkahirang nito bilang
pangulo ng bansa. Siya ay nag-aklas at nagtatag ng bagong
hukbo sa Naic. Dahil dito, siya ay dinakip, nilitis at
hinatulan ng kamatayan dahil sa salang sedisyon. Ano ang
Sedisyon?

A. Isang pag-aklas laban sa namumuno


B. Isang pakikipaglaban sa hukbong military
C. Isang krimen na kumakalaban sa pamahalaan
D. Isang paraan ng pagpapatalsik sa mga namumuno
C
5. Ang pagguhit ng isang imahinaryong linya na nagmula sa
hilagang polo patungong timog polo 100 liga sa kanliran ng
Azores at Cape Verde na ideneklara ni Pope Alexander VI

A. Ekspedisyong Cabot
B. Bull Inter Caetera
C. Prime Merdian
D. longhitud
B
6. Ano ang kahalagahang dulot ng ekspedisyon ni
Ruy Lopez de Villalobos?

A. pagsakop sa bansa
B. pagdaos ng unang misa
C. pagbansag sa bansa bilang Filipinas
D. paglibot ng paglalayag sa buong mundo
C
7. Upang mapagdugtong ang pulo ng Samar at
Leyte, ipinatayo ang istrukturang ito upang
mapadali ang transportasyon ng mga tao mula sa
Luzon at Visayas. Ibigay ang kumpletong pangalan
ng istrukturang ito.
Tulay ng san Juanico
DIFFICULT CATEGORY (3 POINTS)
1. Ano ang orihinal na pamagat ng Pambansang
Awit ng Pilipinas na iniakda ni Julian Felipe?
Marcha Filipina De Magdalo
2. Ang Mt. Samat ay ang lugar kung saan itinayo ang
Dambana ng Kagitingan na maihahalintulad sa taas ng
Statue of Liberty sa New York ng bansang Amerika. Sa
loob ng istrukturang ito ay mayroong Museo na
makikita ang ilang mga sandata at ibang kagamitan
noong panahon ng pangalawang digmaan pandaigdig.
Ano ang itsura ng dambanang ito?
Krus
3. Kung ikaw ay nasa bansang Vietnam, saang
deriksyon mula dito ang bansang Pilipinas?
silangan
4. Ayon sa kautusan ni Emilio Aguinaldo, si Andres
Bonifacio ay papatayin sa Bundok Buntis, subalit
habang sila ay naglalakbay, hiniling ni Andres
Bonifacio na basahin ang hatol sa kanila, na alam
naman niya na kamatayan ito. Sinabihan niya si
Procopio na tumakbo/tumakas subalit ito ay
napatay, lumaban din si Andres na kanya ding
ikinamatay. Saang bundok ito naganap?
Bundok NAGPATONG
5. Ibigay ang kumpletong pangalan ng tatlong babae na nagtahi
ng watawat bilang paghahanda sa pagdeklara ng kalayaan?
Marcela de Agoncillo
Lorenza de Agoncillo
Delfina Herbosa de Natividad
6. Ibigay ang pambansang motto
Maka Diyos
Maka tao
Makakalikasan
Makabansa
7. Ito ang tawag sa mga Filipinong itinuturing na
may mataas na pinag-aralan, nakababasa at
nakapagsasalita ng wikang Espanyol noong ika-19
na siglo. Kabilang sa pangkat na ito ay mula sa mga
pamilyang yumaman nang buksan ang bansa sa
pandaigdigang kalakalan. Karaniwan sa kanila ay
nakapag-aral ng medisina at abogasya sa mga
kolehiyo sa Pilipinas at Europa at nagging mga
lider ng Kilusang Propaganda at namuno sa
himagsikang 1898.
Ilustrado
CLINCHER
1. Si Gregorio del Pilar ay nagbuwis ng buhay upang makatakas si Emilio
Aguinlado. Ito ay naganap sa labanan sa
A. Tirad Pass
B. Alapan
C. Quingua
D. Kakarong
A
2. Anu-anong mga lalawigan ang sinisimbolo ng 8
sinag ng araw na makikita sa watawat ng
Pilipinas.
Manila
Cavite
Bulacan
Pampanga
Nueva Ecija

Bataan
Laguna
Batangas
3. Ibigay ang tamang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.?
a. Pagdeklara ng kalayaan ng bansa
b. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
c. Pagkakapatay kay Dr. Jose Rizal
d. Ang inagurasyon ng Pamahalaang
Komonwelt
C A D B
4. Ano ang kahalagahan ng Batas Tydings-McDuffie sa
kasaysayan ng bansang Pilipinas?
A. Ito ang sandigan ng pagtatag ng Asemblea ng Pilipinas
B. Ito ang batayan ng paglunsad sa Pamahalaang
Komonwelt
C. Ito ang naging daan ng pananakop ng Amerika
D. Ito ang instrumento sa pagwawakas ng Pamahalaang
Kastila
B
4. Ito ang pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas sa
panahon ng mga Espanyol ______

a. Pag-aalsa ni Dagohoy
b. Pag-aalsa ni Diego Silang
c. Pag-aalsa ni Gabriela Silang
d. Pag-aalsa ni Palaris
A
5. Ito ay isang tradisyunal na transportasyon ng
bansa na ipinakilala ng mga espanyol noong ika –
18 siglo. Ginamit ito ng mga maharlika at
matataas na opisyal ng pamayanan. Kasalukuyan
pa rin itong makikita sa mga piling kalye ng Vigan
gamit ng mga turista’t ordinaryong mamamayan.
Kalesa
6. IBIGAY ANG TAMANG SAGOT
Sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ito ay tinawag na “Ang Bato”
dahilito ang nagsilbing matibay na kanlungan
ng mga kasapi ng USAFFE. Ano ang tawag sa
pulong ito?
Corregidor

You might also like