pinagmumulan ng kuryente. Solar Energy Wind Energy Hydroelectric Energy Geothermal Energy Biogas Pagmasdan ang larawang ito, ano ang kaganapang nangyayari sa larawan? Sa iyong palagay, saan kaya nagmula ang sunog? Maiiwasan ba ang mga ganitong pangyayari? Maiiwasan natin ang mga sakunang dulot ng kuryente tulad ng sunod kung tayo ay magiging responsible sa paggamit nito. Gawain: Panuto: TAMA o MALI. Basahin at unawaing Mabuti ang pangungusap. Isulat ang TAMA sa patlang kung tama ang isinasaad tungkol sa tamang paggamit ng kuryentre at MALI naman kung hindi. _____1. Ginamit ni Krystal ang basang kamay sa pagsaksak ng kanyang cellphone sa charger nito. _____2. Pinatay ni Joan ang telebisyon nang Nakita niyang wala naming nanunood dito. _____3. Isinaksak ni Daniel ng sabay ang refrigerator at ang oven sa iisang saksakan. _____4. Nanood ang pamilya ni Joel ng telebisyon kahit malakas ang ulan at kidlat s labas. _____5. Dahil nais magtipid sa kuryente ng pamilya Dela Cruz ay tinatanggal nila ang mga kagamitang de-kuryente sa saksakan kung ito ay hindi naman ginagamit.