You are on page 1of 35

ANG PANITIKANG FILIPINO

SA PASULAT NA TRADISYON
(Maikling kwento)
PANITIKAN

Ang Panitikan o Panulatan ay ang pagsulat ng


tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa
isang tao. Ito ay maaaring nagsasabi o
naghahayag ng mga hangarin, kaisipan, damdamin
at karanasan ng isang tao. Naihahayag at
nailalarawan ito sa pagsulat ng tuwiran, tuluyan
at patula.
2
Uri ng Panitikan
Ang panitikan, saan mang bahagi ng daigdig ay maaaring
may uri batay sa paraan ng pagsasalin sa ibang henerasyon
at batay sa anyo.

Batay sa paraan ng pagsasalin, ito ay maaring;

• Pasalin-dila
• Pasulat

3
PASALIN-DILA
Ang panitikan kung ito ay naisalin sa ibang henerasyon sa
pamamagitan ng bibig ng tao. Ito ang paraan ng pagsasalin
ng panitikan noong unang panahon nang ang pagsulat ay
hindi pa natutunan ng tao. Ang mga halimbawa nito ay ang
mga epiko, awiting bayan, alamat, kasabihan, salawikain,
bugtong, at maging mga palaisipan na isinalin ng ating mga
ninuno sa mga nakababatang henerasyon sa pasalitang
paraan.

4
PASULAT
Ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula
nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsusulat. Kung
gayon, ang mga dating panitikang inaawit, ikinukuwento,
tinutula, o binibigkas lamang na naisatitik na.

5
Lalong yumaman ang panitikang pasulat nang maibento ng tao ang
imprenta dahil sa pagsasa-limbag at pagsasa-aklat ng mga ito. Sa
dalawang anyo ng panitikang ito, higit na mahalaga ang panitikang
pasulat dahil higit na naiingatan ang mga ito. Samantala, ang
panitikang pasalin-dila ay maaaring magbago, mag-iba o ‘di kaya’y
malimutan kalaunan. Ito ang dahilan kung bakit pinagsusumikapan
ng mga nagmamalasakit sa mga panitikan sa iba’t ibang rehiyon ng
bansa na mailimbag ang mga yamang panitikan ng kani-kanilang mga
pangkat-etniko upang mapangalagaan ang mga iyon sa gitna ng
lumalaganap na kawalan ng interes ng mga kabataan sa mga
katutubong panitikan.

6
Mga Uri ng Panitikang Pasulat
◈ Nobela o kathambuhay
◈ Maikling katha o maikling kwento
◈ Dula
◈ Alamat
◈ Pabula
◈ Parabula
◈ Anekdota
◈ Sanaysay
◈ Talambuhay
◈ Balita
◈ Talumpati
7
Nobela/kathambuhay

• Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay
isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo
ng iba't ibang kabanata.
• Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-
1,300 pahina.

8
Dula
• Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa
ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.
• Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan.
• Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat
ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na
mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.
9
Alamat
Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan
at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Bagama't karaniwan nang
sinasabi bilang "totoo" na mga kuwento, ang mga alamat
ay kadalasang naglalaman ng mga supernatural, kakaiba,
o napaka-imposibleng elemento.

10
Pabula

• Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan


kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at
daga, pagong at matsing, lobo at kambing, kuneho at
leon.
• May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga
pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para
sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
11
Parabula

Ang parabula ay kwentong hango sa Bibliya. Naglalaman


ito ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral.

12
Maikling kwento

13
Maikling kwento
• Isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang
mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa.
• Ito rin ay maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa
madulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng
isang nobela.
• Uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang
diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at
makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang
mabilis ang galaw.
14
Kabilang sa mga popular na maikling kwento na
may aral ay ang mga sumusunod;

 Si Juan at ang mga Alimango


 Ang Sapatero at ang mga Duwende
 Ang Araw at ang Hangin

15
Pangkat ng mga manunulat ng maikling kwento

1. Sumusunod sa dating pamamaraan ng pagsulat -


naniniwalang mahalagang magkaroon ng isang balangkas ang
maikling kwento.

2. Sumusunod sa makabagong pamamaraan - naniniwalang


hindi na kailangan pa ng balangkas sa pagkatha ng kwento kundi
ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan ng mga mambabasa
ang isang larawang hindi kaagad-agad maaalis sa kanilang
gunita o madama nila ang masidhing damdaming pilit na titinag
sa kanilang kalooban.
16
Mga Katangian ng Maikling Kwento
1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may
mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga tauhan.
3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng
kakaunting tagpo.
4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan
hanggang sa kasukdulan na sinusundan kaagad ng
wakas.
5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.
17
Mga Uri ng Maikling Kwento
1. Kuwentong Nagsasalaysay - masaklaw, timbang na
timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan
ang paglalahad.
2. Kuwentong Tauhan - binibigyang diin nito ang
tauhan ng mga tauhang gumagalaw sa kuwento.
3. Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang diin
nito ang tagpuan at   kapaligiran ng isang pook.
Masusing inilalarawan  ang mga tao sa isang pook,
pamumuhay nila, ang kanilang mga kaugalian at gawi na
napapaloob sa kuwento. 18
4. Kuwentong Sikolohiko - nilalarawang mabuti nito ang
mga tauhan sa isipan ng mga mambabasa upang
maipadama ang damdamin at nararanasan ng isang tao sa
harap ng isang pangyayari o sitawasyon.
5. Kuwentong Talino - mahusay ang pagkakabuo ng
balangkas nito. Kailangang lumikha ang may akda ng
makasuliraning kalagayan upang mamahay sa pag-
aalinlangan hanggang ang takdang oras ay sumapit ang
paglalahad ng kalutasan.
6. Kuwento ng Katatawanan - ang takbo ng pangyayari
ay may kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa
balangkas at galaw ng mga pangyayari.
19
7. Kuwento ng Katatakutan - pinupukaw nito ang
kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa kuwento.
Binibigyang diin ang mga simulaing kaisahan at bias.
8. Kuwento ng kababalaghan - binibigyang diin nito ang
mga bagay na kapana-panabik, hindi kapani-paniwala at
salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng tao.
Kataka-taka ang mga pangyayari subalit magbibigay ito
ng kasiyahan sa mambabasa.
9. Kuwento ng Madulang Pangyayari - ang mga pang-
yayari ay kapansin-pansin, lubhang mahalaga, nagbunga
ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng
mga tauhan.
20
10.Kuwento ng Pakikipagsapalarang
Maromansa -  nasa balangkas ang kawilihan sa
halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil
ng mga pangyayari ang siyang bumabalot sa
pangunahing tauhan.

21
Mga Sangkap ng Maikling kwento
 Tagpuan - ang pook o lugar na pinangyarihan ng
kuwento.
 Banghay -  ang kabuuan ng isang kwento. Ang kawil
ng mga pangyayari ay batay sa pagkakatulad nito mula
umpisa hanggang sa kasukdulan sa bahaging ito
nilulutas ang tunggalian ng mga tauhan sa kuwento.
 Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa
kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong
na tauhan.
22
Mga kinikilalang tauhan

1. Pangunahing tauhan – ang pinakamahalagang tauhan ng


isang akda. Sa kanya umiinog ang kasaysayan ng akda.

2. Katunggaling tauhan – ang sumasalungat sa hangarin


ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang ginagampanang
papel ng katunggaling tauhan dahil siya ang nagbibigay
ng buhay sa daloy ng pangyayari ng akda.

23
Mga kinikilalang tauhan

3. Mga katuwang na tauhan – mga karaniwang tauhan ng


akda na kasama ng pangunahing tauhan bilang
kapalagayan ng loob. Nagbibigay ng suporta ang
katuwang na tauhan sa pangunahing tauhan at ilang tagpo
ng akda.

4. May-akda – ayon kay Domingo Landicho, ang


pangunahing tauhan at ang awtor ay laging magkasama o
magkasanib sa loob ng akda.
24
Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa
Tauhan:

i. Tuwirang pagpapahayag – kung binabanggit ng may-


akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian ng
tauhan.
ii. Madulang pagpapahayag – kung matimpi ang
paglalarawan ng tauahn, na nangangahulugang
mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng
pagkilos at pagsasalita niya.

25
Nakikilala rito ang mga sumusunod:
a. Paglikha ng nagsasalaysay.
b. Ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay.
c. Ang taong pinagsasalaysayan nito.
d. Ang relasyon ng pagsasalaysay at ang pangyayaring
isinasalaysay.
e. Kung gaano ang nilalaman ng nagsasalaysay.

26
Ang mga Bahagi ng Maikling kwento:
1. Pamagat - tumutukoy sa pangunahing paksa ng
kwento. Dito umiinog ang buong diwa at daloy ng mga
pangyayari.
2. May-akda – tumutukoy sa sumulat o lumikha ng
kwento.
3. Panimula - nilalahad dito ang tagpuan upang ipakilala
ang mga tauhan, pook at panahon ng kuwento sa
mambabasa.
4. Saglit na Kasiglahan - naglalarawan ng pasimula
tungo sa suliraning inihahanap ng lunas.
27
Ang mga Bahagi ng Maikling kwento
5. Suliranin - ang mga suliranin ay kinakailangang
magkakaugnay mula sa simula hanggang sa paglalapat 
ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.
6. Kasukdulan - ang bahaging kinapapalooban ng pinaka-
masidhing pananabik dahil sa takbo ng mga pangyayari.
7. Kakalasan o Wakas - dito binibigyan ng  pagkakataon
ang mga mambabasa na tapusin ang kuwento at
magkaroon ng pagkakataon na gamitin ang kanyang pag-
iisip.

28
Mga Bagay na Mahalaga sa Pagsulat ng Maikling
Kwento

Ang Pamagat
Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian:

1. Hindi pangkaraniwan

2. Kapansin-pansin

3. Kapana-panabik

29
Mga Pamagat na Dapat Iwasan
◈ Pangkaraniwan
◈ Pamagat na magbubunyag sa lihim ng kwento
◈ Pamagat na maituturing na labag sa mabuting
panlasa
◈ Pamagat na masasabing kahangalan

30
Ang Pagiging Sang-ayon ng Akda sa
Karanasan sa Buhay
Nailalarawan nang buong linaw ng isang manunulat ang mga
bagay na nais niyang ilarawan kung ang mga ito ay naaayon
sa mga paksang nasasaklaw ng kanyang karanasan. Hindi
dapat tumalakay ng mga paksang hindi nasasaklaw ng
kanyang karanasan sapagkat maaaring lumabas na malayo sa
katotohanan.

31
Ang Usapan sa Kwento
Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting
usapan:

1. Pagiging natural

2. Angkop ang tauhang nagsasalita

3. Angkop na pangyayari

4. Pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kwento

32
Mga katangian ng maikling kwento, ayon kay
Alejandro G. Abadilla
• May paksang diwa
• May banghay
• May paningin
• May himig
• May salitaan o diyalogo
• May kapananabikan
• May galaw
• May patunggali
• May kakalasan
• May suliranin
• May Kasukdulan
33
Masining na Pagsulat

May tatlong paraan ang masining na pagsulat:

1. Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang.

2. Dapat na maging matimpi: kailangan ay katimpian sa


damdamin at katimpian sa pananalita.

3. Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag-pansin.

34
Salamat!

You might also like