You are on page 1of 40

Matatag at

Mabisang
Organisasyon ng
Simbahan
Objectives For The Day:
1. Matutunan kung ano ang mahalagang papel ng
simabahan sa paglakas ng Europa.
2. Malalaman kung bakit nakatira ang Santo Papa sa
Vatican City.
3. Bakit ang Vatican City ang naging sentro ng
relihiyong Kristiyanismo
4. Makikilala ang mga nagpalaganap ng Kristiyanismo
sa Europa.
5. Mga petsa ng pagkakabuo ng Holy Roman Empire.
Drill
1.EKSOKMLUGDOA

EKSKOMULGADO
2. TADROCONC

CONCORDAT
3. DOBSYONE

DEBOSYON
4. ONCTSATINEN

CONSTANTINE
5. LESYAKEKATIL

EKLESYASTIKAL
6. VENITITSURE

INVESTITURE
7. TOCSNALD

SCOTLAND
8. RACNILONAGI
CAROLINGIAN
9. SASNACO

CANOSSA
Matatag na Organisasyong Simbahan
• Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao
lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang
mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga
ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga
hirarkiya.
Hirarkiya- isang sistema na kung saan ang mga miyembro ng
isang organisasyon o ng isang lipunan ay naka-ranggo o
naka-antas.  Maaari itong maging kapit sa isang lugar,
simbahan, pook, o lungsod na nasasakupan at
napapamahalaan.
• Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano
sa bawat lungsod na pinamunuan ng Obispo. Nasa
ilalim ng Obispo ang maraming pari sa iba’t ibang
parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang
Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga
lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari
sa kanilang pamumuno.
• Bukod dito, ang Obispo rin ang namamahala sa
pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod
at sa iba pang mga nasasakupan.
Papa- ang kinikilalang katas-taasang pinuno
ng Simbahang Katoliko sa kanlurang
Europe. Kabilang siya sa mga Arsobispo,
Obispo at mga Pari ng mga parokya.
• Ang salitang “Pope” ay nangangahulugang
AMA na nagmula sa salitang Latin na
“Papa”. Noong unang panahon itinuturing
ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama
ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa
kanya sa kasalukuyan.
Uri Ng
Pamumuno Sa
Simahan
Uri ng Pamumuno sa
Simbahan
• Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang
nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon ng
Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan
lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang
kanilang mga nagawa ang makikita sa
talahanayan.
• Narito ang ilan sa mga pinuno na namuno sa
pundasyon ng Simbahang Katoliko Roman:
Constantine the Great
• Pinagbuklod-buklod niya ang lahat
ng mga Kristiyano sa buong
imperyo ng Rome at ang Konseho
ng Nicea na kaniyang tinawag.
• Pinalakas ni Constantine ang
kapapahan sa pamamagitan ng
Konseho ng Constantinople
• Kinilala ang Obispo ng Rome
bilang pinakamataas na pinuno ng
Simbahang Katoliko Romano.
Papa Leo the Great
(440-461)
• Binigyang-diin niya ang Petrine
Doctrine, ang doktrinang
nagsasabing ang Obispo ng Rome,
bilang tagapagmana ni San Pedro,
ang tunay na pinuno ng
Kristiyanismo.
Papa Leo the Great
• Mula noong kapanahunan ni Papa
Leo, kinilala ang kapangyarihan ng
Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa
kanlurang Europe. Tumanggi
naman ang Simbahang Katoliko sa
silangang Europe na kilalanin ang
Papa bilang pinakamataas na
pinuno ng Kristiyanismo hanggang
sa panahong ito.
Papa Gregory I
• Iniukol niya ang kaniyang buong
kakayahan at pagsisikap sa
paglilingkod bilang pinuno ng
lungsod at patnubay ng Simbahan
sa buong kanlurang Europe.
• Tagumpay niyang napasampalataya
ang iba’t ibang mga barbarong
tribo at lumaganap ang
Kristiyanismo sa dakong Europe.
Papa Gregory I
• Nagpadala siya ng mga misyonero
sa iba’t ibang bansa na hindi pa
sumasampalatay sa Simbahang
Katoliko. Buong tagumpay na
nagpalaganap ng kapangyarihan ng
Papa ang mga misyonerong ito
nang sumampalataya sa
Kristiyanismo ang England,
Ireland, Scotland, at Germany.
Papa Gregory VII
• Sa kaniyang pamumuno naganap
ang labanan ng kapangyarihang
sekular at eklesyastikal ukol sa
“POWER OF INVESTITURE” o
sa karapatang magkaloob ng
tungkulin sa mga tauhan ng
Simbahan noong kapanahunan ni
Haring Henry IV ng Germany.
Papa Gregory VII
• Itiniwalag kaagad niya sa simbahan
si Haring Henry IV na gumanti
naman nang ipag-utos niya ang
pagpapatalsik kay Papa Gregory
VII. Ngunit nang maramdaman ni
Henry IV na kaanib ni Papa
Gregory VII ang mga Maharlika sa
Germany, sumuko siya sa Papa at
humingi ng kapatawaran.
Papa Gregory VII
• Binawi ng Papa ang kaparusahang
pagtitiwalag sa Simbahan
pagkatapos ng lubhang paghihirap
sa pagtawid sa Alps at napahamak
pagkaraan nang malaon at
masidhing pag-aaregluhan.
Investiture- Ay isang seremonya kung saan ang isang
pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng
mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa
Obispong kaniyang hinihirang bilang maging pinuno ng
simbahan.
• Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan, tinanggal
niya ang karapatan ng mga pinunong sekular na
magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng simbahan.
Pamprosesong Tanong
(3 Points)
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
mahusay na pinuno sa pagtatag ng isang
Organisasyon? Ipaliwanag.
Ang
Pagkakatatag
Ng Holy Roman
Empire
Timeline ng pagkakabuo ng Holy Roman Empire
481- Pinag-isani Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay
ang mga Romano
496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong
sandatahan.
511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa
kanyang mga anak.
687- Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks.
717- Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel.
751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang
bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo.
• Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-
isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim.
Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe.
• Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768,
humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great,
isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval Period. Sa gulang na 40,
kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay na iskolar ng panahon upang
magpaturo ng iba’t ibang wika.
• Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang turuan
at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang
Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga Kristiyano.
• Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng
Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire).
• Marami ang nagsabi na ang imperyo ang bumuhay na muli sa
imperyong Romano. Sa panahon ng imperyo, ang mga iskolar ang
naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-Romano. Ang
pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang
namayani sa kabihasnang Medieval.
• Nang namatay si Charlemagne noong 814, humalili si Louis the
Religious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang
imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika.
• Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa
pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay
Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany;
atang Italy kay Lothair.
• Namayani sa Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari.
Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko, politiko at
militari- ang piyudalismo.
• Sa pagkakawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang
mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman
ang paglusob ng mga Viking, Magyar at Muslim.
DAGDAG
• Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of
the Holy Roman Empire”. Ayon sa ilang aklat, nangangahulugan ito
na ang ideya ng mga Romano ng isang sentralisadong pamahalaan ay
hindi naglaho.
PAGLAKAS NG
SIMBAHAN AT
PAPEL NITO SA
PAGLAKAS NG
EUROPE
Habang nababawasan ang katapatan ng ordinaryong
mamamayan sa mga panginoong maylupa, nakikita naman nila
ang Simbahan bilang bagong sentro ng debosyon. Sa loob
mismo ng Simbahan ay tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari
na naging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng
Papa. pagsapit ng 1073, naging mas makapangyarihan ang
Simbahan nang itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay
bahagi ng kaayusang banal na napapasailalim sa batas ng
Diyos. Bilang pinakamataas na lider-espiritwal at tagapagmana
ng Simbahang Katoliko mula kay San Pedro, ang Papa ang may
pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at
doktrina
Kaugnay nito, ang lahat ng Obispo ay dapat na
mapasailalim sa kanya, gayundin ang mga hari na ang
kapangyarihan ay dapat lamang diumanong gamitin sa
layuning Kristiyano. May karapatan ang Papa na tanggalin
sa hari ang karapatang mamuno kung hindi tumupad ang
hari sa kanyang obligasyong Kristiyano. Ang Investiture
Controversy ay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng
Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa
Gregory VII. Hindi nagustuhan ng Haring German na si
Henry IV ang ideya ni Papa Gregory VII. Para kay Henry, ang
relihiyong panatisismo ni Papa Gregory VII ay tuwirang
nakaapekto sa mga kaugalian at usaping politikal sa
Germany.
Dahil dito, humingi ng tulong si Henry IV sa mga obispong
German na pababain na sa puwesto ang Papa. Bilang tugon,
idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa
Simbahang Katoliko. Hiniling ng hari na alisin ang
ekskomulgasyon sa kaniya. Nang hindi ito gawin ng Papa,
tumayo si Henry IV nakayapak sa labas ng palasyo ng
Canossa sa hilagang Italya ng tatlong araw noong 1077.
Hiniling niya na alisin na ang parusang ekskomulgasyon.
Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa si Henry, ang
nasabing insidente ay lalong nagpatibay sa kapangyarihan
ng Simbahan. Kalaunan, upang malutas ang nasabing isyu,
nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng Simbahan at ni
Henry V
Ito ang tinatawag na Concordat of Worms noong 1122
na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang
liderespiritwal ng Simbahan at panginoong maylupa.
Kinilala nito ang Simbahan bilang isang nagsasariling
institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi
napapasailalim sa sinumang hari
Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon
ng Middle Ages. Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda
sa Europe ng pamantayan ng paguugali at moralidad. Ito rin ang
namahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya niyang utusan
o pasunurin. Dahil sa kapangyarihan ng Simbahan, mahalaga ang
naging papel nito sa paglakas ng Europe. Sa pangunguna ng
Simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang isang malawak na
kabuuang Kristiyano – ang Republica Christiana na pinamumunuan
ng mga hari sa patnubay ng Papa. Sa kabuuan, ang Europe sa simula
ng ika-11 siglo hanggang sa ika-13 siglo ay lumakas. Lumaki ang
populasyon, nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan,
umusbong ang mga lungsod at kalaunan ay mga nation-state, at
lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang
nagbigay-daan sa paglakas ng Europe at sa kaganapan sa mga
susunod na panahon.
Pamprosesong Tanong

1. Ano ang naging papel ng Simbahan sa paglakas


ng Europe?
2. Bakit mahalaga ang impluwensiya ng Simbahan
sa paglakas ng Europe?
3. Paano nakatulong ang Simbahan sa paglakas ng
Europe at transpormasyon ng daigdig?
4. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng simbahan
sa kasalukuyan?
Salamat Sa
Pakikinig!!!

You might also like