You are on page 1of 77

MODYUL 2 - DAHILAN, MAHAHALAGANG

PANGYAYARING NAGANAP AT BUNGA NG


IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
ARALIN 1
Salik na Nagbigay-daan sa Pagsiklab
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Tukuyin Mo! Panuto: Tukuyin kung anong
bansa ang sinisimbolo ng mga sumusunod na
watawat. Punan ng mga kulang na letra upang
mabuo ang bansang tinutukoy. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
G_RM_NY
I_A_Y
J_P_N
G_EA_ BR_TA_N
UN_T_D ST_T_S OF A_ER_C_
F_A_CE
MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

1.Nasyonalismo
2. Pagkakampihan o Alyansa
3.Pagkakaiba ng Ideolohiya
4.Naranasan ang Great Depression
5. Paglabag sa Kasunduan
6.Pang-aagaw ng Teritoryo
MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
1.Nasyonalismo
GREATER EAST ASIA CO-PROSPERITY SPHERE

Layunin ng Japan na pagbuklurin ang mga bansang Asyano sa


ilalim ng kanilang pamumuno upang paunlarin ang aspektong
panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan ng
rehiyon. Isa ang Pilipinas sa mga bansang inukopa ng mga
Hapones sa Asya.
MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
1.Nasyonalismo
PAGHIHIGANTI NG GERMANY
MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
1.Nasyonalismo
PAGHIHIGANTI NG GERMANY

Batid ng Germany na sila ang labis na sinisi sa


masalimuot na kaganapan ng Unang Digmaang
Pandaigdig at sinasabi na kulang pa ang
kaparusahan na iginawad sa kanila batay sa
nakasaad sa TREATY OF VERSAILLES.
MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
1.Nasyonalismo
PAGHIHIGANTI NG GERMANY

Humina man ang sandatahang lakas ng Germany


matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig o World
War I.
Ngunit muli itong pinasigla ng lider ng Nazi na si
ADOLF HITLER sa pangakong babaguhin niya ang
kasunduan at maghahari sa buong mundo ang
Germany.
MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
2. Pagkakampihan o Alyansa
❖ PAGSASANIB NG AUSTRIA AT GERMANY (ANSCHLUSS)

Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama


ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang
pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang
kasapi ng Allied Powers.
MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG

❖ PAGSASANIB NG AUSTRIA AT GERMANY (ANSCHLUSS)

Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama


ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang
pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang
kasapi ng Allied Powers.
MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
2. Pagkakampihan o Alyansa
 DIGMAANG SIBIL SA ESPANYA (SPAIN)
Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng
dalawang panig:

ang PASISTANG Ito ang nagdulot ng


NATIONALIST SOSYALISTANG iringan, pumukaw sa
FRONT na
sinuportahan ng
VS POPULAR ARMY
naman ay suportado alitan at kompetisyon ng
ng America at Russia. mga magkakatunggaling
Germany at Italy ng
armas bansa.
MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG

Bakit kaya dalawa ang kinabibilangang alyansa ng Russia noong Ikalawang


Digmaang Pandaigdig?

Sa simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Soviet Union ay


lumagda sa kasunduang MOLOTOV-RIBBENTROP na nagsasaad
ng paghahati nila sa pagsakop sa Poland.
Ngunit nang lumaon, ninais na din ni Hitler na sakupin ang Soviet
Union kung kaya’t sa huling bahagi ng digmaan ay pumanig na sila
sa puwersang Allied.
MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG

ALYANSA NG MGA BANSA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.

ALLIED POWERS AXIS POWERS


GREAT BRITAIN GERMANY NEUTRAL NATIONS
FRANCE ITALY PORTUGAL
USA JAPAN SPAIN
SWEDEN
SWITZERLAND
Soviet Union - malaking bahagi nito IRELAND
ay Russia sa kasalukuyan EGYPT
of 24
7

MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG


DIGMAANG PANDAIGDIG
3. Pagkakaiba ng Ideolohiya
Iba’t ibang uri ang sistema ng pamamahala na umusbong
alinsunod sa ideolohiyang pinaiiral ng pinuno/lider katulad ng
 PASISMO (FASCISM)
 NASISMO (NAZISM)
 MILITARISMO (MILITARISM)
 KAPITALISMO (CAPITALISM)
 ISOLATIONISM.
Mussolini at ang Italy

Si BENITO MUSSOLINI ay isang tanyag


na diktador na nagsulong ng Pasismo sa
Italy noong 1919.
Ang pagpapatupad ng nasabing ideolohiya
ay suportado ng mga negosyante, mga
may-ari ng lupa, pinunong militar at
mataas na opisyal ng pamahalaan.
Ito ang naisip nilang solusyon sa pagsugpo
ng mga nagwewelgang manggagawa na
pinaniniwalaan nilang magiging dahilan ng
tuluyang pagbagsak ng kanilang
ekonomiya.
ANO NGA BA ANG PASISMO?
Ito ay isang kaisipan kung saan itinuturing na mas
mahalaga ang kapakanan ng pamahalaan kaysa
mamamayan.
Ganap ang kontrol ng pamahalaan sa lahat ng aspeto
ng pamumuhay ng mamamayan (o sistemang
totalitaryanismo).
AGRESIBONG NASYONALISMO SA
JAPAN (MILITARISMO)
Nakaranas ng kakulangan sa hilaw na
sangkap o materyales ang Japan dahil
sa lumalaking populasyon. Labis din
silang naapektuhan sa Great
Depression na nagsimula sa U.S
(America).
AGRESIBONG NASYONALISMO SA
JAPAN (MILITARISMO)
Dahil dito, sumidhi ang militarismo at
ang hangarin ng mga Hapones na
sumakop ng mga lupain para
matugunan ang kanilang
pangangailangan. Itinatag nila ang
Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
kung saan sunod-sunod ang paglusob
na inilunsad nila sa Manchuria at
Nanjing, China.
AGRESIBONG NASYONALISMO SA
JAPAN (MILITARISMO)
Hinangad nila na makamit ang
dominasyon ng kapangyarihan sa
buong Asya upang makapagpatayo ng
imperyo sa pamumuno ni Emperador
Michinomiya Hirohito.
ISOLATIONISM NG U.S.A.
Ito ay isang polisiya sa usapang
panlabas (foreign affairs) na isinulong ni
Pangulong Woodrow Wilson. Mas pinili
ng U.S. na huwag makisali o sadyang
humiwalay sa mga politikal na
kaganapan ng ibang bansa. Layon ni
Pangulong Wilson na iwasang maulit
ang pandaigdigang digmaan
KAPITALISMO AT DEMOKRASYA SA
GREAT BRITAIN
Pinalakas ni Winston Churchill ang puwersa ng
Great Britain upang magkaroon ng
kakayahang ipagtanggol ang kapitalismo at
demokrasya.
Ang KAPITALISMO
ay ang sistemang pang-ekonomiya kung saan
pribadong pag-aari ang mga paraan ng
produksiyonat ang pangunahing layunin ay
pagpapalago ng kapital at kita.
KAPITALISMO AT DEMOKRASYA SA
GREAT BRITAIN
Samantala,

ang DEMOKRASYA
naman ay isang sistema ng pamamahala kung
saan ang taong bayan ay may kapangyarihang
pumili ng magiging lider ng kanilang lugar o
bansa.
HITLER AT ANG GERMAN
Pagkatapos ng pagkatalo ng Germany noong
unang digmaang pandaigdig, nilayon niyang
muling iangat ang karangalan at kapangyarihan ng
kanilang bansa. Pinairal niya ang

NAZISM O NATIONAL SOCIALISM.


Isa itong ideolohiyang nagtataguyod ng
paniniwala sa pagiging superyor ng lahing Aryan
na kinabibilangan ng mga German.

Dahil sa superyor na pagtingin sa lahi, naging mababa naman ang pagtingin ni


Adolf Hitler sa mga Jews.
HITLER AT ANG GERMAN
Inilunsad niya ang pwersahang pagtatapon sa mga
Jews sa ghetto(lugar na napapalibutan ng pader at
barbed wires)kung saan hinahayaan silang mamatay sa
gutom at sakit. Ang iba naman sa kanila ay dinala sa mga
concentration camp upang maging, alipin, pinag
eksperimentuhan at sapilitang pinatay sa gas chamber.

HOLOCAUST
isang paraan ng genocide (inuubos ang populasyon ng
isang partikular na lahi). Tinagurian itong
pinakamalagim na kaganapan sa buong kasaysayan na
tinatayang mayanim (6) na milyong Jews ang pinatay ng
mga Nazi.
of 24

MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG


DIGMAANG PANDAIGDIG
4. Naranasan ang Great Depression
Bumagsak ang ekonomiya ng U.S.A noong 1920 na lubhang
nakaapekto sa pandaigdigang kalakalan. Ito ang isa sa mga naging
sanhi ng
GREAT DEPRESSION
kung saan ang mga tao ay naghirap dahil sa pagbagsak ng mga
negosyo at kalakalan. Sinasabing ang kakulangan sa mga hilaw na
materyales at pinagkukunang-yaman ang nagbunsod sa ilang
bansa na maghangad na manakop upang mapalawak ang teritoryo
nito upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
of 24

MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG


DIGMAANG PANDAIGDIG
5. Paglabag sa Kasunduan
❖ PAG-ALIS NG GERMANY SA LIGA NG MGA BANSA
Ang Germany ay tumiwalag sa Liga ng mga Nasyon noong 1933
sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pagbabawal ng Liga sa
pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng
karapatang mag-armas. Noong 1935, nagsimula ang militarisasyong
German at pinalawak ang hukbong militar na labag sa Treaty of
Versailles kung saan hindi pwedeng sumobra ng 100,000 na sundalo.
Ang mga ito ay pinagmartsa niya sa Rhineland noong 1936.
of 24

MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG


DIGMAANG PANDAIGDIG
5. Paglabag sa Kasunduan
❖ Umatras ang U.S. sa pagpapatibay sa Treaty of Versailles at hindi
din sumali sa pagkabuo ng League of Nations na nagpapahiwatig
diumano na patuloy pa rin ang hidwaan at ang pagtigil ng digmaan
ay pansamantala lamang o armistice
of 24

MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG


DIGMAANG PANDAIGDIG
6. Pang-aagaw ng Teritoryo
• Pang-aagaw ng Japan sa Manchuria Noong 1931, inagaw ng Japan
ang lungsod ng Manchuria sa China. Kinundena ito ng Liga ng mga
Nasyon at idineklara itong “act of war” o pakikipagdigma. Dahil sa
pagkundena na ito, tumiwalag ang bansang Japan sa liga at
nagpatuloy sa pananakop ng mga kalapit na bansa sa Asya kabilang
na ang Pilipinas.
of 24

MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG


DIGMAANG PANDAIGDIG
6. Pang-aagaw ng Teritory
• Pagsakop ng Italya sa Ethiopia Sa pamumuno ni Benito Mussolini
sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng
Italya ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League).
Noong Setyembre 1938, hinikayat ni
Hitler ang 3 milyon Sudeten Germans na
pagsikapang matamo ang kanilang
awtonomiya at mag-alsa laban sa
Czechoslovakia. Tatlong daang
sundalong Sudeten Germans ang
namatay sa naganap na pag-aalsa at ito
ang ginamit ni Hitler na dahilan sa
pagpapadala ng puwersang militar.
Kalaunan, nilusob na ng mga Nazi ang
buong Czechoslovakia. Lubos na nag-
alala ang puwersang Allied na baka
muling masira ang kapayapaan ng
Europe at pagmulan ng isa na namang
madugong digmaan. Kaagad na
inimbitahan ng Great Britain si Hitler na
dumalo sa Munich Conference kasama
ang France at Italy upang resolbahin ito
at nang maiwasan ang digmaan.
Ipinangako ni Hitler na hindi na siya
mananakop ng iba pang teritoryo kung
susuko na ang Czechoslovakia. Pinayagan
ng Allied na maging annex o karugtong
ng Germany ang Sudetenland sa
pamamagitan ng appeasement.
Makalipas ang anim na buwan mula
nang una niya itong mapagtuonan ng
pansin, tuluyan nang sinakop ni Hitler
ang buong Czechoslovakia ( March
1939).
Setyembre 1, 1939 – Alas 5:30 ng umaga
sa araw na ito nilusob ng mga Nazi ang
Poland dahil sa pagtanggi nitong ibigay
ang Baltic Port at Polish Corridor sa
pamamahala ni Hitler. Nagbunga ito ng
tensyon at naging mitsa sa pagsiklab ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang pagsakop na ito ay salungat sa
ipinangako ni Hitler sa Prime Minister ng
England na si Neville Chamberlain sa
naganap na Munich Conference kung
saan ang Czechoslovakia ang
pinakahuling teritoryong sasakupin ng
Germany.
Dito unang ipinamalas ng mga Nazi ang
taktikang militar nang umatake sila sa
kanlurang bahagi ng Poland.

Ang katawagan sa taktikang nabanggit ay


BLITZKRIEG O LIGHTNING WAR.
Isa itong mabisang opensiba na biglaan
ang paglusob na walang anumang
babala. Makaraan ang labing anim na
araw, lumusob naman sa silangang
bahagi ng Poland ang Soviet Union.
Nalupig ang Poland at ito ay pinaghatian
ng Germany at Russia.
Dahil dito, nagdeklara ang Britain,
France, Australia, New Zealand at South
Africa ng digmaan laban sa Germany.
Matapos ang pagsakop sa Poland,
walang gaanong operasyong militar ang
naganap sa Europe. Ang panahong ito ay
tinawag na Phony War dahil sa
pagtahimik ng Europe lalong lalo na ang
Germany. Natapos ang Phony War nang
muling sinimulan ni Hitler ang blitzkrieg
at nilusob ng mga puwersang German
ang Norway na natalo sa labanan at
Denmark na piniling hindi lumaban.
ARALIN 2
(WEEK 3)
MAHAHALAGANG PANGYAYARING
NAGANAP AT EPEKTO NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
NORWAY
UNITED KINGDOM

DENMARK

NETHERLANDS

GERMANY POLAND
U.S.S.R
BELGIUM
LUXEMBOURG
FRANCE
ITALY

SPAIN

PORTUGAL
Nov. 11, 1918

Natapos ang Unang Digmaan Pandaigdig.


Jan. 30, 1933

Hinirang si Adolf Hitler bilang German Chancellor.


March 9, 1935

Nagmartsa ang hukbo ng Germany sa


Sudentenland
Aug. 23, 1939

Lumagda ang Germany at Soviet Union ng Nazi-


Soviet Non-Aggression Pact.
Sept. 1, 1939

Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig


dahil sinakop ng Germany ang Poland.
Sept. 3, 1939

Nagdeklara ng giyera ang Great Britain at France


laban sa Germany.
Sept. 17, 1939

Sumalakay din ang Soviet Union sa Poland.


April 8, 1940

Natapos ang Phony War (6 na buwang katahimikan


sa Europe) matapos sakupin ng Germany ang mga
bansang Norway, Denmark, Netherlands &
Luxembourg.
May 10, 1940

Naging Prime Minister si Winston Churchill sa Great


Britain
May 10, 1940

Naging Prime Minister si Winston Churchill sa Great


Britain

Nilusob ng Germany ang Belgium


June 14, 1940

Bumagsak at nasakop ng Germany ang Paris,


France.
Aug. 12, 1940

“Battle of Britain” tinangkang sakupin ng Germany


ang Great Britain sa pamamagitan ng matinding
pambobomba sa loob ng 57 gabi.
Sept. 22, 1940

Lumagda ang Italy at Japan sa Tripartite Pact na


nagsaad ng pagsapi nila sa Japan at tinawag silang
Axis Power.
March 11, 1941

Nilagdaan ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng


U.S. ang Lend-Lease Act kung saan magbebenta,
magpapaupa at magpapahiram ng mga kagamitang
militar ang America sa Allied Powers.
May 8, 1941

Naganap ang Great Patriotic War nang lusubin ng


Germany ang noon ay kaalyado, ang Soviet Union.
June 22, 1941

Nilunsad ni Hitler ang operation Barbarossa o ang


planong paglusob ng Germany sa Soviet Union.
Dec. 7, 1941

Nilusob ng Japan ang base militar ng U.S. sa Pearl


Harbor, Hawaii. Isang sorpresang pag-atake ang
naganap sa Clark Air Base, Pampanga halos 10 oras
lang matapos ang pag-atake sa Pearl Harbor.
Dec. 8, 1941

Nagdeklara ng pakikidigma ang U.S. sa bansang


Japan
January 2, 1942

Nilusob ng Japan ang Pilipinas at nasakop ang


Manila na kabisera nito.
June 4-7, 1942

Labanan sa Naval Base ng Allied Powers sa Midway


Island na matatagpuan sa Pacific Ocean. Ito ay
pumapagitnang isla sa Japan at U.S.
April 9, 1942

Naganap sa araw na ito ang Death March of Bataan


kung saan ang mga sumukong sundalong
Amerikano at Pilipino ay pinaglakad mula
Mariveles, Bataan hanggang San Fernando,
Pampanga.
May 6, 1942

Sumuko na ang hukbo ng Amerikano at Pilipino sa


mga Hapones sa Corregidor kung saan tuluyan
nang nasakop ang Pilipinas.
Sept. 8, 1943

Pormal na sumuko ang Italy sa Allied Powers.


June 6, 1944

Lumapag sa Normandy, France ang Allied Powers


kung saan natalo nila ang Germany.
Oct. 23-26, 1944
Naganap ang Battle of Leyte na tinaguriang
pinakamalaking labanan sa tubig noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at sa buong kasaysayan. Ang
pinsalang natamo ng hukbong pandagat ng Japan
ang naging mitsa ng pagbagsak ng imperyo nito sa
Timog-Silangang Asya.
April 30, 1945
Sinasabing si Hitler ay nagpakamatay kasama ang
kanyang bagong asawa na si Eva Braun sa
pamamagitan ng pag-inom ng cyanide at pagbaril
sa sarili sa loob ng kanyang bunker sa Berlin,
Germany
April 28, 1945
Dinakip si Mussolini (Pinuno ng Italy) noong April
27. Kinabukasan siya ay pinatay ng mga Italian na
kaalyado ng Allied.
May 8, 1945
Sumuko ang Germany sa Allied Powers at tinawag
ang araw na ito na V.E. Day o Victory-in-Europe.
August 6, 1945
Ang bombang atomika ay hinulog ng U. S. sa city
centre ng Hiroshima, Japan kung saan 92% ng mga
estruktura ay nasira at maraming sibilyan ang
namatay.
August 9, 1945
Dahil sa hindi pagsuko ng Japan, hinulog ang
pangalawang atomic bomb sa Nagasaki, Japan.
September 2, 1945
Pormal na sumuko ang Japan at dito natapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
• Umabot ng humigit kumulang 50 milyon ang namatay sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinatayang halos isang
milyong Pilipino ang nasugatan at nasawi.
• Ang nagtamo ng pinakamatinding pinsala ng estruktura ay
ang mga lungsod ng Warsaw sa Poland at Manila sa Pilipinas.
• Natigil ang pag-unlad ng ekonomiya ng daigdig dahil sa
pagkawasak ng agrikultura, industriya at pananalapi ng mga
bansa.
Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
• Dahil sa mapanirang pananakop noong digmaan, minabuti
ng mga kolonyang bansa na magkaarmas at magkaroon ng
tunay na pagsasanaymilitar.
• Nahikayat ang mga kolonyang bansa sa Africa at Asya na
maglunsad ng rebolusyon upang wakasan ang kolonyalismo
at imperyalismo. Masidhi ang kanilang hangarin na
makamtan ang kalayaan (independence).
• Nahati ang daigdig sa dalawang nagtutunggaling ideolohiya
– ang kapitalismo at sosyalismo.
Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
• Napagtibay ang simulaing command responsibility o
nagsasabing may pananagutan pa rin ang mga opisyal ng
bayan at mga pinunong militar kahit ang mga gawain o
aksyon nila ay pawang pagsunod lamang sa utos ng mas
makapangyarihan.

You might also like