You are on page 1of 41

PUBLIC

Bayan, Umawit

[Koro]
Bayan, umawit ng papuri
Sapagkat ngayon Ika'y pinili
Iisang bayan, iisang lipi
Iisang Diyos, iisang Hari
Bayan, umawit ng papuri
Bayan, umawit ng papuri

PUBLIC
PUBLIC

Bayan, Umawit

1. Mula sa ilang ay tinawag ng Diyos


Bayang lagalag, inangkin ng lubos
Pagkat kailan ma'y 'di pababayaan
Minamahal N'yang kawan

PUBLIC
PUBLIC

Bayan, Umawit

[Koro]
Bayan, umawit ng papuri
Sapagkat ngayon Ika'y pinili
Iisang bayan, iisang lipi
Iisang Diyos, iisang Hari
Bayan, umawit ng papuri
Bayan, umawit ng papuri

PUBLIC
PUBLIC

Bayan, Umawit

2. Panginoon, ating magliligtas


Sa kagipitan, Siyang tanging lakas
Pagkat sumpa N'ya'y laging iingatan
Minamahal N'yang Bayan

PUBLIC
PUBLIC

Bayan, Umawit

[Koro]
Bayan, umawit ng papuri
Sapagkat ngayon Ika'y pinili
Iisang bayan, iisang lipi
Iisang Diyos, iisang Hari
Bayan, umawit ng papuri
Bayan, umawit ng papuri

PUBLIC
PUBLIC

PARI (P) : Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


BAYAN (B) : Amen. 

P: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang


pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu
Santo nawa’y sumainyong lahat…
B: At sumaiyo rin. 

PAGSISISI SA KASALANAN
P: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan
upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.
PUBLIC
PUBLIC

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala,
sa isip, sa salita,
sa gawa, at sa aking pagkukulang,
kaya isinasamo ko sa mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal,
at sa inyo, mga kapatid,
na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
PUBLIC
PUBLIC

Kyrie

Panginoon, maawa ka,


Panginoon, maawa ka.
 
Kristo Maawa ka.
Kristo Maawa ka.
 
Panginoon, maawa ka,
Panginoon, maawa ka.
PUBLIC
 
PUBLIC

Papuri sa Diyos (Gloria)


Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan.

At sa lupa'y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri Ka namin,
dinarangal Ka namin,
sinasamba Ka namin,
ipinagbubunyi Ka namin,
PUBLIC
PUBLIC

Papuri sa Diyos (Gloria)


pinasasalamatan Ka namin,
dahil sa dakila Mong angking kapurihan.

Panginoong Diyos, Hari ng langit,


Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, bugtong na anak.
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
anak ng Ama.
PUBLIC
Papuri sa Diyos (Gloria)
PUBLIC

Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos


Papuri sa Diyos sa kaitaasan.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa Ka, maawa Ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan,
tanggapin Mo ang aming kahilingan (2x).
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa
Ka sa amin.
PUBLIC
PUBLIC

Papuri sa Diyos (Gloria)

Sapagkat Ikaw lang ang banal,


at ang Kataas-taasan,
Ikaw lamang, O, Hesukristo, ang Panginoon.
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan
ng Diyos Ama, Amen! (2x)

Papuri sa Diyos, Papuri sa Diyos


Papuri sa Diyos sa kaitaasan.
PUBLIC
PUBLIC

UNANG PAGBASA
Pagbasa mula sa aklat ni Tobit
Noong mga araw na iyon, si Ana ay nag-aabang sa
lansangang pagdaraanan ni Tobias. Nang makita niyang
ito’y dumarating, pasigaw niyang tinawag si Tobit.
“Narito na si Tobias!” wika ni Ana, “kasama ang lalaking
pinasama mo.”
Bago dumating ng bahay, sinabi ni Rafael kay Tobias,
“Natitiyak kong mananauli ang paningin ng iyong ama.
Pagdating mo’y ipahid mo agad sa kanyang mga mata
ang apdo ng isda. Aalisin nito ang kulaba sa mata ng
iyong ama at muli siyang makakakita.”
PUBLIC
PUBLIC

Tumatakbong sinalubong ni Ana ang kanyang anak at


niyakap ito nang mahigpit. Sinabi nito kay Tobias,
“Maaari na akong mamatay, anak, ngayong muli kitang
nakita.” At naiyak siya sa laki ng tuwa.
Sa pananabik ni Tobit sa kanyang anak nagmamadali
itong lumabas, ngunit nadapa siya sa may tarangkahan.
Nilapitan ni Tobias ang kanyang ama, hawak ang apdo
ng isda. Ibinangon niya ito at hinipan ang mga mata.
“Lakasan ninyo ang inyong loob, itay,” wika niya. Agad
niyang ipinahid sa mga mata nito ang hawak na apdo.
Pagkatapos, inalis niya ang kulaba, at nanauli ang
paningin ng kanyang ama. Niyakap ni Tobit ang anak at
umiiyak na nagsabi, “Maliwanag na ang aking paningin;
nakikita na kita, anak!”
PUBLIC
PUBLIC

Pagkatapos ay sinabi:
“Purihin ang Diyos!
Purihin ang dakila niyang ngalan,
pagpalain ang lahat niyang mga anghel.
Sa lahat ng panahon,
nawa’y purihin ang banal niyang ngalan.
Sapagkat siya ang nagparusa sa akin
at siya rin ang nahabag.
Narito nakikita ko na ang aking anak,
Nakikita ko na si Tobias!”
T: Ang Salita ng Diyos.
B: Salamat sa Diyos
PUBLIC
PUBLIC

SALMONG TUGUNAN

Kalul’wa ko, ‘yong purihin


ang Panginoong butihin.

1. O kaluluwa ko, ang Diyos papurihan!


Pupurihin siya’t aking aawitan;
aking aawitan habang ako’y nabubuhay.

PUBLIC
PUBLIC

2. Ang maaasahang lagi’y Panginoon,


panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin


ang Panginoong butihin.

3. Pinalaya niya ang mga nabihag;


isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.
PUBLIC
PUBLIC

4. Isinasanggalang ang mga dayuhang


sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.
Walang hanggang Hari, ang Diyos na Poon!
Nabubuhay laig ang Diyos mo, Sion!

Kalul’wa ko, ‘yong purihin


ang Panginoong butihin.
PUBLIC
PUBLIC

Alleluia, Wikain Mo

Cantor:
Alleluia, Alleluia, Wikain mo poon nakikinig
ako, sa iyong mga salita, alleluia, allelu alleluia!

Bayan:
Alleluia, Alleluia, Wikain mo poon
nakikinig ako, sa iyong mga salita, alleluia, allelu
PUBLIC
alleluia!
PUBLIC

MABUTING BALITA / GOSPEL

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumaiyo rin.

P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Marcos
B: Papuri sa iyo, Panginoon.
PUBLIC
PUBLIC

Noong panahong iyon, samantalang


nagtuturo si Hesus sa templo, sinabi niya,
“Paanong masasabi ng mga eskriba na ang
Mesiyas ay anak ni David? Si David na rin,
nang kasihan ng Espiritu Santo, ang
nagpahayag ng ganito:

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,


Maupo ka sa aking kanan, hanggang lubusan
kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’
PUBLIC
PUBLIC

Si David na rin ang tumawag sa kanya ng


Panginoon; paano magiging anak ni David ang
Mesiyas?” At nakinig na mabuti sa kanya ang
maraming tao.

P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


B: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

PUBLIC
PUBLIC

Panunumpa ng Pananampalataya
(Apostle's Creed)

Sumasampalataya ako sa Diyos,


Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo,
iisang anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat,

PUBLIC
PUBLIC

Panunumpa ng Pananampalataya
(Apostle's Creed)

nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo,


ipinanganak ni Santa Mariang birhen,
ipinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing;
nanaog Siya sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang ikatlong araw, nabuhay na muli,
umakyat sa langit, at naluluklok sa kanan ng Diyos
na makapangyarihan sa lahat.
PUBLIC
PUBLIC

Panunumpa ng Pananampalataya (Apostle's Creed)


Doong magmumula't mapaparoon
at maghuhukom sa mga nabubuhay an
nangamatay na tao.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo,
sa banal na simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan. Amen.
PUBLIC
PUBLIC

PAGHAHANDOG NG SARILI

Kunin Mo, O Diyos, at tanggapin Mo


Ang aking kalayaan, ang aking kalooban
Isip at gunita ko, lahat ng hawak ko,
Ng loob ko ay aking alay sa 'Yo

PUBLIC
PUBLIC

PAGHAHANDOG NG SARILI

Nagmula sa 'Yo ang lahat ng ito


Muli kong handog sa 'Yo
Patnubayan Mo't paghariang lahat
Ayon sa kalooban Mo
Mag utos Ka, Panginoon ko
Dagling tatalima ako
Ipagkaloob Mo lang ang pag-ibig Mo
At lahat ay tatalikdan ko
Tatalikdan ko
PUBLIC
PUBLIC

P: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang


paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.
 
B: Tanggapin nawa ng Panginoon itong
paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan
niya at karangalan sa ating kapakinabangan at
sa buong Sambayanan niyang banal.

PUBLIC
PUBLIC

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumaiyo rin.

P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


B: Itinaas na namin sa Panginoon.

P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


B: Marapat na siya ay pasalamatan.

PUBLIC
PUBLIC

Santo
 
Santo, Santo, San-to, D’yos Makapangyarihan
Puspos ng l’walhati ang langit at lupa
Osana, Osana sa kai-ta----asan!
Pinagpala ang narito sa ngalan ng Panginoon
Osana, osana sa kaita----asan!
Osana, osana sa kai--ta--asan!

PUBLIC
PUBLIC

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT


 
P: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
 
Si Kristo Ay Gunitain
 
Si Kristo ay gunitain sarili ay inihain
Bilang pagkai’t inumin
pinagsasaluhan natin
Hanggang sa Siya’y dumating
Hanggang sa Siya’y dumating.
PUBLIC
PUBLIC

ANG PAKIKINABANG

PANALANGIN NG PANGINOON
P: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus
naPanginoon natin at Diyos ipayahag natin nang lakas-loob:
 Ama Namin
  Ama namin sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo, Sundin ang loob Mo. Dito sa
lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ng aming kakanin    sa araw - araw. At
patawarin Mo kami sa aming mga sala. Gaya ng
pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag Mo
kaming ipahintulot sa tukso. At iadya Mo kami sa lahat ng
masama.
PUBLIC
PUBLIC

P: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa
kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang
aming pinananabikan ang dakilang araw ng
pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
 
DOXOLOGY
 
Sapagka’t iyo ang kaharian, kapangyarihan at
kapurihan
Ngayon at magpakailan man! ngayon at magpakailan
man

PUBLIC
PUBLIC

PAGBIBIGAYAN NG KAPAYAPAAN

P: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong


mga Apostol…
B: Amen.
P: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging
sumainyo.
B: At sumaiyo rin.
P: Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t
isa.
PUBLIC
PUBLIC

PAGHAHATI-HATI SA TINAPAY AT PAGSASALO


Kordero ng Diyos 
Kordero ng D’yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng
mundo,
maawa  Ka  sa amin.
Kordero ng D’yos, maawa Ka. (Ulitin)

Kordero ng D’yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng


mundo,
ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
PUBLIC  
PUBLIC

P: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng


kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga
inaanyayahan sa kanyang piging.

B: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy


sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na
ako.

PUBLIC
PUBLIC

AWIT SA PAKIKINABANG
ISANG PAGKAIN, ISANG KATAWAN, ISANG BAYAN

1. Katulad ng mga butil na tinitipon


Upang maging tinapay na nagbibigay buhay
Kami nawa’y matipon din
At maging bayan Mong giliw

Koro: Iisang Panginoon, iisang katawan


Isang bayan, isang lahi
Sayo’y nagpupugay
PUBLIC
PUBLIC

ISANG PAGKAIN, ISANG KATAWAN, ISANG BAYAN

2. Katulad din ng mga ubas


Na piniga at naging alak
Sino mang uminom nito
May buhay na walang hanggan
Kami nawa’y maging sangkap
Sa pagbuo nitong bayang liyag

Koro: Iisang Panginoon, iisang katawan


Isang bayan, isang lahi
PUBLIC
Sayo’y nagpupugay
PUBLIC

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
 
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos (†), Ama, at
Anak, at Espiritu Santo.
B: Amen.
P: Tapos na ang Misa. Humayo kayong taglay ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
B: Salamat sa Diyos

PUBLIC
PUBLIC

PILIPINAS KONG MAHAL


Ang bayan ko’y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay
Tungkulin ko’y gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong hirang
PUBLIC
PUBLIC

Happy 125 Independence Day!!!


th

PUBLIC

You might also like