Joseph Schools SAINT JOSEPH COLLEGE OF ROSARIO BATANGAS INC. Rosario, Batangas
CLASS OFFICERS S.Y 2021-2022
TVL 11 – Saint Bridget
Dimaano, Mariel Ellaine B. Puertellano, Kurt C. Matalog, Bethel Joy Z.
President Vice President Secretary
Briñosa, Karim A. Marundan, Rainier Joseph Alonsagay, John Nikko A
Assistant Secretary P.I.O P.O Ms. Charlene A. Macaraig Adviser PANALANGIN Barayti ng Wika Mga Uri ng Barayti ng Wika Idyolek, Dayalek, Sosyolek , Etnolek, Ekolek, Pidgin, Creole, Register Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani- kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Idyolek -Ito ang dayalek na sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. -may istilo sa pamamahayag at pananalita. HALIMBAWA: “Hindi kita tatantanan!” -Mike Enriquez “Walang himala!” -Nora Aunor “Lumipad ang aming team…” -Jessica Soho “Handa na ba kayo?” -Korina Sanchez “I am sorry.” -President Gloria Macapagal- Arroyo “Ansabeeeehhh?” -Vice Ganda Dayalek ▪ Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. ▪ Maaring gumamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono. Halimbawa ng Dayalek: Ang pangungusap na “Anong pangalan mo” ay maaaring sabihin sa iba’t ibang dayalek. Tagalog: Anong pangalan mo? Kapampangan: Nanong lagyu mo? Ilokano: Anya ti nagan mo? Bisaya: Unsa imu ngalan? Cebuano: Kinsay imong ngalan? Hilgaynon: Ano ang imo ngalan? Bicolano: Ano ang ngaran mo? Sosyolek -Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Halimbawa ng Sosyolek Mga repa, nomo na. Walwal na! (Jeproks/ balbal) Si Yorme, maraming nahuli, mga etneb. (Salitang kanto/pinauso ni Mayor Isko Moreno) Eow pfouh? Muztah nah? (Jejemon) Echoserang frog ka. Chinorva mo akez. (Bekimon/ Gay Linggo) So haba naman ng pila. I am so inip na. (Conyo language) Ayan na ang mga Hathor. Sugod mga sang’gre! (Fans ng Encantadia) BTW, JWU. Need something to do. (Millennial online language) Ekolek -Ito rin ang dahilan kung bakit kahit sa loob ng tahanan ay nakagagawa ng kani-kanilang paraan para gamitin ang banggitin ang mga salita. -Tumutukoy sa mga salita at wikang ginagamit sa loob ng tahanan at kadalasang tumatatak sa mga bata. Ito rin ay ang ginagamit sa pakikipag-usap araw-araw. Halimbawa ng Ekolek Mom,dad/Nanay,tatay/Mommy,daddy/Ma,pa pamingganan/ platuhan/ lagayan ng kubyertos CR/ banyo/ kubeta/ palikuran itaas/ second floor mamam/ tubig am-am/ kain diko/ ditse/ sangko/ sanse/ ate/ kuya baby/ bunso lola/ granny/ mamu/ la/ inang lolo/ granpa/ Papu/ lo/ itang Etnolek Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko. Halimbawa ng Etnolek Adlaw – araw, umaga Bagnet – sitsarong gawa sa Iloko Vakuul – pantakip sa ulo ng mga taga-Batanes o Ivatan Palangga – mahal, iniirog, sinta Banas – mainit, maalinsangan, pagkayamot Batok – tradisyonal na paraan ng pagta-tattoo mula sa Kalinga Dugyot – marumi Kalipay – ligaya, saya, tuwa Magayon – maganda, kaakit-akit Ambot – ewan, hindi ko alam Pidgin Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengguwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa. Halimbawa ng Pidgin “You go there… sa ano… there in the banyo…” (English carabao) “Ako benta mga prutas sa New Year para swerte.” (Chinese na sumusubok mag-Filipino) “What’s up, madrang piporrrr…” (Koreanong si Ryan Bang sa kaniyang programa) “Ikaw bili sa kin daming tikoy…” (Chinese na sumusubok mag-Filipino) “Ako wara masamang barak… / Ako walang masamang balak…” (Japanese na nagta-Tagalog) “Ako punta kwarto wag na ikaw sama…” “Ako lugi na wag ka na tawad…” “Are you foreigner? Where?” “Don’t me. Don’t us…” Creole -Ito ay ang pinaghalo- halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal na wika. Halimbawa: Mi nombre – Ang pangalan ko
Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal
ka o ano?
I gat planti kain kain abus long bikbus –
Marami akong uri ng mga hayop sa gubatan. Register Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain. May tatlong uri nito: Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon? Tenor- ayon sa relasyon ng mga- naguusap Halimbawa ng Register ENT (ears, nose, and throat) – medical jargon MSMEs (micro small medium enterprises) – business jargon AWOL (absence without leave) – military jargon Wer na u, dito na me? – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino Hu u? txtbak – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino Lowbat na me – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino Erpats, alaws na tayo makain. – mga salitang binabaligtad OOTD (outfit of the day) – internet jargon BP (blood pressure) – medical jargon Homogenous at Heterogeneous na Wika Homogenous - Ang salitang homogeneous ay mula sa mga salitang Griyego na homo, na nangangahulugang "isa;" at genos, na nangangahulugang "uri” o “lahi." - Ito ang pare- parehong magsalita ang lahat na gumagamit ng isang wika. - Ang homogeneous na kalikasan ng wika ay may mga katangiang unibersal o tinataglay ng lahat ng wika. Ang mga ito ay ang sumusunod: • arbitraryo, • dinamiko, • bahagi ng kultura, at • may sariling kakanyahan. Heterogeneous -Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika bunga ng paggamit ng iba-ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, edad, kasarian, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pa. Ang salitang heterogeneous ay mula sa mga salitang Griyego na hetero, na nangangahulugang "magkaiba," at genos, na nangangahulugang "uri” o “lahi." Barayti ng Wika na Bahagi ng Heterogeneous Dayalektong Heograpikal Barayting bunga ng lugar kung saan isinilang o nakatira ang tagapagsalita. Dayalektong Temporal Barayting bunga ng panahon kung kailan ginagamit ang wika ng tagapagsalita. Dayalektong Sosyal Barayting Bunga ng panlipunang uri, edukasyon, trabaho, edad, kasarian, at iba pang panlipunang sukatan ng tagapagsalita nito. Una at Pangalawang Wika Unang wika ang tawag sa wikang unang natutuhang gamitin ng isang tao magmula sa kaniyang pagkabata o sa isang kritikal na yugto ng pagkatuto hanggang sa umabot sa puntong bihasa na siyang gamitin ang wikang ito. Unang wika ang tawag sa wikang unang natutuhang gamitin ng isang tao magmula sa kaniyang pagkabata o sa isang kritikal na yugto ng pagkatuto hanggang sa umabot sa puntong bihasa na siyang gamitin ang wikang ito. Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE)
Isa sa mga pagbabagong hatid ng bagong
kurikulum na kilala sa tawag na K-12 program ay ang Mother Tongue-Based Multilingual Education. Ito ay nakatuon sa Kindergarten at una hanggang ikatlong baitang sa elementarya. Layunin ng MTB-MLE na ang lahat ng mga bata ay mahusay nang magsulat at magbasa pagsapit ng unang baitang. First-language-first ang isinusulong ng MTB-MLE. Pangalawang Wika Ay tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos maging bihasa sa kaniyang unang wika. Ito ay nauunawaan ng mga taong nasa komunidad na kinabibilangan niya kung saan ginagamit ang pangalawang wika bilang opisyal na gamit sa komunikasyon, edukasyon, pakikipagkalakalan, at iba pang gawain. ▪ Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. ▪ Maaring gumamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit ng salita para sa bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. DAYALEK Halimbawa: Ang isang bisayang nagsasalita ng Tagalog o Filipino ay may tonong hawig sa Bisaya at gumagamit ng mga leksikon o ilang bokabularyong may pinagsamang Tagalog at Bisaya na tinatawag ding “TagBis”. Pinapalitan ang panlaping “um” ng “mag” ▪ MAGkain tayo sa mall- (Tagalog- Bisaya) ▪ “kUMain tayo sa mall- (Tagalog sa Maynila) 19. Ilang Bokabularyo na Ginamit ng Taong Pare- parehong Nag- sasalita ng isang wika: TAGALOG SA RIZAL Tagalog saTeresa, Morong, Cardona at Baras palitaw diladila mongo balatong ate kaka lola inda, pupu, nanang lolo amba timba sintang latek kalamay hati Homogenous Ito ang pare- parehong magsalita ang lahat na gumagamit ng isang wika. Heterogeneous Ito ang pagkaiba- iba ng wika sanhi ng iba’t- ibang Sali panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag- aralan, kalagayang lipunan, rehiyon o lugar, pangkat- etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad. SOSYOLEK BARAYTI NG WIKA ▪SOSYOLEK 26. SOSYOLEK Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimesiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansi- pansin ang mga tao nagpapangkat- pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, atbp. Magka- iba ang barayti ng nakapag- aral sa hind; ng babae o sa lalaki; ng matanda sa mga kabataan; ng may kaya sa mahirap; ang wika ng tindera sa palengke at iba pang pangkat. SOSYOLEK ▪ Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kaniang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. ETNOLEK ETNOLEK Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko. Halimbawa: Vakkul- Pantakip sa ulo Bulanon- full moon Kalipay- tuwa o ligaya Palangga- mahal o minamahal REGISTER Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap. ▪ Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakakatanda, o hindi niya masyadong kakilala. ▪ Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan atbp. ▪ Di- pormal na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang kausap kaibigan, malalapit na pamilya, mga kaklase, o mga kasing edad, at matagalna kakilala. Creole o Pidgin Pidgin ang tawag sa umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native language” o katutubong wika na di pag- aari ninuman. ▪ Nangyari kapag may dalawang taong nakikipag- usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t ‘di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t- isa. Creole naman ang tawag sa wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika ng mga batang isinilang sa komunidad kapag ito’y nabuo hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod ng karamihan.