You are on page 1of 28

Filipino sa Piling

Larangan
(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 5

Pagbuo, Pag-uugnay,
at Pagbubuod ng mga
Ideya
Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Maipaliwanag ang paraan at hakbang sa
pagsulat ng buod; at
2. Makilala ang pagkakaiba ng buod, sinopsis,
presi, sintesis at abstrak.
Pagbuo, Pag-uugnay,
at Pagbubuod ng mga
Ideya
Iba-iba ang paraan ng pagbubuod
upang mag-ugnay ng impormasyon at
ideya kaugnay ng paksa. Ilan dito ang
buod, lagom o sinopsis, presi, hawig,
sintesis, at abstrak.
Buod
Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto. Ang
teksto ay maaaring nakasulat, pinanood, o pinakinggan.
Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at
sumusuportang ideya o datos.

Mahalaga, kung gayon, ang pagtutok sa lohikal at


kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na teksto.

Kadalasan, nakatutulong ang pagbubuod sa


paglilinaw sa lohika at kronolohiya ng mga ideya lalo na
sa mga hindi organisado o komplikadong paraan ng
pagkasulat sa teksto.
Buod

Pangunahing mga katangian ng pagbubuod:

1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto


kaugnay ng paksa.

2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda;


bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita.

3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.


Buod
Mga hakbang sa pagbubuod:

1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang


pahapyaw ang teksto.

2. Sa mga nakasulat o episodo ng isang pinanood o


pinakinggan, tukuyin ang paksang pangungusap o
pinakatema. Tukuyin din ang mga susing salita (key
words).

3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang


mabuo ang pinakapunto o tesis.
Buod
4. Sulatin ang buod.

*Tiyakin ang organisasyon ng teksto.


*Huwag gumamit ng mga salita o pangungusap
mula sa teksto.

5. Huwag maglalagay ng mga detalye, halimbawa, at


ebidensiya.

6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal word o


mga salitang nagbibigaytransisyon sa mga ideya.

7. Huwag magsisingit ng mga opinyon.


Buod
8. Sundin ang dayagram sa ibaba.

Buod
Pangunahing Ideya

Paksang Pangungusap
Paksang Pangungusap
Paksang Pangungusap
Konklusyon
Buod
Sa pagbubuod naman ng mga piksyon,
tula, kanta, at iba pa:

1. Maaring gumawa muna ng story map o


graphic organizer upang malinawan ang daloy
ng pangyayari.

2. Isulat ang buod sa isang talata kung saan


ilalahad ang pangunahing karakter, ang
tunggalian, at ang resolusyon ng tunggalian.
Lagom o Sinopsis

Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing


punto, kadalasan ng piksyon.

Karaniwang di-lalampas ito sa dalawang


pahina.

Ito rin ang ginagamit sa mga panloob o


panlabas ng pabalat ng isang nobela na
tinatawag na jacket blurb.
Lagom o Sinopsis
Mga hakbang sa pagsulat ng sinopsis:

1. Basahin ang bawat kabanata.

2. Isulat ang mga tema at simbolismo sa bawat


kabanata.

3. Igawa ng balangkas ang bawat kabanata. Bubuuin


ito ng mahahalagang puntos at impormasyon tungkol
sa tauhan.

4. Gumawa ng isa hanggang dalawang pangungusap


na buod, storyline, o tema.
Lagom o Sinopsis
5. Gawan ng sinopsis ang bawat kabanata.
*Ikuwento ang buong istorya gamit ang mga
datos mula sa bawat kabanata.
*Hindi kailangang ipaliwanag ang lahat ng
bagay.

6. Sundin ang kronolohiya ng istorya.


* Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng
pandiwa.
* Gamitan din ng malaking titik ang
pangalan ng karakter sa unang pagbanggit dito.
Lagom o Sinopsis

* Tiyakin din ang pananaw o punto de


vista o kung sino ang nagkukuwento.

Upang maging kapana-panabik ang


pagkukwento nang palagom:

1. Simulan ito sa pangunahing tauhan at ang


kaniyang pinagdadaanan o problema.
Lagom o Sinopsis

2. Maaaring maglakip ng maikling diyalogo o sipi.

3. Ilantad ang damdamin ng tauhan at mga


dahilan kung bakit namomroblema siya,
pinoproblema siya, o kaya’y bakit niya ginagawa
ang bagay na nagiging dahilan ng problema.
Presi
*Galing ang salitang presi (precis) sa
lumang Pranses na ibig sabihi’y pinaikli.
(www. merriamwebsterdictionary.com)

*Ito ang buod ng buod.


*Muling paghahayag ito ng ideya ng may-
akda sa sariling pangungusap ng bumasa,
ngunit maaaring magdagdag ng komento
na nagsusuri sa akda.
*Wala itong mga elaborasyon,
halimbawa, ilustrasyon, at iba pa.
Presi

Mga katangian ng isang presi:

1. Malinaw ang paglalahad.


2. Kompleto ang mga ideya.
3. May kaisahan ng mga ideya.
4. May pagkakaugnay-ugnay ang mga ideya.
5. Siksik sa dalawa hanggang tatlong
pangungusap ang pangkalahatang puntos.
Sintesis

* Mula sa salitang Griyego na syntithenai (syn =


kasama; magkasama; tithenai = ilagay; sama-
samang ilagay) ang salitang sintesis.

* Isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon


sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring
ideya o datos mula sa iba’t ibang pinanggalingan
(tao, libro, pananaliksik, at iba pa) ay
mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang
malinaw na kabuuan o identidad.
Analisis vs. Sintesis

Analisis Sintesis
- paghihiwa- - pagsasama-
hiwalay ng mga sama ng mga
ideya upang ideya tungo sa
suriin ang huli isang
pangkalahatang
kabuuan.
Sintesis

Ilang hakbang at mungkahi sa maayos na


pagbuo ng sintesis: (www.jan.ucc.nau.edu)
1. Introduksiyon
Simulan sa isang paksang pangungusap na
magbubuod o magtutuon sa pinakapaksa ng teksto.
Banggitin din ang mga sumusunod kaugnay ng
teksto:
• Pangalan ng may-akda
• Pamagat
• Impormasyon tungkol sa may-akda, teksto,
paksa
Sintesis

2. Katawan

a. Organisahin ang mga ideya upang masuri


kung may nagkakapareho. Gumawa ng isang Sintesis
Grid upang masigurong maayos at sistematiko ang
daloy ng pagkuha ng impormasyon. (halaw sa 2000 Learning
Center, University of Sydney)

b. Suriin ang koneksiyon ng bawat isa sa paksa at


pangunahing ideya.
Sintesis

c. Simulan sa pangungusap o kataga ang bawat


talata. Naglalahad ang pangungusap o katagang ito ng
paksa ng talata.

d. Ibigay ang mga impormasyon mula sa iba-


ibang batis (tao, libro, at iba pa) o iba-ibang paksa o
opinyon sa isang paksa.

e. Gumamit ng angkop na mga transisyon at


paksang pangungusap. Banggitin din ang pinagkunan.
Sintesis
f. Gawing impormatibo ang sintesis.

*Ipakita ang mga pagkakapareho at


pagkakaiba ng mga ideya, opinyon,
paniniwala, reaksiyon, at iba pa.

g. Huwag maging masalita sa sintesis.

*Mas maikli, mas mabuti ngunit may


laman, lalim, at lawak.

h. Maging matapat sa teksto, kinapanayam, o


pinagkunan ng impormasyon.
Sintesis

3. Konklusyon
Ibuod ang nakitang mga impormasyon at
pangkalahatang koneksiyon ng iba-ibang
pinagsamang mga ideya. Maaaring magbigay-
komento dito o kaya’y magmungkahi.
Sintesis
Isinasagawa ang sintesis para sa mga
sumusunod:

1. Introduksiyon ng koleksiyon ng mga artikulo sa libro o


journal

2. Report ng pinag-usapan sa talk show, pulong,


komperensiya, o panel discussion.

3. Rebyu ng mga literaturang pinagkunan ng impormasyon


o ideya ukol sa isang paksang may maraming may-akda na
sinangguni para sa sinusulat na tesis o disertasyon .
Sintesis

4. Report ng isang dokumentaryo ukol sa isang


paksa na may iba’t ibang taong kinapanayam.

5. Maikling rebyu ng mga sinulat ng isang may-


akda kaugnay ng isang partikular na paksa.
Abstrak
Isa itong maikling buod ng pananaliksik, artikulo,
tesis, disertasyon, rebyu, proceedings, at papel-
pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang
gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na
matukoy ang layunin ng teksto.

Inilalahad ng abstrak ang masalimuot na mga datos


sa pananaliksik at pangunahing mga metodolohiya at
resulta sa pamamagitan ng paksang pangungusap o
kaya’y isa hanggang tatlong pangungusap sa bawat
bahagi.
Abstrak

Mga bahaging makikita sa ilang abstrak:

1. Pamagat
2. Paksang Pangungusap
3. Layunin
4. Mga Datos
5. Resulta ng Pag-aaral
6. Kritikal na Diskusyon

You might also like