You are on page 1of 19

PAGASA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC
GEOPHYSICAL ASTRONOMICAL
SERVICES ADMINISTRATION
PAGASA
- ANG PAGASA AY AHENSIYA SA ILALIM
NG DEPARTMENT OF SCIENCE AND
TECHNOLOGY O DOST.
-NAGBIBIGAY ITO NG REAL-TIME O
SABAY SA KASALUKUYANG UPDATE NG
MGA BABALA UKOL SA PANAHON AT
BAGYO.
PROJECT NOAH (NATIONWIDE OPERATIONAL
ASSESSMENT HAZARDS)

- ANG PROJECT NOAH AY ANG TUGON NG


DOST PARA SA ISANG MAS TIYAK, BUO, AT
MABILIS NA SISTEMA NG PAG-IWAS AT
PAGPAPAGAAN NG EPEKTO NG SAKUNA
LALONG-LALO NA SA MGA LUGAR NA
NAPAKADALING MAAPEKTUHAN NG
KALAMIDAD SA BUONG PILIPINAS.
ANG PROYEKTO AY BINUBUO NG
MGA SUMUSUNOD:

- PAGBABAHAGI NG MGA
HYDROMETEOROLOGICAL
DEVICES SA MGA LABIS NA
NASALANTANG LUGAR SA
PILIPINAS.
- DISASTER RISK EXPOSURE ASSESSMENT FOR
MITIGATION- LIGHT DETECTION AND
RANGING (DREAM-LIDAR) PROJECT.

LAYUNIN NG PROYEKTONG ITO NA


MAKALIKHA PARA SA MGA PINKAMALALAKI
AT BAHAING ILOG, AT WATERSHED NG MAS
TUMPAK NA DATOS UKOL SA PAGBAHA PATI NA
MAPA NG MGA MAPANGANIB NA LUGAR. ANG
MGA DATOS NA ITO AY NAKA 3D
-PAGPAPAHUSAY NG GEOHAZARD
MAPPING GAMIT ANG LIDAR. SA
PAMAMAGITAN NG LIDAR AT
COMPUTERIZED NA PAGSUSURI,
MATUTUKOY ANG MGA EKSAKTONG
LUGAR KUNG SAAN MAY PANGANIB NG
PAGGUHO NG LUPA O LANDSLIDE.
COASTAL HAZARDS AND STORM SURGE
ASSESSMENT AND MITIGATION
(CHASSAM) MAKALILIKHA ITO NG MGA
WAVE SURGE, WAVE REFRACTION, AT
COASTAL CIRCULATION MODEL NA
MAKATUTULONG SA PAG-UNAWA AT
PAGBIBIGAY SOLUSYON SA COASTAL
EROSION O ANG PAGGUHO NG LUPA SA
MGA BAYBAYIN SANHI NG MATINDING
PAG-ALON, PAGDALOY NG TUBIG, ATBP.
-FLOOD INFORMATION NETWORK
(FLOODNET) PROJECT. ANG
FLOOD NET PROJECT AY ANG
MAGSISILBING FLOOD CENTER NA
MAGBIBIGAY NG TUMPAK AT
MAAGANG IMPORMASYON AT
BABALA UKOL SA PAGBAHA.
- LOCAL DEVELOPMENT OF DOPPLER RADAR
SYSTEMS (LADDERS). NILALAYON NITONG
PAUNLARIN ANG KAPASIDAD NG MGA
LOKALIDAD SA PAGDIDISENYO, PAGTATAYO,
PAGPAPAANDAR SA MGA SUB-SYSTEM NG
DOPPLER RADARS. GAMIT ANG DOPPLER
RADAR NAOOBSERBAHAN KAHIT SA MALAYO
ANG MGA PAGGALAW SA IBABAW NG DAGAT
TULAD NA LAMANG NG BILIS AT TINDI NG
ALON, HANGIN, AT DALOY NG TUBIG.
-LANDSLIDE SENSORS DEVELOPMENT
PROJECT. ANG PROYEKTONG ITO AY
ISANG SISTEMA PARA SA PAG-OOBSERBA
AT MAAGANG PAGBIBIGAY- BABALA SA
POSIBLENG PAGGUHO NG LUPA /
LANDSLIDE, SLOPE FAILURE, AT DEBRIS
FLOW. ISA ITONG PROYEKTONG ABOT-
KAYA, BINUO SA LOCAL NA NIBEL, AT
GUMAGAMIT NG MGA MAKINANG MAY
SENSOR.
WEATHER HAZARD INFORMATION
PROJECT (WHIP). KASAMA SA TUNGKULIN
NG WHIP ANG PAGGAMIT NG SAMOT-
SARING MIDYA TULAD NG TELEBISYON
(DOSTV) AT WEB PORTAL UPANG
MAGLABAS NG REAL-TIME O SABAY SA
KASALUKUYANG DATOS MULA SA MGA
SATELLITE, DOPPLER RADAR, ARG, AT
WLMS.
PUBLIC STORM WARNING SIGNAL
NO. 1
-INAASAHAN ANG HANGING MAY
BILIS NA 30 KPH HANGGANG
60 KPH
-INAASAHAN ANG PAGBUGSO-
BUGSONG ULAN SA LOOB NG 36
ORAS.
PUBLIC STORM WARNING
SIGNAL NO. 2
- INAASAHAN ANG HANGING
MAY BILIS NA 60KPH
HANGGANG 100 SA LOOB NG
24 ORAS.
PUBLIC STORM WARNING
SIGNAL NO. 3
- INAASAHAN ANG HANGING
MAY BILIS NA 100 KPH
HANGGANG 185 KPH SA LOOB
NG 18 0RAS
PUBLIC STORM WARNING
SIGNAL NO. 4
- INAASAHAN ANG
HANGING MAY BILIS NA 185
KPH O MAHIGIT PA SA
LOOB NG 12 0RAS
SUPER TYPHOON
- ISANG UBOD NG LAKAS NA
BAGYO ANG DARATING SA LUGAR
- INAASAHAN ANG HANGING MAY
BILIS NA 220 KPH O MAHIGIT PA SA
LOOB NG 12 ORAS
MGA FLOOD ALERTS:
YELLOW RAINFALL ADVISORY ANG ITINATAAS
KUNG INAASAHANG BUBUHOS ANG 7.5 MM
HANGGANG 15 MM NG ULAN SA SUSUNOD NA
ISANG ORAS, AT INAASAHAN NA
MAGPAPATULOY ITO. ANG PAMAYANANG
BINIGYAN NG YELLOW RAINFALL ADVISORY,
AY PINAPAYUHAN MAGING ALERTO SA
KUNDISYON NG ULAN, AT BINIBIGYANG-
BABALA NA MAAARING BUMAHA SA MGA
MABABANG LUGAR.
MGA FLOOD ALERTS:
ORANGE RAINFALL ADVISORY NAMAN ANG
ITINATAAS SA MGA LUGAR NA
INAASAHANG MAKAKARANAS NG 15 MM
HANGGANG 30 MM NA BUHOS NG ULAN
SA SUSUNOD NA ISANG ORAS.
NAGBABADYA NA ANG BAHA SA MGA
PAMAYANANG ITO.
MGA FLOOD ALERTS:
RED RAINFALL ADVISORY NAMAN ANG
ITINATAAS KUNG MAITUTURING NANG
EMERGENCY ANG PAGBUHOS NG ULAN.
NANGYAYARI ITO KUNG MAHIGIT 30 MM ANG
ULAN SA SUSUNOD NA ISANG ORAS, O KUNG
TATLONG ORAS NANG MALAKAS ANG ULAN AT
UMABOT NA SA 65 MM. MAPANGANIB NA ANG
BAHA AT DAPAT NANG MAGHANDANG
LUMIKAS SA RESIDENTE TUNGO SA MAS
LIGTAS NA LUGAR.

You might also like