You are on page 1of 28

Araling Panlipunan:

Modyul 6
Paksa: Nakakalahok sa mga proyekto o
mungkahi na nagpapaunlad o nagsusulong
ng natatanging pagkakakilanlan o
identidad ng komunidad
Ang pag-aaral ng Araling Panlipunan ay
makatutulong sa iyo upang maintindihan
mo ang mga ideya at mga konsepto ng
nangyayari sa iyong paligid. Pero bago
mo matutunan ang lahat ng iyon,
nararapat munang matutunan mo ang
mga pangunahing aralin.
Suriin
Tignan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang
ginagawa ng mga tao? Isulat sa patlang ang
sagot.
Suriin

Tignan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang


ginagawa ng mga tao? Isulat sa patlang ang
sagot.
Subukin
Balikan ang naunang gawain, ginagawa rin ba ito sa
inyong komunidad? Ilista ang mga gawain sa iyong
komunidad ang nasalihan mo na o gusto mong salihan.
TUKLASIN

Bilang miyembro ng komunidad, dapat sumasali sa


mga proyekong inilulunsad ng local na pamahalaan
upang mapanatiling maayos ang komunidad. Pwedeng
proyekto ito ng barangay, paaralan o ng health
centers. Maaaring tungkol ito sa pagpapalinis,
pagpapaganda ng kapaligiran o hindi kaya’y para sa
kalusugan ng mga mamamayan.
Pagyamanin
Isulat ang  sa patlang kung nagpapakita ito ng
magandang pag-uugali sa paglahok sa mga
proyekto ng komunidad at  naman kung hindi.

________ 1. Masayang nakikilahok sa clean and


green project ng komunidad.

________ 2. Paninira ng kagamitan ng mga taong


nagpipinta ng bakod ng komunidad upang
mapaganda ito.

________ 3. Pagdadala ng pagkain sa mga


naglilinis ng estero sa inyong komunidad.

________ 4. Pagtatanim ng mga halaman sa


kapaligiran.
Isagawa
May mga proyekto ba kayo sa iyong
paaralan? Tanungin ang guro tungkol dito
at ilista ang mga ito sa kahong nasa
ibaba.
Linangin
Base sa naunang gawain, pumili ng isang
proyektong pampaaralan na gusto mong
salihan at iguhit ito sa ibaba. Isulat sa
ilalalim ng iginuhit na larawan ang dahilan
kung bakit ito ang napili mong proyekto.
Karagdagang Gawain
May mga proyekto ba kayo sa iyong komunidad?
Anong proyekto ang iyong gusting salihan? Iguhit
ito sa ibaba at isulat sa ilalim ng larawan ang
iyong dahilan kung bakit iyon ang napili mong
proyekto.
Isaisip
Kung ikaw ang magiging kapitan ng inyong
barangay, anong proyekto ang ilulunsan mo?
Iguhit ito sa ibaba, isulat ang pangalan ng
proyekto at ilagay din kung anong klaseng
proyekto ito.
Tayahin
Ano ang mga natutunan mo ngayong araw? Isulat
ito sa kahong nasa ibaba.
Susi sa Pagwawasto
Suriin
1. naglilinis ng ilog
2. naglilinis ng kapaligiran
3. nagtatanim ng puno
4. nagdo-donate ng dugo
5. nagpipinta ng bakod
Susi sa Pagwawasto
Subukin
(magbibigay ng proyektong pangkomunidad
na gusting salihan)
Susi sa Pagwawasto
Pagyamanin
1. 
2. 
3. 
4. 
5. 
Susi sa Pagwawasto
Isagawa
(ililista ang mga proyekto sa paaralan)
Susi sa Pagwawasto
Karagdagang Gawain – Isaisip
(guguhit ang mga bata)
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
(ililista ang mga natutunan sa araw na ito)

You might also like