You are on page 1of 40

Ikalawang Markahan

Ika-4 na Linggo
Nobyembre 29, 2023
 Ikinagagalak ko pong
iulat na walang lumiban
sa klase ngayong araw.
 Ikinalulungkot ko pong
iulat na ____(bilang)_____
sa aking kamag-aral ang
lumiban ngayong araw.
Pagpapasa ng Takdang-Aralin
Panuto:
Gumupit o gumuhit tig-isang (1) larawan
ng hayop na herbivorous (kumain ng
halaman), carnivorous (kumakain ng
karne o kapwa hayop) at omnivorous
(kumakain ng halaman at karne). Gawin
ito sa short bondpaper.
Balik-Aral
Panuto: Itaas ang H kung ang ipinakitang larawan ng hayop ay
herbivores, C kung ito naman ay carnivores at O kung omnivores.

1. 2. 3.
H
C H
4. 5.
O C
Ang paaralan ng
Cataning Integrated School sa
pangunguna ng kanilang
punung-guro na si Ma’am
Lisa G. Austria at mga guro
sa Ikatlong Baitang katuwang
ang mga magulang ay
naglunsad ng proyekto na
tinawag nilang “Farm to
Table Gardening”.
Ang proyekto ay
naglalayong magtanim ng mga
halamang gulay, umani mula rito at
ipakain sa mga mag-aaral na
nakakaranas ng malnutrisiyon at
hindi nakakain ng sapat. Sa
paglaon ng panahon, namulaklak at
namunga na ang kanilang itinanim
na sili, kalabasa, petsay, talong,
sitaw, ampalaya, okra, papaya,
labanos, kamote at kangkong.
Namitas ng dahon ng sili
at bunga ng papaya si Ma’am
Jirah upang magluto ng tinola.
Namitas naman ng talbos o
tangkay ng kangkong, labanos
na isang ugat na gulay, bunga
ng okra at dahon ng petsay si
Ma’am Alice upang magluto
ng sinigang.
Naisipan naman magluto
ni Ma’am Marlyn ng diningding
kaya namitas siya ng bulaklak at
bunga ng kalabasa, talbos o
sanga ng kamote, bunga ng
sitaw at okra. Pagkatapos
makapagluto ay masayang
nagsalo-salo ang mga mag-aaral
ng Ikatlong Baitang sa
inihandang pagkain ng mga guro
Pagganyak
Mga Tanong:
1. Ano ang proyektong inilunsad ng Cataning Integrated
School?
2. Sinu-sino ang mga kasama sa proyekto na Farm to Table
Gardening?
3. Anu-ano ang mga gulay na pinitas ni Ma’am Jirah para sa
pagluluto ng tinola?
4. Anu-ano naman ang mga gulay na pinitas ni Ma’am Alice
sa pagluluto ng sinigang?
5. Anu-ano ang mga gulay na pinitas ni Ma’am Marlyn sa
pagluluto ng diningding?
Paglalahad ng Paksa

Ano sa palagay ninyo


ang ating aralin sa araw
na ito?
Layunin:
1. Natutukoy ang mga bahagi ng
halaman.
2. Nailalarawan ang mga bahagi ng
halaman at gamit nito.
3. Naisasagawa ang wastong
pangangalaga ng mga halaman.
Ugat Ang ugat ang
umaangkla o
kumakapit sa lupa. Ito
rin ang sumusipsip ng
tubig at sustansiya
mula sa lupa para sa
paglaki at paglusog
Ang tangkay po ang
nagdadala ng tubig
Tangkay
at sustansiya mula
sa ugat papunta sa
mga dahon. Ito din
po ang sumusuporta
sa mga dahon at
nagpapatindig sa
Tangkay
Ang dahon ang bahaging
Dahon humihinga sa halaman.
Nagagawa ito dahil mayroong
maliliit na butas kung saan
nakakapasok at nakakalabas
ang tubig at hangin. Sa
bahaging ito din nagaganap
ang proseso na tinatawag na
photosynthesis o ang
paggawa ng pagkain ng
Dahon
Ang bulaklak ang Bulakla
reproduktibong bahagi
ng halaman. Ito ay k
kadalasan nagiging
bunga na nagbibigay
kalaunan ng binhi o
buto. Kadalasan din,
ito ay mabango at
Bunga Ang bunga ang
pinagkukuhanan ng
buto o binhi upang
magkaroon pa muli
ng panibagong
halaman at magamit
sa pagpaparami nito.
Paglalahat:
Panuto: Salungguhitan ang tamang salita na
nakapaloob sa bawat saknong.
Ang puno ay may iba’t ibang bahagi. Ang ugat
nito ay siyang sumisipsip ng (tubig , damit) na
galing sa lupa. Ang dahon nito ay gumagawa ng
(bahay , pagkain) para sa buong halaman.
Samantalang ang matitikas na tangkay nito ang
nagdadala ng tubig at mineral mula sa mga ugat
hanggang sa iba’t ibang bahagi ng (bunga ,
halaman). Mahalaga ang bulaklak at bunga ng
halaman sapagkat ito ay nagbibigay ng
(pagkain , sakit) at sariwang hangin sa mga bata.
Pagpapahalaga

Sagutin ang mga tanong.


Mahalaga ba ang halaman sa
ating pang araw-araw na
pamumuhay? Bakit?
Pangkatang Gawain

Anu- anu ang dapat isagawa sa


pagpapangkatang gawain?
Pangkatang Gawain
Rubriks
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Gumawa ng isang tula tungkol sa iba’t-ibang bahagi ng halaman. Isulat ito sa
manila paper at sabay sabay bigkasin ng grupo.

Ikalawang Pangkat
Gumuhit ng larawan ng halaman at lagyan ng label ang bawat bahagi nito.

Ikatlong Pangkat
Magsagawa ng isang pantomime na nagpapakita ng pangangalaga sa sa mga
halaman.

Ika-apat na Pangkat
Gumawa ng slogan na nagpapakita ng pangangalaga sa mga halaman. Isulat sa
manila paper at sabay sabay itong bigkasin ng grupo.
TIMER
Paglalapat
Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa patlang pagkatapos ng
bilang kung tama ang inilalarawang bahagi ng halaman at isulat
ang MALI kung ito ay naglalarawan ng maling konsepto.

_____1. Ang bulaklak ay bahagi ng halaman na makikita sa


ilalim ng lupa.
_____2. Ang mga dahon ay gumagamit ng liwanag, hangin, at
tubig upang gumawa ng pagkain para sa buong halaman.
_____3. Ang bunga ay may mga binhi sa loob na nagpaparami sa
halaman.
_____4. Ang mga sanga o tangkay ay bahagi ng halaman kung
saan lumalago ang dahon at bunga.
_____5. Ang mga ugat ay bahagi ng halaman na sumisipsip ng
tubig at mineral sa lupa papunta sa iba’t ibang bahagi ng
halaman.
Sagot:

1.MALI
2.TAMA
3.TAMA
4.TAMA
5.TAMA
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang
letra ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng halaman?


A. bulaklak B. bunga C. mata D. sanga

2. Ito ang pinakamagandang bahagi ng halaman na


gumagawa ng pollen upang maging bunga, ano ito?
A. bulaklak B. bunga C. mata D. sanga

3. Alin sa sumusunod ang tungkulin ng dahon ng halaman?


A. Ito ang nagpaparami sa halaman.
B. Ito ang gumagawa ng pagkain ng halaman.
C. Ito ang nagsisipsip ng tubig at mineral mula sa lupa.
D. Ito ang pinakamagandang bahagi ng halaman.
Pagtataya
4. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng maraming halaman sa ating
kapaligiran?
I. Mahalaga ang pagtatanim ng halaman sapagkat ito ay
nagbibigayng sariwang hangin at masustansiyang pagkain.
II. Mahalaga ang pagtatanim ng halaman upang putulin.
III. Ang pagtatanim ay walang naibibigay na maganda sa ating buhay.
IV. Mahalaga ang pagtatanim sapagkat ito ay nagpapaganda ng
tanawin.
A. I at II B. I at IV C. II at IV D. III at IV

5. Ano ang maaari mong gawin upang mapangalagaan ang mga halaman?
A. Hayaan na lang na tumubo ang halaman.
B. Didiligan ko at aalagaan ang mga pananim sa aming bakuran.
C. Pipitasin ko ang magagandang bulaklak sa aming bakuran.
D. Bubunutin ko ang mga bagong tubong halaman.
Sagot:

1.C
2.A
3.B
4.B
5.B
Takdang-Aralin:

Gumuhit ng isang halaman na


may kumpletong bahagi nito sa
isang bond paper. Kulayan ito.

You might also like