You are on page 1of 22

FILIPINO 6

WEEK 4 DAY 4
LAYUNIN:
LAYUNIN:

Nasasabi ang paksa/mahahala-


gang pangyayari sa binasang/
napakinggang sanaysay at
Teksto. F6RC-IIb-10
Halimbawa:
Ang paksa/pangunahing diwa nito ay
ang pagpapatupad ng curfew. Ito ay
nasa gitna ng mga detalye.
Sa papaanong paraan
pinapakita mo ang
pagpapahalaga nito?
Mahahalagang pangyayari o detalye:
• Isang ordinansa ang ipinaiiral ngayon sa kanilang
lungsod.
• Malinaw ang ordinansang ito na ipinatutupad para
sa mga kabataang may 17 taong gulang pababa at
mga matatandang may 60 taong gulang pataas sa
buong lungsod.
• Magsisimula itong ika-8 ng gabi hanggang ika-4 ng
umaga.
• Aarestuhin at parurusahan ang mga lalabag dito.
Basahin at unawain ang bawat talata. Sabihin
kung ano ang paksa ng mga ito sa pamamagi-
tan ng pagpili ng titik nang tamang sagot.
Isulat ito sa sagutang papel o notbuk.
a. Iba’t ibang anyong-tubig
b. Kahalagahan ng katubigan
c. Pinagkukunan ng enerhiya at kuryente
d. Mga tulong na naidulot ng mga anyong-tubig
2. Kahit na maituturing na isang maliit na bansa
ang Pilipinas,sagana ito sa mga likas na kayamanan. Sa
kabundukan at kagubatan, pinagkukunan ito ng mga
kahoy at troso. Ang kapatagan naman ay ginagamit sa
pagsasaka. Ito ay pinagtamnan ng iba’t ibang halaman.
May maraming likas na yaman naman ang dagat.

a. Sagana sa yamang dagat ang bansa.


b. Ginagamit sa pagsasaka ang kapatagan.
c. Pinagkukunan ng mga troso ang kagubatan.
d. Pagiging sagana sa mga likas na yaman ng bansa.
3. Ang Chocolate Hills sa Bohol ay isang napakagandang tanawing
handog ng Diyos sa mga Pilipino. Kung tag-ulan makikita ang berdeng
kulay nito. Sa tag-init naman ay lumalabas ang kulay-tsokolate nito
dahil sa init ng panahon. Kung pagmasdan mula sa malayo ay para
itong tumpok na tsokolate kaya lang hindi ito maaaring kainin.

a. Ang Chocolate Hills sa Bohol.


b. Ang maberdeng kulay ng burol kung tag-ulan.
c. Ang pagkakulay-tsokolate ng burol kung tag-init.
d. Ang tumpok ng tsokolate kapag pagmasadan ng malalayo.
Sabihin ang paksa at mahahalagang pangyayari sa napaking-
gang talata. Isulat ang sagot sasagutang papel o notbuk.

Isa sa ipinagmamalaki ngayon ng lalawigan ng Misamis Occidental


ay ang tanyag na House of Suman. Ito ay matatagpuan sa bayan ng
Clarin. Nagsisilbi itong atraksyon sa nasabing bayan. Makaka-
ingganyo ito hindi lamang sa mga tao sa bayan ng Clarin kundi pati
na rin sa mga karatig bayan, lungsod, at lalawigan. Marami ring
mga turista ang dumarayo at bumibili ng iba’t ibang uri ng suman
dito. Maraming klase ng suman ang matitikman tulad ng suman
langka, ube, mangga, buko, durian, peanut, pineapple, tablea,
choco-moron at iba pa.
1. Paksa: ________________________________________

Mahahalagang Pangyayari:
2. Ito ay matatagpuan sa bayan ng Clarin. Nagsisilbi itong
atraksyon sa nasabing bayan.
2.
Dapat ba nating
malaman kung ano ang
paksa ng ating
binabasa?Bakit?
PANUTO: Isulat ang Tama o Mali kung ang may salung-
guhit ay tumutukoy sa paksa ng talata.
_____ 1. Maraming mag-aaral mula sa pribadong
paaaralan ang lumipat sa pampublikong paaralan
dahil marami sa kanilang magulang ay nawalan ng
hanapbuhay dahil sa pandemya. Ayaw nilang
pahintu-in ang kanilang mga anak dahil naniniwala
sila na
makakaapekto ito sa pag-unlad nang pagkatuto ng
kanilang mga anak. Tunay na mahalaga ang
edukasyon.
_____ 2. Sinunod ng mga tao ang safety measures
protocol. Marami ang nakasuot ng face mask at
maging ang face shield ay kailangan na rin.
Natatakot silang mahawahan ng kumakalat na
virus. Iniiwasan na rin lumabas ng bahay kung
hindi naman mahalaga.
____ 3. Marami ang patuloy na nanalangin
na matigil na ang pandemya. Ang mga tao
ay nagkaroon ng malalim na paniniwala sa
Diyos. Sila ay nagsisimba sa pamamagitan
ng on-line mass sa media. Ang mga
pamilya ay sama-samang ring nananalangin
sa kanilang mga tahanan.
_____ 4. Maraming pamilya ang umuwi sa
probinsiya mula ng kumalat ang virus.
Natatakot sila sa virus na kumakalat sa
Metro Manila. Marami na ring kaso ng
may COVID-19 dito. Naniniwala sila na
ligtas silang mamuhay sa probinsiya kaysa
sa lalawigan.
_____ 5. Naglalaro na lamang ang mga bata sa
loob ng bahay o kaya sa bakuran. Hindi sila
pinapayagang lumabas o gumala sa labas na
kasama ang mga kalaro. Masunurin ang mga
bata sa kanilang magulang. Natatakot ang
kanilang mga magulang na maaari rin dapuan
ng virus ang kanilang mga anak.
Maraming
Salamat !

You might also like