You are on page 1of 21

YUNIT IV : MGA

PINSALA,
KAHANDAAN AT
PANGUNANG
Ang paunang tulong-panlunas (first aid) ay
ang pagbibigay ng pangunahing
magagawang tulong, kalinga, at
pangangalaga sa mga taong napinsala ng
sakuna o karamdaman. Isinasagawa ito ng
isang taong pangkaraniwan hanggang sa
panahong maaari nang ibigay ang mas
dalubhasang tulong pang-sagip buhay ng
mga manggagamot.
Pagtataguyod sa
paggaling (Promote recovery
Pag-iingat ng
sarili, Protektahan ang sarili,
o Pagpapananggalang ng

sarili (Protect yourself),
)
A. Balik-aral

Alin sa mga gateway drugs ang may mabuting


epekto sa katawan ng tao?

Paano mo nasabing ito ay nakakatulong?


First aid kit
sakuna
pasyente
Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?
Paano ito makatutulong sa isang tao?
Panayam ni Jerome sa isang aktibong Miyembro ng
Red Cross.
Jerome: Magandang umaga po, Sir Jason.
Ginoong Jason Sanchez: Magandang umaga naman sa iyo,
Jerome: Bakit po kayo tumutulong sa lahat ng sakuna
o pinsala na nagyayari sa ating mga kababayan?
Ginoong Jason Sanchez : Tumutulong ako sa ating mga kababayan
upang mapanatili ang kanilang buhay, mabawasan ang kirot na kanilang
nararamdaman at maiwasan ang paglala ng kapinsalaan o karamdaman.
Jerome: Maari po bang sumali sa inyong organisasyon
upang makatulong din po ako sa ating mga kababayan?
Ginoong Jason Sanchez: Kagaya mo ang kailangan naming,
may puso at bukas palad sa pagtulong sa kapwa. Ikinagagalak
kong makasama ka naming.
Jerome: Maraming salamat po.
Ginoong Jason Sanchez: Walang anuman.
Bakit tumutulong si Ginoong Sanchez sa mga
biktima ng sakuna at pinsala?
Paano maiiwasan ang dagdag na pinsala o
karamdaman ng isang tao?
Anu ano ang mga katangiang dapat taglayin
ng taong tumutulong sa kanyang
kapwa?
Tulularan mo ba si Jerome? Bakit?
Narito ang 4 pangunahing mga layunin ng
paunang tulong-panlunas, na mas kilala bilang 4
P (apat P) ang mga sumusunod:
1. Pagpapanatili ng buhay ( Preserve life )
2. Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o
pag iwas sa paglala ng kapinsalaan o karamdaman ( Prevent
further injury or illness )
3. Pagtataguyod ng paggaling ( Promote recovery )
4. Pag-iingat ng sarili, Protektahan ang sarili,
o o Pagpapananggalang ng sarili ( Protect yourself )
Bakit kailangang magbigay ng paunang
lunas sa taong napinsala?

Ano ang panganib na maaaring mangyari


sa taong hindi nabigyan ng aragang
First Aid?
Pagtataguyod sa madaliang paggaling.

Papaano bibigyan ng paunang lunas ang


malalim na hiwa o sugat?
Nadapa ka at nagasgas ang tuhod mo?
Kung sakaling nahulog ka at nabaliang ng
buto.
Nakakaranas ng pagkahilo.
Pangkatang Gawain
Pangkat I- Buuin ang mga letra upang makabuo ng mga salita.
Pangkat II- Itala ang mga layunin ng pangunang lunas.
Pangkat III- Pagsasadula

Pangkat IV- Maghanap ng batang maysugat, galos o galis. Gamitin


ang natutunang paraan ng pagbibigay ng madaliang paggaling.
Ano ang paunang tulong-panlunas o pangunahing lunas?
Ang paunang tulong-panlunas o pangunahing lunas
( first aid) ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang
tulong, kalinga at pangangalaga sa mga taong nasaktan ng
sakuna o karamdaman.
Mga layunin ng pangunang lunas:
1. Mapatagal o mapanatili ang buhay ng tao
2. Mabawasan o maibsan ang kirot na nararamdaman
3. Maiwasan ang paglala ng pinsala o karamdaman
4. Maingat ang sarili
Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung
hindi wasto.
_____ 1. Ang pangunang lunas ay napakahalaga sapagkat
nakpagpapanatili o nakapagpapatagal ito ng buhay ng isang tao.
_____ 2. Naiiwasan ng pangunang lunas ang paglala ng mga pinsalang
natamo o naramdaman.
_____ 3. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadagdagan ang
kirot o sakit na nararamdaman ng taong napinsala.
_____ 4. Ang pangunang lunas ay hindi nakapapapatagal ng buhay ng
isang tao.
_____ 5. Ang mga taong magbibigay ng pangunang lunas ay may sapat na
kaalaman at kasanayan.
TAKDANG ARALIN
Makipanayam sa mga Health Worker
sa Sentrong Pangkalusugan ng barangay
tungkol sa pagbibigay ng pangunang lunas
sa mga sanggol at matatanda na biglang
nagkasakit o napinsala.

You might also like