You are on page 1of 10

Mga Bagong Kaharian at

Imperyo sa Kanlurang Asya

Ang agrikultural na pamumuhay ay nakatulong sa


paglago ng mga sinaunang kabihasnan, bagaman
naging limitado ang kanilang sakop na mga lugar.
Pagdating ng 1500BCE hanggang 600BCE ay lumawak
ang kabihasnang Asya paglabas ng sinaunang sentro ng
kapangyarihan.Sa Kanlurang Asya, ang paglaway ay
nagsimula sa Mesopotamia patungo sa rehiyon na
tinawag na Levant.
Ang Levant ay ang bahagi ng Kanlurang Asyang binubuo
ng mga bansang Syria, Lebanon, Israel, Jordan, at
Palestina. Bago ang pagsibol ng maliliit na kaharian sa
Levant ay may namayaning tatlong imperyo na nagtunggali
para sa kapangyarihan sa kabuuang Kanlurang Asya. Ito ay
imperyo ng Hittite sa Anatolia, Babylonia ng Mesopotamia,
at Ehipto. Ngunit noong 1500BCE ay nagsimulang dumayo
ang isang grupo ng tao mula sa Hilagang Asya na tinawag na
mga Indo-Europeo. Sila ang mga grupo ng mga tao na
gumamit ng iisang sinaunang wika.
Hittite
Sila ang unang grupo ng mga tao na gumamit ng wikang
Indo- Europeo na nanirahan sa Anatolia noong 2000BCE. Isa sa
mahahalagang ambag ng mga taga-Mesopotamia na
pinakinabangan ng Hittite ay ang paggamit ng gulong na
ginawa nilang kalesa upang mapadali ang pakikipagkalakalan.
Ang mga Hittite ang nakadiskubre ng paggamit ng bakal sa
paggawa ng higit na matitibay na sandata. Ang lipunan Hittite
ay may anyong patriyarkal. Subalit hindi nagtagal ang
kapangyarihan ng mga Hittite dahil noong 1500BCE ay
nagsimula ang pagdating ng mga Kassite at Aryan na
nagresulta sa pagbagsak ng mga Hittite.
Phoenician
Ang Phoenician ay isa sa maliliit na kaharian na sumibol
mula sa pagbagsak ng mga sinaunang kabihasnan sa
Kanlurang Asya. Binubuo ang kanilang kaharian ng
magkakaibang siyudad tulad ng Sidon, Tyre, at Byblos.
Mainam ang lokasyon ng mga siyudad ng Phoenician dahil ang
mga ito ay malapit sa dalampasigan. Isa sa kanilang tanyag
na produkto na ikinakalakal ay ang lilang tina. Tinuturing na
pinakamahalagang ambag ng kaharian sa sangkatauhan ang
alpabetong Phoenician dahil ito ang naging basihan ng
alpabeto at hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit parin ito.
Hebreo
Ang mga Hebreo ay gumamit ng wikang Semitiko. Malaki
ang naging ambag ng Hebreo sa larangan ng relihiyon sapagkat
sa kanila nagmula ang Bibliya. Matutunghayan ang kasaysayan
ng mga Hebreo sa Lumang Tipan ng Bibliya. Nagsimula ang
kanilang kaharian kay Abraham at ang lahi na nagmula sa
kanya ay tinawag na taong pinili ng Diyos. Dahil sa kalupitan
ng mga Ehipto inatasan ng Diyos si Moises na bumalik sa
Canaan at ito ay tinawag ng Exodus. Ang unang hari ng mga
Hebreo ay si Saul at humalili sa kanya si David na kinalala
bilang pinakadakilang hari ng mga Hebreo. Si haring Solomon
na anak ni David ang nagpatatag ng kaharian.
Assyrian
Ang kaharian ng Assyria ang pumalit sa imperyo ng
Babylonian at Hittite. Dahil sa husay nila sa pakikidigma ay
nagawa ng mga Assyrian na sakupin ang mga teritoryo
magmula sa Ehipto hanggang Golpong Persian. Kilala ang mga
Assyrian dahil sa lakas ng kanilang hukbong sandatahan at
bihasa rin sila sa digmaang sikolohikal at siege warfare. Dahil
sa mainam na lokasyon ng Assyria sa Asya ay naging sentro ito
ng pandaigdigang kalakalan. Ilan sa mga produkto na
iniluluwas ng mga Assyrian ay troso, alak, at mahahalagang
bakal at bato. Dahil sa lawak ng sakop ng imperyong Assyrian
ay madalas itong makaranas ng mga paghihimagsik ng mga
nasasakupan.
Chaldean
Labintatlong taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal
ay sinalakay ng mga Babylonian ang Nineveh, ang kabisera ng
Assyria, sa tulong ng mga Median. Ang Median ay grupo ng
mga tao na naninirahan sa kabundukan ng Zagros. Matagal
nang may hidwaan ang mga Assyrian at mga Median dahil sa
pagtatangka ng Assyrian na sakupin ang teritoryo ng Median.
Kung kaya kumampi at tinulungan ng mga Median ang mga
Babylonian na magapi ang mga Assyrian. Pinangunahan ni
Nabopolassar ng Babylonia ang pagsalakay at pagsakop sa
Assyria. Matagumpay nilang napabagsak ang mga Assyrian at
nagsimula ang mga Babylonian ng bagong imperyo. Kinilala ito
bilang imperyo ng Bagong Babylonia o imperyong Chaldean.
Persyano
Ang mga Persyano ay bahagi ng pangkat-lingguwistikong
Indo-Europeo na naglakbay patungong Kanlurang Asya. Sila ay
nanirahan sa timog-kanlurang ng Iran at kalaunan ay nasakop
ng mga Median. Bilang mga nomadiko, nagsimula ang kanilang
pamayanan bilang mga tribu na binubuo ng iba’t ibang
angkan. Ang bawat tribu ay may kanya-kanyang pinuno
hanggang sa ang mga ito ay napagkaisa sa ilalim ng
pamumuno ni Cyrus noong 559BCE. Ang paghahari ni Cyrus ang
simula ng pag-iral ng kanyang dinastiya na kinilala bilang
Achaemenid. Nakilala ang mga Persyano dahil sa relihiyong
nila na tinatawag ng Zoroastrianismo.
Parthian
Sa pamumuno ni Alexander ay nasakop ng mga Griyego ang
maraming kaharian sa Kanlurang Asya. Subalit may ilang maliliit
na pamayanan ang hindi ganap na napasailalim sa kanyang
kapangyarihan. Isa na rito ang nomadikong grupo na mga
Parthian. Nanirahan ang mga Parthian sa hilagang-silangang
bahagi ng Iran at simula noong 250 hanggang 248BCE ay patuloy
na nilabanan ang pananakop ng mga Griyego. Kalaunan ay
matagumpay na nagapi ng mga Parthian ang mga Griyego. Sa
ilalim ng pamumuno nina haring Mithridates I at Mithridates II
ay nasakop ng mga Parthian ang kalahati ng dating kaharian ng
mga Persyano. Hindi nagtagal ay humina at bumagsak ang
imperyong Parthian noong 224CE.
Sasanid
Maraming angkan ang nasa ilalim ng kapangyarihan ng
mga Parthian. Nang humina ang kanilang pamamahala may
ilan sa mga ito ang tumiwalag upang makapagsaeili, kabilang
dito ang mga Sasani. Sa pangunguna ni Ardashir noong 224CE
ay matagumpay na nakapagtatag ang mga Sasanid ng isang
dinastiya na pumalit sa Parthian. Umusbong ang imperyo ng
Sasanid sa yugto ng kasaysayan kung kailan unti-unti nang
humihina ang imperyong Romano. Kung kaya mas naging
Madali para sa mga Sasanid ang pagpapalawak ng kanilang
teritoryo sa Kanlurang Asya.

You might also like