You are on page 1of 13

Araling Panlipunan 7

Ang Imperyong Islam sa


Kanlurang Asya

by:Eugene James Maupoy


Isa sa mga pinakamahalagang kaharian na umusbong sa Kanlurang
Asya ay ang kaharian ng mga Arabe. Nagsimula ang mga Arabe
bilang isang nomadikong grupo na nanirahan sa Tangway ng Arabia.
Ang malaking bahagi ng Tangway ng Arabia ay desyerto kung kaya
madalas ang labanan sa pagitan ng magkakaibang tribu dahil sa
kakulangan ng mapagkukunan ng tubig at lupang mapagpapastulan
ng mga hayop. Ang iba`t ibang tribu na ito ay tinatawag na qabilah.

Page 2
Ang isang qabilah ay binubuo ng isang angkan na magkakapamilya at
pinamumunuan ng isang sheikh.
Pinipili ang sheikh ng isang konseho ng mga nakakatanda na
tinatawag na majlis.
Ito ang naging kaayusang panlipunan ng mga arabe sa Tangwan ng
Arabia.

Page 3
Ang Pag-usbong ng Islam

Ipinanganak si Muhammad bandang 570 CE. Siya ay naging isang


mangangalakal at nakapag-asawa ng isang biyuda na si Khadija sa edad na
25 na taon.Pagsapit niya ng edad na 40 taon ay nag pasiya siya na huminto
sa kaniyang hanap buhay upang ilaan ang kaniyang oras sa pagninilay
tungkol sa kanyang pananampalataya.

Page 4
Noong 610 CE ay nagtungo si Muhammad sa kabundukan malapit sa Mecca
upang magnilay. Sa kalagitnaan ng kanyang pagninilay ay nagpakita sa kanya
diumano ang anghel na si Gabriel upang ihatid ang mensahe ni Allah. Si
Muhammad ay naatasang ibahagi sa ibang mga tao ang mga mensahe o
katotohanan mula kay Allah. Ang mga mensahe na ito ay naisulat sa isang libro
na tinawag na Koran o Qur'an, ang sagradong teksto ng Islam.

Page 5
Isa sa mga mahalagang kaisipan ng Islam ay umiikot sa paniniwala sa isang
diyos (monoteismo). Ayon sa mensahe na natanggap ni Muhammad ay
walang ibang panginoon na dapat sambahin kundi Allah lamang. Ito ang
pangunahing haligi ng Islam na tinatawag na Shahada. Bukod sa Shahada ay
mayroon pang apat na karagdagang haligi na ibinahagi si Muhammad.

Page 6
apat na karagdagang haligi

• Salah (Salat) o pagdarasal ng limang beses sa isamg araw


• Zakat o pagbibigay ng limos sa mahihirap at mga nangangailangan
• Sawm o pag-aayuno sa pamamagitan ng hindi pagkain at pag-inom na
karaniwang ginagawa sa panahon ng Ramadan
• Hajj-pagsasagawa ng taunang peregrinasyon (paglalakbay sa banal na
lugar) sa Mecca

Page 7
Mga Rashidun

Sa pagpanaw ni Muhammad ay nagkaroon Ng sigalot kaugnay sa pagpili Ng kaniyang


kapalit.Nsgkarron Ng dalawang paksiyon Ang mga Muslim. Ang unang paksiyon na
tinatawag na mga Sunni ay isinulong ang pagpili sa pinakabanal na Muslim bilang
pinuno. Ang ikalawang paksiyon na tinawag na mga Shi'ite ay naniniwala na ang
pinakamatandang lalaking kamag-anak ni Muhammad ang dapat na maging bagong
pinuno. Sa huli ay nanalo ang mga Sunni at naluklok si Abu Bakr bilang unang
tagapagmana ni Muhammad. Tinawag ang Muslim na humalili kay Muhammad na
kalipa (caliph) at ang teritoryo na kanyang nasasakupan bilang caliphate.

Page 8
Umayyad Caliphate

Sa pagpanaw ni All, ang huling kalipang Rashidun, ay nagkaroon ng matinding


alitan sa pagtit ng ilang mga angkan. Tumanggi ang anak ni Ali na maging pinuno
ng mga Arabe. Sinamantala ito ng kanilang katunggaling angkan, ang mga
Umayyad, upang angkinin ang pagiging pinuno ng mga Muslim. Iniluklok ng mga
Umayyad si Mu'awiya (661-680 CE) bilang pinuno. Sa ilalim ng mga Umayyad,
naging kapitolyo ng imperyo ang Damascus. Nagawa rin nila na mapagkaisa ang
mga Arabe sa Pamamagitan ng pagtatakda Ng wikang arabe biglang tanging wika
na gagamitin ng buong imperyo

Page 9
Abbasid Caliphate

Humalili ang angkan ng mga Abbasid bilang pinuno ng imperyong Arabe-


Islamiko. Sa ilalim ng mga Abbasid ay inilipat ang kapitolyo ng caliphate mula
Damascus patungo sa Baghdad. Mahalaga ang paglilipat ng kapitolyo na ito sa
Baghdad sapagkat malapit ito sa Ilog Tigris kung saan dumadaan ang mga
mangangalakal patungo sa Golpong Persian. Ang Baghdad din ay matatagpuan sa
ruta ng kalakalan patungo sa Silangang Asya o Kanluran gaya ng Europa. Dahil sa
estratehikong lokasyon Baghdad ay naging sentro ito ng kalakalan sa rehiyon.

Page 10
Abbasid Caliphate

Naging mas bukas sa mga bagong kaisipan at teknolohiya ang mga Abbasid. Sa ilalim nila ay natuklasan ng
mga Arabe ang papel mula sa Tsina.Umusbong din ang panitikang Arabe. Naisulat ang aklat na Thousand
and One Nights ni Harun al-Rashid na naglalaman ng ilan sa mga kilalang katutubong kuwento ng mga
Arabe.Ang pamumuno ng mga Abbasid ay kinikilala bilang ginintuang panahon ng Islam sa Kanlurang
Asya. Ngunit mayroon pa ring mga paksiyon na patuloy na nag-alsa at hindi tumanggap sa kanilang
pamumuno. Mula sa pagiging isang maliit na paksiyon ay lumakas ang kapangyarihan ng mga Shi'ite
Muslim sa panahon na ito at kanilang sinalakay ang mga siyudad ng Baghdad at Mecca. Ang Ehipto naman
ay sinakop ng isa pang grupo ng mga Muslim, ang mga Fatimid. Ang mga Fatimid ay mga tagasunod ng
anak ni Muhammad na si Fatima. Mula sa Ehipto ay kumilos ang mga ito papuntang silangan, patungo sa iba
pang mga teritoryo na sakop ng Abbasid caliphate.

Page 11
Abbasid Caliphate

Humalili ang angkan ng mga Abbasid bilang pinuno ng imperyong Arabe-Islamiko.


Sa ilalim ng mga Abbasid ay inilipat ang kapitolyo ng caliphate mula Damascus
patungo sa Baghdad. Mahalaga ang paglilipat ng kapitolyo na ito sa Baghdad
sapagkat malapit ito sa Ilog Tigris kung saan dumadaan ang mga mangangalakal
patungo sa Golpong Persian. Ang Baghdad din ay matatagpuan sa ruta ng kalakalan
patungo sa Silangang Asya o Kanluran gaya ng Europa. Dahil sa estratehikong
lokasyon Baghdad ay naging sentro ito ng kalakalan sa rehiyon.

Page 12
Ang pagkakawatak-watak ng isang pamayanan ay nagiging
hadlang sa pagyabong ng isang malakas na kaharian. Isang
paraan upang mapagbuklod ang watak-watak na mga
kaharian ay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang
pamantayan o sa pamamagitan ng pagtataguyod ng isang
adhikain katulad ng relihiyon. Sa simula ay naging mahirap
para sa mga tribung Arabe ang magkaisa dala na rin ng
kanilang paniniwalang politeista. Subalit nagbago ito nang
ipinalaganap ni Muhammad ang Islam. Dahil sa Islam ay
nagawa ni Muhammad na pag-isahin ang dating watak-watak
na mga tribung Arabe na siyang naging susi sa pag-usbong
ng mga imperyong Islamiko.

Page 13

You might also like