You are on page 1of 29

ARALIN 4: MGA NOMADIKONG

PASTORALISTANG KABIHASNAN SA
HILAGANG ASYA
Hilagang Asya
Binubuo sa kasalukuyan ng limang bansa na
pawang mga dating sakop ng Rusya:

Uzbekistan
Hilagang Asya
Binubuo sa kasalukuyan ng limang bansa na
pawang mga dating sakop ng Rusya:

Uzbekistan Turkmenistan
Hilagang Asya
Binubuo sa kasalukuyan ng limang bansa na
pawang mga dating sakop ng Rusya:

Uzbekistan Turkmenistan Kyrgyzstan


Hilagang Asya
Binubuo sa kasalukuyan ng limang bansa na
pawang mga dating sakop ng Rusya:

Uzbekistan Turkmenistan Kyrgyzstan

Tajikistan
Hilagang Asya
Binubuo sa kasalukuyan ng limang bansa na
pawang mga dating sakop ng Rusya:

Uzbekistan Turkmenistan Kyrgyzstan

Tajikistan Kazakhstan
Hilagang Asya
Ito rin ay kilala bilang ang Gitnang asya,
loobang asya, at Gitnang Eurasia

May tatlong pangunahing katangian ang Hilagang asya:


1.) Limitado ang pag-ulan sa rehiyon.
- Ibig-sabihin ay hindi madalas na-ulan sa ganitong mga rehiyon.

2.) Sagana ang rehiyon sa damo.


-Maraming damo sa rehiyon, kaya dahil dito umaasa ang mga mamamayan
ng hilagang Asya sa pagpapastol ng mga tupa, kabayo, at kambing bilang
mapagkukunan ng kanilang pangunahing pangangailangan.
Hilagang Asya
Ito rin ay kilala bilang ang Gitnang asya,
loobang asya, at Gitnang Eurasia

May tatlong pangunahing katangian ang Hilagang asya:


3.) Ang lawak ng sakop ng mga steppe o mga kapatagan na
puro damo at kakaunti lamang ang puno.
-ang mga steppe ay may habang halos 6000 kilometro mula
sa kanluran malapit sa bansang Hungary hanggang sa Silangan
sa dulo ng karagatang pasipiko.
-Nagsilbing sinaunang kalsada para sa paglalakbay ng mga tao mula sa
kanluran patungo sa silangang bahagi ng daigdig.
Hilagang Asya
Ang Hilagang Asya ay namuhay ng walang permanenteng tirahan .
Dahil madalas ang mga mamamayan ay lumilipat ng tirahan para
maghanap ng lugar na mapagkukunan ng mga damo at tubig.
Ito ay kailangan dahil ang pangunahing gawaing kabuhayan nila ay ang
Pagpapastol ng mga hayop.

Nomadikong Pastoralismo
Ang uri ng pamumuhay ng mga taga-Hilagang Asya.
Hilagang Asya

Ang nomadikong pamumuhay ay naging akma sa mga


mamamayan ng Hilagang Asya na nagpapalipat-lipat ng lugar
na sagana sa damo. Madali rin sila makakaalis o
makakatakas sa pagsalakay ng mga kaaway na grupo. ang
naging solusyon sa mga hamon ng kapaligiran at mga kaaway
para sa mga taga-hilagang asya dahil halos walang mga
kabundukan o kagubatan na maaaring magsilbing panangga
nila sa mga mananalakay.
May tatlong uri ng grupong nomadiko:
•Mga nangangaso at nagtitipon
•Mga nagpapastol
•Mga nangangalakal

Ang lipunan ng Hilagang Asya ay nahahati sa mga tribu na may


maliliit na bilang ng mga miyembro. Pinanatili nila ang maliiit na
bilang ng isang tribu upang maging mas madali ang kanilang
paglalakbay. Ang maliit na bilang ng tribu ay nakatutulong din
upang maiwasan ang labis na paggamit ng mga likas na yaman sa
kanilang kapaligiran. Kung dumami ang bilang ng mga miyembro ay
maaari magpasiyang bumukod at gumawa ng isang panibagong
tribu ang ibang miyembro.
Khaghan o Hari
Pinuno ng isang tribu.
ay madalas ang pinakamatandang lalaki sa isang tribu.

Ang mga Khaghan ay kailangan ng taglay na


ilang kahanga-hangang katangian tulad ng husay sa pakikidigma. At kailangan din
niya na mapunan ang pangangailangan ng kaniyang tribu tulad ng pagkain o
kayamanan.

Dahil ang mga mamamayan ng Hilagang asya ay mga lagalag,


maari nilang iwan ang kanilang tribu kung sa kanilang pananaw ay hindi taglay
ng khaghan ng tribu ang mga katangian ng isang mahusay na pinuno.

Ang pagiigng matagumpay ng isang khaghan sa pakikidigma


ay tanda ng basbas ng langit sa kanyang panunungkulan
Tengri
Isang diyos ng kalangitan na tinatawag ng mga Mongol.

Animismo
Ito ang kanilang paniniwala na may kapangyarihan at
espiritu ang mga halaman, hayop, at maging ang mga
bato sa kapaligiran.
Shaman
Ito ay mga taong may kakayahang makipag-usap
sa mga espiritu na nasa kapaligiran o mga yumao.
may kakayahan din sila na manggamot o maglipat ng
kanilang espiritu sa katawan ng mga hayop katulad ng ibon o
lobo. Itong paniniwala ay tinatawag na shamanismo.
Upang maging madali ang paglilipat-lipat ng tirahan ay nagsanay ang mga
nomadikong grupo sa pagsakay sa mga kabayo. Natutunan nila na ang paggamit
ng busog at palaso habang nangangabayo. Naging susi sa tagumpay ng mga
nomadikong pastoralista sa pakikidigma sa ibang mga kabihasnan ng Asya.
Kinakailangan din ng mga mamamayan ng Hilagang Asya na makipagkalakalan sa
ibang mga kabihasnan. Dahil kulang ang mga likas na yaman na matatagpuan sa
Hilagang Asya.

Ang pangunahing produkto ng Hilagang Asya ay mga kabayo na kanilang


ikinalakal kapalit ng mga tela, metal, butil, at ilan pang mahahalagang bagay na
matatagpuan sa mga permanenteng pamayanan.
2000 BCE hanggang 800 CE
Ang unang nomadikong grupo mula Hilagang Asya na sumalakay sa
mga kabihasnan sa Asya ay gumamit ng wikang Indo-Europeo. Gamit ang mga
karwaheng pandigma na hinihila ng mga kabayo at mga sandatang yari sa
bakal, nasakop nila ang Kanlurang Asya at India.

Scythian
Sumalakay sa Kanlurang Asya noong 900 BCE hanggang 200 CE.
Sila ang unang nomadikong grupo na gumamit ng mga kabayo sa pagsalaky sa
mga kabihasnan sa Kanlurang Asya.

Tinulungan ng mga Scythian ang mga Medean at Babylonian sa paglupig sa mga


Assyrian noong 612 BCE.Maging ang mga Persyano at ang imperyo ni Alexander
the Great ay nakatunggali ng mga Scythian. Kalaunan ay naging bahagi ang mga
Scythian ng ibang mas malaking nomadikong grupo na umusbong sa Hilagang
Asya, katulad ng mga Hun.
Hun
Nomadikong grupo na lumitaw sa kasalukuyang Mongolia at Manchuria.
Ginagamit ng mga Hun ang wikang Turko-Mongolian. At nakipaglaban sila
gamit ang mga karwaheng pagdigma at kasanayan sa paggamit ng busog at
palaso kagaya ng mga ibang grupo sa Hilagang Asya. Hinalinhinan nila ang
Indo-Europeo bilang pangunahing pangkat-lingguwistiko sa Hilagang Asya.

Xiongnu ( Silangang Hun )


Nomadikong Hun ay pinagbuklod ng isang khaghan na nagngangalang Mao- Tun.
Itinatag niya ang kahariang Xiongnu at kinilala siya bilang unang shan-yu o
emperador ng mga Hun. Ang Xiongnu ay lumutaw kasabay ng mga dinastiyang Qin
at Han ng Tsina.

Ang ugnayan ng Xiongnu at dinastiyang Han ay maihahalintulad sa ugnayan sa


pagitan ng panginoong maylupa at basalyo. Madalas na naharap ang dinastiyang
Han sa banta ng pagsalakay ng mga Xiongnu. Upang mapigilan ito, nagbibigay ng
tributo ang dinastiyang Han sa kahariang Xiongnu sa anyo ng mararangyang
regalo, na ipinamahagi naman ng Xiongnu sa kanyang mga nasasakupan.
sinubukan naman ng Tsina na patatagin ang mga hangganan nito sa hilaga
upang protektahan ang kaharian laban sa mga nomadikong mananalakay.
Nagpatayo ang mga dinastiyang Qin at Han ng pader na pandepensa sa hilaga
upang mapigilan ang mga pag-atake ng Xiongnu. Sinubukan din nilang
magbayad ng ibang mga nomadikong grupo upang labanan ang mga
Xiongnu.

Ang pananatili ng kapangyarihan ng dinastiyang Han ay nagkaroon ng epekto


sa pamumuno ng mga sa silangang bahagi ng Hilagang Asya.

200 CE
Humina ang dinastiyang Han at tuluyan itong bumagsak, dahil sa mga
pag-aalsa ng Yellow Turbans. Sa pagbagsak ng dinastiyang Han ay
nagsimula na rin ang paghina ng Xiongnu.

450-522 CE
Lumitaw ang bagong nomadikong grupo na Ruan-Ruan na nagpatalsik
sa Xiongnu sa kapangyarihan.
Hephthalite ( Kanlurang Hun)
Ang nagbubuklod sa mga Hun ng kanluran. Ang tribu ng Hephthalite ay
tinayagang nanggaling sa Tarim Basin sa bahagi ng hilagang-kanluran ng Tsina.

Yen-tai-i-li-t’o ( Yeptalitha )
Ang namuno sa tribu ng Hephahalite.
Ito ay ang titulong ginamit para tukuyin ang mga indibidwal na tumayang lider ng
magkakaibang tribu sa Kanlurang Hun.

Sinalakay ng mga Hephthalite ang mga kabihasnan ng Iran at India. Ang iran
ay nakipagtunggali sila sa imperyong Sassanid. Sa pamumuno ni Khosrow I ay
naipagtanggol niya ang imperyong Sassanid mula sa pananakop ng mga
Hephthalite. Kung bigo ang mga Hun sa Iran ay nagtagumpay naman sila sa
pananakop ng India. Ang pananalakay nila sa kaharian ng Gupta noong 450
CE ang naging hudyat ng pagbagsak nito.
434 CE
Umusbong ang isang bagong pinuno ng mga Hun na si Attlia na
naging responsable sa pagpapalawak ng nasasakupan ng mga
Hun.

Sa ilalim ni Attlia ay naabot ng mga Hun ang Europa at sinalakay ang


imperyong Romano. Humina lamang ang kapangyarihan ng imperyong
Hun sa pananaw ni Attlia noong 453 CE. Ang imperyo ni Attlia ay
pinaghatian ng iba’t-ibang mga tribu na naging basalyo ng imperyong
Hun.
Turko

Ang kanilang pinagmulan ang ipinapalagay na dahilan ng kanilang husay sa


pakikidigma. Nagumpisa ang mga Turko bilang isa sa mga basalyo ng nomadikong
grupo na Ruan-Ruan. Noong 552 ay nag-alsa sila laban sa mga Ruan-Ruan at
kanilang nagapi ang mga ito.

Sa palitaw ng mga turko ay umiral ang isang bagong pangkat etnoligguwistiko sa


Hilagang Asya. Ito ay dahil iba ang wika ng mga Turko sa wikang Turko-Mongolian
na ginagamit ng mga Hun. Sa ilalim ng mga Turko ay yumabong ang kultura ng
Hilagang Asya, kung saan natutong magsulat ang mga nomadikong grupo sa rehiyon.
Sa panahon na ito ay lumaganap ang Islam sa pamumuno ng mga Turkong Seljuk
(selchuqid).
Seljuk
Itinuturing pinakamahalaga na pamumuno ng tribu. Ito ay dahil sila ang unang
nomadikong grupo mula sa Hilagang Asya na nanirahan o namuhay sa mga
permanenteng pamayanan na sinimulan ng mga imperyong Islamiko, partikular na
ang mga Umaayad at Abbasid.

Nag-umpisa ang mga Seljuk bilang mga bayarang sundalo ng Abbasid caliphate
dahil sa husay nila sa pakikidigma. Ang paghina ng Abbasid ang nagbigay ng
pagkakataon sa mga Seljuk na pamunuan ang teritoryo ng caliphate. Pagdating ng
1055 ay nasakop ng mga Turkong Seljuk ang Baghdad na kabisera ng Abbasid. Sa
ilalim ng mga Seljuk ay nagpatuloy pa rin ang panunungkulan ng mga Abbasid.
Nagsilbi lamang ang mga Abbasid bilang mga kinatawan ng Islam, samantalang
ang tunay na kapangyarihan ay hawak ng mga Seljuk.
Sultan
Nangangahulugan “lakas” o “kapangyarihan”.
Ginagamit ng mga Seljuk na titulo bilang pagpapakita ng kanilang pamumuno.

Ika-26 ng Agosto 1071


Matagumpay na nagapi ng mga Turko ang Imperyong Byzantine sa labanan ng
Manzikert.

1077
Nasakop nila ang Jerusalem, na naging dahilan ng paglulunsad ng mga Europeong
Kristiyano ng mga paglalakbay sa Kanlurang Asya upang mabawi ang banal na
lupain ng Jerusalem
Dahil sa lawak ng impluwensiya ng mga Turkong Seljuk ay hindi nakapagtataka na
umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan ang kanilang pangkat-etnolingguwistiko sa
buong Hilagang Asya. Nabuwag ang sultanato ng Seljuk noong 1258 matapos
sakupin ng mga Mongol ang kanilang kabisera sa Baghdad.

Hindi maikakaila ang impluwensiya ng mga Turko sa kabuuan ng Asya. Sa


panahon na ito ay umusbong ang limang kaharian na mayroong ugnayan sa mga
Turko. Ang Sultanato ng Delhi ay isa sa mga kaharian na ititnatag noong 1206 CE
sa India. Ang hukbo at mga aristokrata ng sultanato ay mga Turko. Ang dinastiya na
pumalit sa sultanato ng Delhi noong 1526 CE ay mayroon ding dugong Turko, ang
mga Mughal.
Mamluk
Mga aliping Turko na nagtayo ng kanilang sariling dinastiya sa Ehipto noong
1250 CE.

Ottoman
Lumitaw noong 1290 CE sa pamumuno ni Osman.

Inagaw ng mga Ottoman ang Constantinople mula sa imperyong


Byzantine noong 1453 CE. Ito hudyat ng pagbagsak ng imperyong
Byzantine at ang pagsisimula ng Imperyong Ottoman na nagtagal
hanggang 1922 CE.
Mongol
Nagbago ang kultura ng mga nomadikong Turko dahil sa pagyakap nila sa Islam. Ngunit sa
pagdating nga mga Mongol ay nanumbalik ang nomadikong pamumuhay ng mga tao. Ang
mga Mongol ay isang pangkat etnolingguwistiko na nagmula sa Mongolia. Hindi matiyak
ang dahilan sa ginagawang pandarayuhan ng mga Mongol sa iba’t-ibang panig ng Asya. Sa
teorya ng mga dalubhasa ito ay bunga ng mga hamon ng kanilang kapaligiran. Nagbago ang
klima ng daigdig na nagdulot ng mainit na klima sa Mongolia. Dahil dito ay nagkaroon ng
malawakang tagtuyot at namatay ang mga damo na pagkain ng mga pinapastol na alagang
hayop ng mga Mongol. Sa ilalim ni Genghis Khan ay napag-isa ang magkakahiwalay na
nomadikong tribu ng mga Mongol.

Genghis Khan
Kilala siya bilang Temuchin ( o Temujin),Dahil sa husay niya sa pakikidigma .

Pinili at tinalaga si Temuchin noong 1206 bilang Genghis Khan o


pangkalahatang pinuno sa isang malaking pagpupulong ng iba’t-ibang
nomadikong tribu.
Gamit ang marahas na pamamamraan at subok nang mga estratehiya sa
pakikidigma ay nasakop ni Genghis Khan ang mga lupain na mas malawak pa
sa nasakop ng mga Romano. Sinakop ng mga Mongol ang halos kabuuan ng
rehiyon ng Asya, ang siyudad ng Moscow, at maging ang ilang bahagi ng
Europa.

Upang mapamunuan ang kanyang malawak na imperyo ay nagtatag si Genghis


Khan ng isang kabisera sa may Karakorum sa Monglia. Sa kabila ng
pagkakaroon ng kabisera ay ipinagbawal pa rin ni Genghis Khan ang
sedentaryong pamumuhay sa mga Mongol.

Pax Mongolica
Nagkaroon ng kapayapaan sa malaking bahagi ng Asya sa loob ng mahabang panahon. Malaya
at ligtas na nakapaglakbay ang mga tao sa mga steppe ng Hilagang Asya ay umunlad ang
pagkikipagkalakalan sa Asya.
Naipalaganap din ng mga Mongol sa iba’t-ibang panig ng Asya ang mga
imbensiyon at teknolohiya tulad ng papel, pambura, at pag-iimprenta. Sa
ilalin din ng mga Mongol unang lumitaw ang pagsusulat ng kasaysayan ng
mga nomadikong tribu.

Secret History of the Mongols


Matapos pumanaw ni Genghis Khan ay naisulat ang kanyang talambuhay at ang pamamayani
ng mga Mongol sa aklat.

Sa pagpanaw ni Genghis Khan noong 1227 CE ay hinati ang kanyang imperyo


sa kanyang apat na anak sa kanyang asawa na si Borte.

Juchi
Ang panganay sa mga magkakapatid, siya ang namuno sa Silangang Europa
at Rusya.

Golden horde
Mga teritoryong hawak ng mga Mongol.
Chagatai
Siya ang ikalawang anak ni Genghis Khan, Nagmana sa kanlurang
Turkestan at kanlurang Tsina

Ogodei (Ogodai)
Ikatlong anak, Namuno sa tangway ng Arabia at ilang bahagi ng Gitnang
Asya, nakalaunan ay naging dinastiyang Ilkhanid

Tolui
Siya ang bunso, Nagmana sa sentro ng imperyo sa Mongolia na siya namang
sumakop sa Tsina

Ang apat na kaharian na ito ay tinatawag na mga kanato (khanate). Nang


masakop ng mga Mongol ang Tsina ay itinatag nila ang isang dinastiya sa
pamumuno ng apo ni Genghis Khan na si Kublai Khan. Ito ang dinastiyang
Yuan sa Tsina.
1259 CE
Naghiwalay-hiwalay at nagsarili ang apat na kanato na hindi nagtagal ay ang
resulta sa labanan ng mga ito.

Bukod sa pakikipagtunggali sa isa’t isa , hinarap din ng mga


kanato ang hamon ng pamamahala sa mga banyagang teritoryo.
Para sa mga mamamayan ng bawat kanato, ang mga Mongol ay
mga banyagang mananakop. Nagsimula sa pag-aalsa sa iba’t-
ibang teritoryo ng mga Mongol. Pagbaksak ng dinastiyang
Ilkhanid noong 1335 CE at dinastiyang Yuan noong 1368 CE ang
naging hudyat sa pagtapos ng matagal na pamumuno ng mga
Mongol sa Hilagang Asya.

You might also like