You are on page 1of 69

GAWAIN 1 (4 PICS 1 WORD)

Panuto:
1.Suriing mabuti ang mga larawan sa
bawat kahon.
2. Tukuyin ang mga isyu na tumutugon sa
bawat kahon ng mga larawan.May ibinigay
na clue sa bawat bilang upang mapadali
ang iyong pagsagot.
4
4 PICS 1 WORD

A_O
B R_
S _Y_N
IO A_KOH_L_
L O
O I S_M_ 5
4 PICS 1 WORD

P_GP_
A G M N_
P_G_A_IT R G
G D_O_A A AP I A A 6
4 PICS 1 WORD

E_T_AN_S_A
UH A I
7
Mga Isyu na Lumalabag sa
Paggalang sa Buhay
Aralin 10
Weeks 3-4

11
 Natutukoy ang mga paglabag sa
paggalang sa buhay;

LAYUNI  Nasusuri ang mga paglabag sa


paggalang sa buhay; at

N  Napahahalagahan ang mga kaalamang


natutunan tungkol sa paggalang sa buhay.

12
GAWAIN 2
Panuto:Pangkatang Gawain:
1.Bawat pangkat ay bubunot sa : LIMANG ISYUNG MORAL
TUNGKOL SA BUHAY
2. Isulat sa Manila Paper ang sumusunod:

KAHULUGAN -

DAHILAN -

EPEKTO -
13
PAGGALANG SA BUHAY

Ang paggalang sa buhay ay


pangangalaga sa kalusugan, pagiging
maingat sa mga sakuna at
pagsasaalang-alang ng sariling
kaligtasan at ng buhay ng iba.
(Macabeo, 2019) 11
At nilalang ng Diyos ang tao ayon
sa Kaniyang sariling larawan, ayon
sa larawan ng Diyos siya nilalang;
nilalang Niya sila na lalake at
babae.
Genesis 1:27

12
TAO ISIP AT KILOS-
LOOB

Paano nagpapabukod tangi sa tao bilang


nilikha ang isip at kilos-loob

13
TAO ISIP AT KILOS-
LOOB
DAHIL SA ISIP AT KILOS-LOOB,
INAASAHAN NA MAKABUBUO AT
MAKAGAGAWA NG MABUTI AT
MATALINONG PAGPAPASIYA
SA KABILA NG MGA ISYUNG UMIIRAL
SA LIPUNAN. 14
15
 Ang paggamit ng
MGA ISYU ipinagbabawal na gamot
TUNGKOL SA
PAGLABAG SA  Alkoholismo
PAGGALANG SA  Aborsiyon
BUHAY AYON SA
 Pagpapatiwakal
MORAL NA
BATAYAN  Euthanasia (Mercy
Killing)
16
“Pare, nasa langit na ba ako?
Parang lumilipad ako. Ang
sarap ng feeling!”

17
Bakit isang paglabag sa
buhay ang paggamit ng
ipinagbabawal na gamot?

18
1. ANG PAGGAMIT NG
IPINAGBABAWAL NA GAMOT

Ito ay isang estadong sikiko (psychic)


o pisikal na pagdepende sa isang
mapanganib na gamot, na nangyayari
matapos gumamit nito nang paulit-ulit
at sa tuluy-tuloy na pagkakataon o
yung tinatawag natin na addiction.

19
Ano ang mga dahilan ng tao
kung bakit gumagamit sila
nito kahit na ito ay lubos na
ipinagbabawal at lumalabag sa
kasagraduhan ng buhay?

20
DAHILAN
•Impluwensya ng barkada (Peer
pressure/group)
•Pag-eeksperimento at Kuriosidad
•Problema sa pamilya at Nais
magrebelde
21
MAKATUWIRAN BANG IBALING SA
PAGGAMIT NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT
KUNG SAKALING MAY MGA SULIRANING
PINAGDADAANAN?

Dahil sa DROGA, ang isip


ng tao ay nagiging
blank spot. Nahihirapan ang
isip na iproseso ang iba't-
ibang impormasyon na
dumadaloy dito.

22
Bilang kabataan, maging matalino ka sa pagpili ng
sasamahang kaibigan. Maging maingat sa mga taong
maaaring magdulot sa iyo ng maling impluwensiya.

23
2. ALKOHOLISMO

Ito ang labis na pag-


inom ng alak.

24
Ano ang mga dahilan kung
bakit ang tao ay patuloy na
umiinom ng alkohol o alak?

25
DAHILAN
•Kuriosidad o Pagkainip
•Impluwensiya ng barkada (Peer pressure)
•Kakulangan ng atensiyon ng mga
magulang
•Nais ng kalayaan
•Pagkabigo
26
EPEKTO NG
ALKOHOLISMO

25
 Nagpapahina sa enerhiya
 Nagpapabagal ng pag-iisip
 Sumisira sa pagiging
malikhain
 Nakakawala ng pokus
 Nagbabawas ng kakayahan
sa paglinang ng
makabuhulang
pakikipagkapwa.

28
Bilang kabataan, ano-ano ang mga
magiging hakbang mo, para
matiyak na maiiwasan mo ang
alkoholismo?

29
3. ABORSIYON

• Isa sa mga pinakamahalagang isyu


sa buhay ay ang aborsiyon
• Ano ba ang aborsiyon? Bakit ito
itinuturing na isyu sa buhay?

30
3. ABORSIYON
• Ito ay pag-alis ng isang fetus o
sanggol sa sinapupunan ng
isang ina.
• Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay
itinuturing na isang lehitimong paraan upang
kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o
populasyon, ngunit sa bansa natin,
itinuturing itong isang krimen. (Agapay, 31
PRO-LIFE
a. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao
mula sa sandali ng paglilihi;

b. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng


kapabayaan ng ina (halimbawa, hindi niya
ginawa ang tamang pag-iingat upang
epektibong maiwasan ang hindi nilalayong
pagbubuntis), dapat niyang harapin ang
kahihinatnan nito.

30
PRO-LIFE
c. Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang
aborsiyon, maaaring gamitin ito ng mga tao bilang regular
na paraan para hindi ituloy ang pagbubuntis.

d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal;

e. Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng


pagpapalaglag o ilang mga paraan ng birth control dahil sa
paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa layuning
pagpaparami (procreation) lamang at sinumang batang
nabubuhay ay mga anak ng Diyos. Ang pagkitil sa buhay
ng isang anak ng Diyos ay masama.

31
PRO-CHOICE
a. Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay
dapat mahalin at alagaan.

b. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang


ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang
mabuhay sa labas ng bahaybata ng kaniyang ina.

c. Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay


maaaring maging tagapagpaalala sa babae ng
trauma na kaniyang naranasan.

32
PRO-CHOICE

d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at


magpasiya ang ina na dalhin sa bahay-
ampunan ang sanggol pagkatapos,
maraming bahay-ampunan ang kulang sa
kapasidad na magbigay ng pangunahing
pangangailangan ng mga bata.

e. Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas


na pamamaraan.

33
DALAWANG URI NG ABORSIYON

Kusa (Miscarriage). Ito ay ang pagkawala ng isang


sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ito
ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari at hindi
ginamitan ng medikal o artipisyal na pamamaraan.

Sapilitan (Induced). Ito ay ang pagwawakas ng


pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol, sa
pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga
gamot.

35
isang ina na limang buwan nagdadalang tao ang nagkaroon
ng malubhang sakit sa pagsusuri ng mga doktor nalaman
niya na kailangan alisin ang kanyang bahay bata ngunit
maaari itong mag resulta sa pagkamatay ng sanggol sa
kanya sinapupunan kung hindi naman ito isasagawa
maaaring magdulot ito ng mga komplikasyon at malagay sa
panganib ang buhay ng mga tao nararapat bang bigyan ng
pagkakataon na sagipin ang kanyang sarili kahit na
maaaring maging dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak
maituturing ba ito ng aborsyon?
36
LAYUNIN Ilgtas ang buhay ng ina. Iligtas ang buhay ng
sanggol sa sinapupunan ng
ina.
PARAAN Gamutin ang mapanganib na sakit Hindi itutuloy ang operasyon
ng ina sa pamamagitan ng pag- upang alisin ang bahay-bata
alis ng bahay-bata. ng ina.
SIRKUMSTANSIYA Wala ng ibang medical na Makakasama ito sa
pamamaraan na maaring gawin kalusugan ng ina dahil
bukod sa alisin ang bahay-bata ng maaring mamatay ang
ina. sanggol sa sinapupunan ng
inba.
KAHIHINATNAN Masasagip ang buhay ng ina sa Maililigtas ang sanggol dahil
tiyak na kamatayan ngunit hindi aalisin ang bahay-bata
maaaring mamatay ang sanggol. ngunit malalagay sa
panganib ang buhay ng ina.
DOUBLE EFFECT PRINCIPLE

Kinakailangang mamili kung aalisin ang bahay-


bata ng ina upang malunasan ang karamdaman
ngunit maaring ikamatay ng sanggol sa
sinapupunan, o hindi naman ito aalisin ngunit
malalagay naman sa panganib ang buhay ng ina.
Kung kaya sa sitwasyon na ito ay kailangang
mamili.
34
Bilang kabataan, bakit dapat
nating panindigang ang
aborsyon ay mali
at hind dapat gawing ligal sa
ating bansa?

36
4. PAGPAPATIWAKAL

Ito ay ang sadyang pagkitil ng


isang tao sa sariling buhay at
naaayon sa sariling kagustuhan.

41
Bakit nga ba may mga
taong nagpapatiwakal?

42
DAHILAN
• Kawalan ng pag-asa (despair o depression)

•Matinding stress sanhi ng problema


•Pagkalulong sa alak o droga
• Pagkakaroon ng matinding karamdaman
• Nakaranas ng pang-api, panghuhusga at pang-
aabuso 43
Latest figures from the
Philippine Statistics Authority
(PSA) showed that suicide
incidents rose 25.7% in 2020,
making it the 27th leading
cause of death in 2020 from
31st in 2019.

Philippine Statistics Authority (PSA)

44
CLOSE TO ONE IN FIVE FILIPINO
YOUTH AGED 15-24 HAVE EVER
CONSIDERED ENDING THEIR
LIFE. This is among the key findings
of the 2021 Young Adult Fertility and
Sexuality Study (YAFS5), the fifth in
the series of nationwide surveys on
Filipino youth led by the University of
the Philippines Population Institute
(UPPI) and funded by the Department
of Health (DOH).

45
Ano-ano ba ang
maaaring gawin
upang maiwasan ang
pagpapatiwakal?

46
PARAAN UPANG MAKAIWAS SA DEPRESYON AT
PAGPAPATIWAKAL

• Panatilihing abala ang sarili sa mga


makabuluhang gawain tulad ng paglilingkod sa
kapwa at pamayanan.

• Pagkakaroon ng matibay na support system


(pamilya at mga kaibigan).

• Pagkakaroon ng matibay na pananampalataya at


pagmamahal sa Diyos.

47
5. EUTHANASIA

Ito ay isang gawain kung saan


napadadali ang kamatayan ng isang
taong may matindi at wala nang lunas
na karamdaman. Ito ay tumutukoy sa
paggamit ng mga modernong
medisina at kagamitan upang tapusin
ang paghihirap ng isang maysakit.

48
DALAWANG URI NG EUTHANASIA
ACTIVE EUTHANASIA
o Intensyunal na paggawa ng paraan ng mediko upang
hindi na maghirap ang pasyente

PASSIVE EUTHANASIA
o Tumigil na ang mediko na gumawa ng paraan upang
mapanatili ang buhay ng pasyente

49
5. EUTHANASIA

As of 2022, euthanasia is legal in Belgium,[1] Canada,


[2]
Colombia,[3][4] Luxembourg,[5] the Netherlands,[6]
New Zealand,[7] Spain[8] and all six states of
Australia (New South Wales,[9] Queensland,[10]
South Australia,[11] Tasmania,[12] Victoria[13] and
Western Australia[14]

50
Bilang isang bansa, bakit dapat
manatiling konserbatibo ang
pananaw natin sa kahalagahan ng buhay
at hindi payagan ang mga
batas na lumalabag sa kabanalan ng
buhay?

51
Ang buhay ng tao
ay maituturing na
pangunahing
pagpapahalaga.

46
Tungkulin natin bilang
tao na pangalagaan,
ingatan, at palaguin ang
sariling buhay at ng
ating kapwa.

53
PAGYAMANIN
Gawain 1. Pagsusuri ng mga Sitwasyon

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon


na nagpapakita ng iba’t ibang isyu tungkol sa paggalang
sa buhay. Ipaliwanag kung ano ang magiging desisyon
mo kung ikaw ang tauhan sa sitwasyon.

49
Malaki ang pag-asa ng mga magulang ni Jodi
na makapagtapos siya ng pag-aaral at
makatulong sa pag-ahon ng kanilang pamilya
mula sa kahirapan. Matalinong bata si Jodi. Sa
katunayan ay iskolar siya sa isang kilalang
unibersidad. Ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon, naging biktima siya ng rape sa
unang taon pa lamang niya sa kolehiyo. Sa
kasamaang-palad, nagbunga ang nangyari sa
kaniya. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya,
ano ang gagawin mo? Itutuloy mo ba ang
iyong pagbubuntis? Maaari bang ituring na
solusyon sa sitwasyon ni Jodi ang
pagpapalaglag ng dinadala niya gayong bunga
ito ng hindi magandang gawain?

50
Si Jose ay nagsimulang uminom ng alak
noong 13 taong gulang pa lamang siya. Sa
lugar na kaniyang tinitirhan, madali ang
pagbili ng inuming may alcohol kahit ang
mga bata. Naniniwala si Jose na normal
lamang ang kaniyang ginagawa dahil
marami ring tulas niya ang lulong sa
ganitong gawain sa kanilang lugar. Ayon pa
sa kaniya, ito ang kaniyang paraan upang
sumaya siya at harapin ang mga paghihirap
sa buhay.

51
Dahil sa matinding lungkot, nagpasiya si
Marco na kitlin ang sariling buhay
dalawang buwan pagkatapos ng kaniyang
ika-16 na kaarawan. Nagsisimula pa lamang
siya noon sa ika-apat na taon ng high
school. Sa isang suicide note, inilahad niya
ang saloobin ukol sa mabigat na mga
suliraning kinakaharap niya sa bahay at
paaralan. Humingi siya ng kapatawaran sa
maaga niyang pagpanaw. Makatuwiran ba
ang ginawang pagpapatiwakal ni Marco?

52
ISAGAWA
Panuto: Punan ng hinihinging sagot ang talaan sa ibaba. Isulat
ang inyong sagot sa kwaderno.
 Magbigay ng tatlong (3) mahahalagang kaalaman na natutunan ninyo
tungkol sa isyung napili. Ipaliwanag ang bawat isa.

 Magbigay ng dalawang (2) paraan na maaari ninyong gawin upang


maipakita ang inyong paggalang sa kasagraduhan ng buhay na may
kinalaman sa isyung napili. Ipaliwanag ang bawat isa.

 Magbigay ng isang (1) kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman


tungkol sa kawalan ng paggalang sa kasagraduhan ng buhay.
Ipaliwanag.
55
Magbigay ng tatlong (3) mahahalagang kaalamang natutunan tungkol sa
isyung napili. Ipaliwanag ang bawat isa.
1.
_______________________________________________________________
______
3 2.
_______________________________________________________________
______
3.
_______________________________________________________________
______
Magbigay ng dalawang (2) paraan na maaaring gawin upang maipakita ang
paggalang sa kasagraduhan ng buhay na may kinalaman sa isyung napili.
Ipaliwanag ang bawat isa.
1.

2 _______________________________________________________________
______
2.
56 _______________________________________________________________
56
1. Bakit nararapat na
pahalagahan ang buhay?

2. Paano natin mapananatiling


sagrado ang buhay na
ipinagkaloob sa atin?
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

____ 1. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaglag o pag-alis ng isang


fetus o sanggol sa sinapupunan ng isang ina.

A. aborsiyon
B. alkoholismo
C. pagpapatiwakal
D. paggamit ng droga

62
____ 2. Ito ay sadyang pagkitil ng buhay at naaayon sa sariling
kagustuhan.

A. Aborsiyon
B. Alkoholismo
C. Pagpapatiwakal
D. Paggamit ng droga

63
____ 3. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang
wakasan ang buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay
hindi na gagaling pa?
A. Suicide
B. Abortion
C. Euthanasia
D. Lethal Injection

64
____ 4. Ito ay ang labis na pag-inom ng alak.

A. aborsiyon
B. alkoholismo
Click icon to add picture
C. pagpapatiwakal
D. paggamit ng droga

65
____ 5. Nais ni Enrico na mapasama sa mga magtatapos na may karangalan.
Buong gabi siya kung magbalik-aral. Nalalaman ito ng kanyang kabarkadang
si Julio kaya pinayuhan niyang uminom ng ecstacy si Enrico upang hindi
makatulog habang nag-aaral. Sinabi pa niyang mananatili siyang aktibo sa
mahabang panahon. Subalit tumanggi si Enrico at hindi niya raw ito
gagawin.Ano ang pinakamakatwirang dahilan ng pag-iwas ni Enrico?
A. Natakot siya sa resulta nito sa kanyang katawan at isip
B. Alam niyan mapapagalitan siya ng kanyang mga magulang
C. May moral na batayan ang pag-iwas sa droga
D. Baka malaman ito sa paaralan at hindi siya makatapos nang may karangalan.

66
KUNG PAANO NATIN
INIINGATAN AT INAALAGAAN
ANG BUHAY NA IBINIGAY SA
ATIN NG DIYOS, IYON ANG
PARAAN NG ATING
PAGPAPASALAMAT SA KANYA
NA NAGKALOOB NITO SA ATIN.
TAKDANG
ARALIN
Gawain 2. Pagsulat ng Sanaysay
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng lima o higit pang
mga pangungusap tungkol sa mga aral na natutunan mula sa natapos
na aralin. Gamiting gabay ang tanong sa ibaba.

Paano mo pangangalagaan ang sariling buhay at


buhay ng iyong kapwa bilang paggalang sa
kasagraduhan ng buhay?

53
54

You might also like