You are on page 1of 16

PAGLINANG NG WAGAS

NA PAGMAMAHAL SA
DIYOS
Naranasan niyo na bang
magmahal?

Ano ang pakiramdam ng


nagmamahal?
Ang unang prinsipyo ng ugnayan sa diyos
ay ang pagmamahal sa kaniya.

Ito ang pinakamahalaga sa lahat ng


kautusan ayon sa isinasaad sa marcos 12:30
“At ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang
buong puso, at nang buong kaluluwa, at nang
buong pag-iisip, at nang buong lakas.”

-Marcos 12:30
◦Paano nga ba ang
magmahal?
Ang sinumang naniniwala sa diyos ay dapat
nagpapakita rin ng pagmamahal sa diyos na
kaniyang pinaniniwalaan.

“ACTION SPEAKS LOUDER THAN


WORDS.”
Gawain 1. Dugtungan Mo!

ANG PAGMAMAHAL NG DIYOS


ay____________________________________
_________________________________
_________________________________
________________.
Ang Pagmamahal ng Diyos
◦ Ang pagmamahal ay isang matinding damdamin
ng ugnayan, debosyon, o paghanga.
◦ Para sa tao, ang pagmamahal na ito ay kondisyonal
o nakabatay sa pamantayan na ating itinakda
upang maging karapat-dapat ang ating kapwa na
makatanggap ng damdaming ito mula sa atin.
KONDISYON/PAMANTAYAN NG TAO:
Kasiyahan o pakinabang
ANG PAGMAMAHAL NG DIYOS AY WALANG
KONDISYON.
Ito ay ibinibigay Niya sa atin hindi dahil karapat-dapat
tayo o pinapasaya natin Siya kundi dahil ito ang
Kaniyang kalikasan.
ANG PAGMAMAHAL NG DIYOS AY SENTRO
NG PANANAMPALATAYA NG BAWAT TAO.
Upang maunawaan ang pagmamahal na ito at
magkaroon ng kakayahang magmahal sa kapwa,
mahalagang magkaroon ng matalik na pakikipag-
ugnayan sa Diyos.
Pagpapalago sa Pagmamahal sa
Diyos
Ang isang taong may pananampalataya ay kumikilala na
ang Diyos ay pag-ibig at ang pag-ibig na ito ay
ipinahahayag Niya sa lahat ng bagay na nagyayari sa
ating buhay.
Mahirap maramdaman ang pagmamahal ng Diyos kung
may pagdududa tayo na may Diyos na lumikha sa atin.
Kahalagahan ng Pagmamahal sa Diyos
Malaki ang nagagawa sa buhay ng tao ng pag-unawa sa
pagmamahal ng Diyos.
◦ Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang kamalayan natin.
◦ Ang pagmamahal ng Diyos ay nagbibigay ng ginhawa at
kagalingan sa buhay.
◦ Sa pamamagitan ng pagmamahal ng Diyos, nagkaroon
tayo ng kakayahan na magpakita ng tunay na pagmamahal
sa ating kapwa at sa lahat ng nilikha ng Diyos.
Kahalagahan ng Pagmamahal sa Diyos
◦ Sa tulong ng pagmamahal ng Diyos, nagagabayang
magpasiya at kumilos ang tao batay sa mga
pagpapahalagang moral at pagsasabuhay ng mga
birtud.
◦ Binabago ng pagmamahal ng Diyos ang buhay ng
tao.
Ang Pagmamahal sa Diyos ay Pagmamahal sa Kapwa
Kung ang pinakadakilang kautusan ay ang pagmamahal sa
Diyos, ang kasunod nito ay pagmamahal sa kapwa.
Ang sinuman na magmamahal sa Diyos ay dapat na
magmamahal sa kanyang kapwa bilang pagsunod sa nais
ng Diyos.
Mateo 25:40
“…Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking
mga kapatid, kahit na ang pinakamaliit na ito,
ay sa akin ninyo ginawa.”

-Mateo 25:40
Pagpapaunlad ng Pagmamahal sa Diyos
“Ang PAGMAMAHAL ay salitang pakilos.”
1. Buksan ang kaisipan at suriin ang bawat karanasan at
sitwasyon sa buhay.
2. Tignan ang mga naisin at plano ayon sa kalooban ng
Diyos.
3. Maglaan ng panahon upang kilalanin ang Diyos.
4. Makilahok sa mga pangkatang gawain sa inyong
Simbahan.

You might also like