You are on page 1of 32

MGA BAHAGI

NG
PANANALIKSI
K
6.1 PAGLALAHAD NG SULIRANIN

- pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik.


- Dito nakasentro o nakapokus Ang pag-aaral ng Isang
individual o pangkat ng mga mananaliksik.

• Ayon kina Calmorin at Calmorin (2006) madaling


natandaan Ang katangian ng suliranin gamit Ang
akronim na ito;

JENEVIE
S- Specific - Tiyak Ang pagkakalahad ng suliranin.
M- Measurable - Madaling masukat sa pamamagitan ng mga
instrumentong gagamitin sa pananaliksik sa pagkalap
ng Datos.
A- Achievable - Kayang abutin sa pamamagitan ng paggamit ng mga
teknik sa estadistika upang makuha Ang tamang resulta.
R- Realistic- Makatotohanan Ang mga lumabas na resulta at hindi ito
dinaya.
T- Time-bounded- Ang "timeframe " o paglalaan ng panahon ay
mahalaga sa bawat Gawain.
6.2 ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

- Inilalahad sa kahalagahan ng pag-aaral ang kabuluhan


nito sa lipunan at kung bakit kailangang isagawa ang
pananaliksik, para kanino at kung sino ang makikinabang
sa resulta ng pag-aaral. Ipinaaabot din sa bahaging ito
ang mga mahahalagang impormasyon na makatutulong
sa mga mambabasa at iba pang mananaliksik hinggil sa
paksa ng pag-aaral na maaaring makatugon at
makatulong sa kanila sa pamamagitan ng mga
natuklasang solusyon sa mga suliranin ng pag-aaral, ito
man ay siyentipiko o kuwalitatibong pananaliksik.
ANGELINE
Halimbawa:

• Sa CHED. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong para maipaabot ang mga suliraning
kinakaharap ng mga mag-aaral partikular na sa online at module na pagkatuto upang
magsagawa ng mga hakbang o reporma para mapaunlad ang paraan ng pagtuturo sa
panahon ng pandemya.
• Sa Administrasyon ng Paaralan. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabigyan ng
suporta ang mga guro at mga mag-aaral sa paggamit ng online at modular sa pagkatuto.
• Sa mga Guro. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang gumawa ng ibang teknik sa
pagtuturo sa online at modular modality upang mapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
• Sa mga Magulang. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang magabayan nila ang kanilang
mga anak sa pag-aaral sa panahon ng pandemya sa pagpapasagot ng mga gawain sa
modyul o sa online class at mamonitor nila ang kanilang mga anak sa pag-aaral.
• Sa mga Mag-aaral. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang mapagtuonan ng pansin ang
kahinaan nila sa pag-aaral.
6.2.1 AMBAG NG PAG-AARAL

1. Pagpapalalim ng kaalaman
2. Pagsusuri at pag-aaral
3. Pagbuo ng ebidensya
4. Pag-aambag sa lipunan
5. Pag-unlad ng kaisipan
6. Pagpapalaganap ng teknolohiya
7. Pag-unlad ng ekonomiya
8. Pagtuturo at edukasyon
9. Pagpapahayag ng opinion JAYSON
6.2.2 PAGPAPATIBAY SA MGA NAGAWANG

PANANALIKSIK
- Ang pagpapatibay sa mga nagawang pananaliksik ay
mahalaga upang mapanatili ang kalidad at kredibilidad ng
ating pag-aaral.

Narito ang ilang mga paraan kung paano ito maaaring


gawin:
1. Iwasan ang Plagiarismo: Tiyakin na may tamang
pagbanggit sa lahat ng iyong mga sanggunian at huwag REYMART
mangopya ng ibang trabaho ng walang pahintulot.
2. Pagtukoy sa mga sanggunian: Mahalaga ang tamang
pagtukoy sa mga sanggunian upang mapatunayan ang
kasaysayan ng mga impormasyong ginamit sa
pananaliksik. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng
paggamit ng mga bibliyograpiya, aklat, journal articles, at
iba pang reliable na sanggunian.

3. Metodolohiya: I-ulat nang maayos ang iyong ginamit


na metodolohiya sa pananaliksik. Ito ay dapat
naglalarawan ng mga hakbang na ginawa mo para
makuha ang iyong mga resulta.
4. Pag-aaral ng Literatura: Ihalintulad ang iyong mga
natuklasan sa mga naunang pananaliksik. Ipinapakita nito ang
pagkatugma o pagkaiba ng mga resulta sa mga dating literatura.

5. Paggamit ng mga statistic at data: Sa mga kwantitatibong


pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng statistical data at
figures upang magbigay-linaw sa mga resulta ng pag-aaral.
Dapat itong maging maayos at maipakita sa pamamagitan ng
graphs o charts.

6. Paggamit ng mga kwento o karanasan: Sa mga


kwalitatibong pananaliksik, maaaring gamitin ang mga kwento o
karanasan ng mga indibidwal upang mapatunayan ang mga
natuklasan. Ito ay nagbibigay buhay at konteksto sa mga resulta
ng pag-aaral.
7. Paggamit ng mga tsart, grap, at visual aids: Ang
mga tsart, grap, at visual aids ay maaaring gamitin
upang linawin ang mga konsepto o resulta ng
pananaliksik. Ito ay nagpapadali sa pag-unawa ng mga
mambabasa.

8. Pagpapatunay sa pamamagitan ng peer review:


Ang peer review ay isang mahalagang bahagi ng
pagpapatibay ng mga pananaliksik. Ito ay nagpapakita
ng kredibilidad ng ating pag-aaral dahil sa pagsusuri at
pag-audit ng mga eksperto sa larangan .
9. Paggamit ng mga quotation at citation: Ang
tamang paggamit ng quotation at citation ay
nagpapakita ng respeto sa mga awtor at may-akda ng
mga ginamit na sanggunian. Ito ay nagbibigay patunay
sa mga ideya na inilahad mo sa iyong pananaliksik.

10. Paggamit ng maayos na format: Mahalaga ang


pagsunod sa tamang format o estilo ng pagsulat ng
pananaliksik, tulad ng APA, MLA, o iba pang
tinatanggap na format. Ito ay nagpapakita ng
propesyonalismo sa pagsusulat.
6.3 LAYUNIN NG PAG-AARAL:
PANGKALAHATAN AT ESPESIPIKO

- Ang layunin ng pag-aaral ay mahalagang


bahagi ng isang pananaliksik. Ito ay nagbibigay
direksyon at layunin sa pagsasagawa ng pag-aaral.
- Mayroong dalawang pangunahing uri ng
layunin sa pag-aaral: pangkalahatan at espesipiko.

JOHN ABE
LAYUNIN NG PAG-AARAL NA
PANGKALAHATAN:

-Ito ay pangunahing layunin ng buong pag-aaral o


pananaliksik. Naglalayong magbigay ng malawak na pag-unawa
o solusyon sa isang pangunahing isyu o problemang panlipunan,
pang-ekonomiya, pang-ekolohiya, o pang-akademiko.Ito ang
pangunahing layunin na nagsisilbing pangunahing direksyon ng
buong pag-aaral. Halimbawa, ang layunin ng isang pag-aaral
tungkol sa climate change ay maaaring maging "Unawain ang
mga epekto ng pagbabago ng klima sa kalusugan ng tao at
kalikasan sa buong mundo."
LAYUNIN NG PAG-AARAL NA
ESPESIPIKO:

- Ito ay mga konkretong layunin o mga hakbang na


kailangang tuparin upang maabot ang layuning
pangkalahatan. Ang mga layuning espesipiko ay
nagbibigay detalyadong plano o gawi kung paano
makakamit ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral.
 Halimbawa, kung ang pangkalahatang layunin ay
tungkol sa climate change, maaaring may mga
espesipikong layunin tulad ng "Kunin ang datos ng
temperatura mula sa mga weather station sa loob
ng mga nakaraang 50 taon" o "Interviewhin ang
mga eksperto sa klima upang masuri ang mga
trend sa pagbabago ng klima."Ang pagtukoy ng
mga layunin na ito ay makakatulong sa
mananaliksik na magkaruon ng masusing gabay
sa pagsasagawa ng pag-aaral. Ito rin ay
nagbibigay daan upang matukoy kung ang mga
datos at resulta ng pag-aaral ay nakatutugma sa
mga layuning itinakda.
6.3.1 MALINAW NA LAYUNIN

MALINAW NA LAYUNIN
Bakit tayo nagsasagawa ng pananaliksik?

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Inilalahad ang pangkalahatang dahilan kung bakit isinasagawa
ang pag-aaral o kung ano ang ibig matamo pagkatapos
maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Isinusulat ito
bilang mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o
matutupad ang mga tanong sa pananaliksik.
MARIFER
Maaaring panlahat o tiyak ang mga layunin.
Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng
kabuuang layon o nais matamo sa pananaliksik.
Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga
ispesipikong pakay sa pananaliksik sa paksa.
Paano bumuo ng Layunin?

Sa pagbubuo ng mga layunin ng pananaliksik, mahalagang


isaalang-alang ang sumusunod:

1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na


nakalahad kung ano angdapat gawin at paano ito gagawin
2. Makatotohanan o maisasagawa
3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng
mga pahayag na maaaringmasukat o patunayan bilang tugon
sa mga tanong sa pananaliksik
llang mga halimbawa ng mga pandiwang
nagpapaliwanag ng proseso:

Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan,


maipaliwanag, masaliksik,makapagpahayag, maihanay,
maiulat/makapag-ulat, masuri/makasuri, nakapag-
organisa, makilala, makapaghulo, makabuo, makabuo
ng konsepto, mailahad,maibuod, makagawa/makapili,
maisa-isa, magamit/makagamit, makapagsagawa,
atmakatalakay.
6.3.2 UGNAYAN NG PAMAGAT AT
LAYUNIN

- Malaki ang pagkakaugnay ng pamagat ng akda sa


layunin ng pag-aaral. Ang pamagat at layunin ng
pag-aaral ang nagpapakilala sa mambabasa kung
saan patungo ang pag-aaral at kung ano ang
kanyang aasahan mula nito.

MAE
6.3.3 UGNAYAN NG PANGKALAHATANG
LAYUNIN AT ESPESIPIKO

Ano ang ugnayan ng pangkalahatang layunin at ng espesipiko?


Malaki, sapagkat masasailalim ng una ang mga nakalahad sa
espesipiko. ibig sabihin hindi maaring magkaroon ng espesipiko
na hindi maayos sa pinapaksa ng pangkalahatang layunin.

• Ilang paalala sa pagsasagawa ng mga layunin.

1.Bukod sa kailangang nakapaloob ang espesipiko sa


pangkalahatang layunin
CLARA
2. Kailangang maaring sukatin ang mga layunin
6.4 REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA
- ay isang detalyadong pagsusuri o pagbabalik-aral sa
napapanahong impormasyong may kaugnayan sa
kasalukuyang paksa ng pananaliksik o disertasyon.

- binubuo ng mga pagtalakay at paglalahad ng mga


katotohanan, kaganapan, at paniniwala na inilalarawang
may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

- ang mga kaugnay na literatura ay hindi lamang


nakapokus sa mga nakaraang pag-aaral na mga
naisagawa, ito rin ay tumutukoy sa mga nadaragdag na
impormasyon sa paglipas ng panahon.
NATHALIE
URI NG KAUGNAY NA LITERATURA
• Pangkalahatang Sanggunian
• Pangunahing Sanggunian
• Pangalawang Sanggunian2

KLASIPIKASYON
• Lokal
• Dayuhan
6.4.1 KABULUHAN AT TUNGKULIN NG
REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

TUNGKULIN NG REBYU NG KAUGNAY NA


LITERATURA

• Ang rebyu ng kaugnay na literatura sa pananaliksik ang


lumilikha ng isang magandang tanawin sa mambabasa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na pag- unawa sa
pag-unlad na nagaganap sa larang ng paksang tinatalakay.
GLYDEL
• Ang rebyu ng kaugnay na literatura ay isang
komprehensiong buod ng mga naunang pag- aaral ukol
sa paksa mula sa iskolarling artikulo, aklat at ibang
sangguniang may kaugnayan sa paksang ginagawan ng
pananaliksik. Sa bahaging ito ng pananaliksik nag-iisa-
isa, nagbubuod, obhektibong nagtataya at nagbibigay -
linaw ang mananaliksik sa naunang pananaliksik. Sa
pagbanggit ng iba't ibang batis ng impormasyon,
masisigurado ng mambabasa na ang manuskritong
kanilang binabasa ay maayos na naisulat.
KABULUHAN NG REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

✓ Tinukoy ni Amparado, 2016 ang mga kahalagahan ng rebyu


ng kaugnay na literatura at ito ang mga sumusunod:

∆ Natutulungan ang mga mananaliksik na mas lumalim pa ang


pag-unawa sa kanilang paksa sapagkat natutuklasan nila ang
mga natututunan ng ibang mananaliksikik na may kaugnayan
na kanilang paksa.
∆ Ito ay mahalaga sa pagtutukoy ng pangkalahatang
kredibilidad ng pananaliksik sapagkat nagpapakita ito ng mga
nakaraang pananaliksik at literatura na nagbibigay gabay sa
pangunahing tunguhin ng isinasagawang pananaliksik
∆ Natutulungan ang mga mananaliksik na maikumpara ang resulta ng pag-aaral ng dalawang pananaliksik na siyang
magiging daan upang higit na maunawaan ang mga suliranin na tinatalakay sa paksa.

∆ Nakapagbibigay ito ng mga mungkahi o rekomendasyon kung paano isasagawa ang naturang pag-aaral.
6.4.2 PAGSULAT NG REBYU NG KAUGNAY
NA LITERATURA

- Sa pagsulat ng kaugnay na literatura laging tatandaan


na ang layunin nito ay ipakita sa mambabasa ang mga
kaalaman at konseptong napatibay na tungkol sa paksa at
matukoy ang naumang kahinaan o kalakasan nito. Ito ay
dapat na nakaangkla sa iyong layunin o suliranin ng pag-
aaral. Hindi lamang ito simpleng pag-iisa-isa ng mga
kinonsultang eksperto sa paksa o simpleng pagbubuod ng
mga pag-aaral.
MAYLENE
PAANO SUMULAT NG REBYU SA KAUGNAY NA
LITERATURA?

• Isinusulat ito ng mayroong pagbibigay ng kredit sa isang awtor.


Hindi dapat angkinin ng isang mananaliksik ang ideya o teksto ng
ibang tao upang hindi siya makasuhan ng plagiarism.
• Dapat ding lagyan ng panipi o quotation mark kung saan ito
nararapat ilagay.
• Dapat din ilista ang mga pinag sanggunian upang mailagay din ito sa
reprerensya upang mabigyang kredit ang may-ari ng teksto o
ideya.
Maraming Salamat sa Pakikinig!!!
IKA-KALAWANG PANGKAT
MGA MIYEMBRO:
Jenevie A. Mariñas Mae Brillante
Angeline L. Mendaza Clara De la Cruz
Jayson C. Bandoquillo Nathalie Loreno
Reymart Loverez Glydel Moneda
John Abe Nasayao Maylene Navarro
Marifer Arnedo

You might also like