You are on page 1of 50

Mga Gamit ng

Wika sa
Lipunan
M.A.K. HALLIDAY
Kasanayang
Pampagkatuto:

Nabibigyang kahulugan
ang mga komunikatibong
gamit ng wika sa lipunan
(Ayon kay M.A.K.
Halliday)
Layunin:

Nauunawaan ang
kahulugan ng
komunikatibong gamit
ng wika sa lipunan
ANO ANG
IPINAHIHIWATIG NG
MGA SUMUSUNOD
NA LARAWAN
INTRODUKSYON

Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Marami


ang mga gamit o tungkulin ang wika sa lipunan.
Ang wika din ay isang sistema ng pakikipag-
ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi
matatawaran ang mahalagang gamit nito sa
lipunan.
• Isa sa nagbigay ng kategorya nito ay si
M.A.K Halliday na naglahad sa pitong
tungkulin ng wika na mababasa sa
kanyang aklat na Explorations in the
Functions of Language (Explorations in
Language Study) (1973).

Gamit o
Tungkulin ng Wika
ayon kay M.A.K
Mga Pokus na Tanong:
1.Paano mapaghahambing
ang pasalita at pasulat
na gamit ng wika?
2.Bakit mahalagang
mapaghambing ang
pasalita at pasulat na
gamit ng wika?
Pang instrumental
• Pasalita: Pakikitungo, Pangalakal, Pag uutos
• Pasulat: Liham pangangalakal
-Tungkulin ng wika kung ginagamit ito upang
maisakatuparan ang nais na mangyari ng
isang tao.
Bigkas na Ginaganap/Performative Utterences:
 - Panghihikayat Pag-uutos o pagpilit
 - Pagmumungkahi Pakikiusap
 - Pagpapahayag
Pang instrumental

Halimbawa:
Pagpilit sa kamag-aaral na manood ng
concert
Paghingi ng kapatawaran sa kaibigan
Pagpapalabas ng commercial sa telebisyon
Regulatori

Pasalita: Pagbibigay ng panuto/direksyon,


Paalala
Pasulat: Resipe, Direksyon sa isang Lugar,
Panuto sa Pagsusulit at Paggawa ng isang
Bagay, Tuntunin sa Batas na Ipinapatupad
Regulatori

- Ang tungkulin ng wika kung ginagamit ito upang kontrolin o


magbigay-gabay sa kilos o asal ng tao. Nagtatakda kung ano ang dapat
at hindi dapat na gawin ng isang tao.
Bigkas na Ginaganap o Performative Utterences:
 Pagtatakda ng mga tuntunin
 Pagbibigay ng mga panuto
 Pagsang-ayon o Pagtutol
 Pag-alalay sa kilos o gawa.
Regulatori

Halimbawa:
 Mga signages sa kalsada
 Paalala o mga paskil sa
paaralan
 Mga panuto sa pagsusulit
Representasyunal

Pasalita: Pagpapahayag ng Hinuha


at Pahiwatig sa mga Simbolismo
ng isang Bagay o Paligid
Pasulat: Mga anunsyo, patalastas
at paalala
Representasyunal

-Ginagamit ng tao sa pagbabahagi ng


impormasyon.
Bigkas na ginaganap o Performative Utterences:
 Pag-uulat ng mga Pangyayari
 Paglalahad, Paghahatid ng mensahe
 Pagpapaliwanag ng mga pangyayari ng isang
tao.
Representasyunal

Halimbawa:
 -Paguulat sa klase
 -Pagbibigay ulat o pagbabalita sa
telebisyon o sa radyo
 -Pagtuturo ng Guro
Interaksyunal

Pasalita: Pormulasyong Panlipunan-


Pangangamusta, Pag-anyayang kumain,
Pagpapatuloy sa Bahay, Pagpapalitan ng Biro
Pasulat: Liham Pangkaibigan- Imbitasyon sa
isang Okasyon (Kaarawan, Anibersaryo,
Programa sa Paaralan)
Interaksyunal

-Ginagamit ito ng tao sa pagpapanatili at


pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapuwa.
Bigkas na ginaganap o Performative Utterences:
 Pagbati
 Pagpapaalam
 Pagbibiro
 Pag-anyaya
Interaksyunal

Halimbawa:
 Pagbati ng magandang umaga
 Pangangamusta sa kaibigan
 Pagbibigay ng paanyaya sa
isang okasyon
Personal

Pasalita: Pormal o Di Pormal na Talakayan,


Debate o Pagtatalo
Pasulat: Editoryal o Pangulong Tudling,
Liham sa Patnugot, Pagsulat ng Suring-
basa, Suring-Pelikula o Anumang Dulang
Pangtanghalan
Personal

-Ginagamit ito ng tao sa pagpapahayag ng sariling


personalidad batay sa sariling kaparaanan,
damdamin, opinyon o pananaw.
Bigkas na ginaganap o Performative Utterences:
 Pagsulat ng diary
 Pagpapahayag ng tuwa, paghanga, galit,
pagkabalisa, pagkayamot atbp.
Personal

Halimbawa:
 Paggsulat ng journal
 Pagpsost sa social media account na
nagpapahayag ng sariling pananaw o
opinyon hinggil sa isang usapin.
Heuristiko

Pasalita: Pagatatanong, Pananaliksik


at Pakikipanayam
Pasulat: Sarbey, Pamanahong Papel,
Tesis at Disertasyon
Heuristiko

-Ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon upang


makakuha ng iba’t ibang kaalaman sa mundo.
Bigkas na ginaganap o Performative Utterences:
 Pagtatanong, paggawa ng hypothesis
 Pagtuklas
 Pag eeksperimento
 Pag-uulat
 Pangangatwiran o Pagpuna
Heuristiko

Halimbawa:
 Mga batang nagbabasa ng libro, artikulo,
pahayagan at magasins
 Mga batang nanunood ng telebisyon at
nakikinig sa radyo
 Mga batang may inienterbyu
Imahinatibo

Pasalita: Pagbigkas ng tula,


Pagganap sa Teatro
Pasulat: Pagsulat ng Akdang
Pampanitikan
Imahinatibo

-Ginagamit ng tao upang mapalawak ang


kanyang imahinasyon.
Bigkas na Ginaganap/Performative Utterences
 Pagsulat ng Tula , Awit, Kwento,
Sanaysay, Nobela, Dula at iba pang
malikhaing pagsulat
Imahinatibo

Halimbawa:
 Malikhaing pagsulat
 Masining na pagbigkas
Pangkatang Gawain

Mahahati ang mga mag-


aaral sa pangkat na may
tig-10 miyembro.
Pangkatang Gawain

Tatayo ang mga mag-aaral


upang bumuo nang maayos na
pilang nakaharap sa pisara.
Pangkatang Gawain

Kung maayos na ang pila,


makikinig ang mga mag-aaral
sa panutong ibibigay ng
gurong nasa unahan.
Pangkatang Gawain

Gamit ang kalahati ng short typewriting at mga


pangkulay, gumawa ng isang babala o paalala na
maaaring gamitin sa loob ng klasrum upang
makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan nito. Ilagay
sa ilalim, sa kanang bahagi ng isinulat na babala o
paalala kung ito ay pumapaloob sa regulatori o
instrumental na gamit ng wika sa lipunan.
Pangkatang Gawain

Rubric:
BALARILA- 10 PTS
PAGKAMALIKHAIN- 5 PTS.
KAISIPAN- 5 PTS.
Maikling Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung anong


gamit ng wika sa lipunan ang
tinutukoy sa bawat sitwasyon.
Pang instrumental
Subukan ang kakayanan sa paggawa ng pangungusap sa
pamamagitan ng pagpapakita ng instrumental na gamit ng wika sa
Lipunan.
•Pagbibigay ng Mungkahi:
•Magmungkahi sa iyong mga kamag-aaral na nahihirapan sa pagsasagot
ng kanilang self-learning modules.
Mga maaaring mungkahi:
1. Maglaan ng sapat na oras para sa bawat asignatura.
2. Magtakda rin ng susunding iskedyul upang matiyak na masasagutan ang
lahat ng modules.
Regulatori
Subukan ang kakayanan sa paggawa ng pangungusap sa pamamagitan ng
pagpapakita ng regulatori na gamit ng wika sa Lipunan.
Pagbibigay ng panuto:
•Ang iyong mga kamag-aaral ay nagpapakita ng hindi pagrespeto sa bawat Guro na
nagtuturo sa inyong harapan.
Mga maaaring panuto:
•Magbigay galang tayo sa ating mga Guro sapagkat sila ang pangalawang magulang
natin sa paaralan.
•Huwag tayong maging bastos sa harap ng kahit na sino lalo na sa ating mga Guro dahil
Representasyunal
Subukan ang kakayanan sa paggawa ng pangungusap sa pamamagitan
ng pagpapakita ng representasyon na gamit ng wika sa Lipunan.
Pagbibigay ng Ulat:
•Bilang paunang gawain sa asignatura sa Araling Panlipunan, ang Guro ay
nagtakda sa mga mag-aaral na mag-ulat ng mga makabagong pangyayari sa
bansa.
Maaaring ulat:
•Ang bagyong Paeng ay nanalasa sa ilang lugar sa Pilipinas. Maraming
buhay ang nasawi at mga ari-arian ang nasira.
Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng wika sa lipunan ang
tinutukoy sa bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A.Instrumental
B.Regulatori
C.Representasyunal
D.Interaksyunal
E.Personal
F. Heuristiko
G.Imahinatibo
1.Pagiimbita sa kasal ng isang kaibigan
2.Pagtuturo ng aralin sa DepEd TV
3.Paskil na babala na makikita sa kalye
4.Paglalagay ng mga naglalakihang
billboard
5.Pagpopost sa social media ng
6. Pakikipanayam sa mayor ng isang lugar
tungkol sa ipapatupad na community
guidelines.
7. Pagsasaliksik tungkol sa climate change
8. Pagsali sa mga spoken poetry contest
9. Paglalagay ng keepright sa tabi ng hagdanan
10. Paggawa ng meme sa facebook
Pagsusulit. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa tanong o pahayag.

1. Ginagamit ito ng tao upang maipakita ang kanyang relasyong sosyal sa kapwa sa iba’t
ibang paraan.

2. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng sariling personalidad batay sa sariling kaparaanan,


opinyon o pananaw.

3. Ang tungkulin ng wika kung ginagamit ito upang kontrolin o magbigay gabay sa kilos o
asal ng tao. Nagtatakda kung ano ang dapat at hindi dapat na gawin ng isang tao.
4. Ito ay ginagamit upang maisakatuparan ang ninanais ng isang tao.

5. Ginagamit ng tao sa pagbabahagi ng kaalaman at impormasyon, kung ano ang tama at


mali.

6. Ginagamit sa pagkuha ng maraming kaalaman upang makaroon ng muwang sa mundo.


Panuto: Buhat sa mga naisagot sa 1-7, doon ay pumili at alamin
kung anong gamit ng wika sa lipunan ang tinutukoy sa bawat
sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Paghihinuha sa mga pangyayari sa kwento.
2.Pagsasarbey kung ano ang Wikang Pambansa ng Pilipinas.
3.Pinapauwi ng Ina ng maaga ang anak.
4.Pag-uulat sa klase ng tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa.
5.Paggawa ng liham na nagtatanong kung paano makakakuha ng
iskolaryip sa isang unebersidad/kolehiyo.
6.Pagsasabi ng Po at Opo sa matandang babae habang kinakausap.
7. Pakikisuyo sa kapatid na dalahin ang gamit niya sa kwaarto.
8. Pagbibigay ng Guro ng direkyson sa mga mag-aaral kung ano
ang gagawin sa pagsusulit.
9. Pagsulat ng pananaliksik
10. Pakikipanayam sa mga mag-aaral kung paano hinahati-hati
ang oras sa pag-aaral.
11. Pagsulat ng sariling tula.
12. Paggawa ng resipe ng isang ulam.
13. Paglikha ng kakaibang hitsura ng tauhan sa kuwentong
isusulat.
Panuto: Pumili sa mga natalakay na gamit ng wika sa lipunan at gumawa ng teksto na
nagpapakita ng katangian ng napiling gamit ng wika.

Pamantayan sa pagganap:
Introduksyon-------10 pts.
Katawan ------------10 pts.
Konklusyon---------10 pts.
Kabuuan------------ 30 pts.

You might also like