You are on page 1of 9

Ang Kurikulum Sa Panahon Ng

Komonwelt
Ito ang pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng
Komonwelt:
Pagtuturo ng kabutihang asal,sibika, disiplina at kahusayan.
 Paglinang sa diwang makabayan o nasyonalismo
Pangangalaga sa Edukasyong Bokasyonal
 Pagtuturo ng talambuhay ng mga bayaning Pilipino at
awiting bayan
 Pagtuturo sa paaralang bayan ng pagbuburda, pananahi at
pagluluto
Pagpapaunlad ng Paaralang Pribado
Binigyang diin ang pagbabasa at pagsusulat.
LAYUNIN NG EDUKASYON

- ang hangarin na pang-edukasyon, tulad ng


nakasaad at ipinapahayag sa Artikulo XIV
ng ating Konstitusyon ay naglalayong:
"Lahat ng mga paaralan ay naghahangad na
bumuo ng moral na katangian, personal na
disiplina, at bokasyonal na kahusayan at
ituro ang mga tungkulin ng
pagkamamamayan."
MGA REPORMANG PANG-EDUKASYON

1. Executive Order no. 19, s. 1936


- nilikha ni Pangulong Quezon ang
Pambansang Konseho ng Edukasyon noong 1936.
At kilala rin sa tawag naPambansang Sanggunian sa
Edukasyon o National Council of Education. Si Dr.
Rafael Palma ang unang naging tagapamahala nito.
2. Education Act of 1940
 Nagbigay daan sa pagbabago ng sistemang edukasyon. Ang
mga sumusunod ang kinakailangang sundin:
- ang taong pampaaralan ay mula Hulyo hanggag Marso;
- ang gulang ng mag-aaral na papasok sa unang taon ng
mababang paaralan ay itinakda sa pitong taon sa halip naanim
na taon.
- inalis ang ika-7 baitang sa mababang paaralan kaya naging
6 na taon na lamang ito.
- sapilitang pagdalo ng mga mag-aaral sa ika-1 baitang.
- pagpapalit ng klase sa umaga at hapon.
3. Adult Education Law (Commonwealth Act
no. 80)
• Sinulong ang Tanggapan para sa Edukasyon ng
matatanda upang mapalaganap ang edukasyon
sa madla at para maiwasan ang walang
kaalaman ng mga matatanda tungkol sa
edukasyon. Ang batas na ito ay siya ring taga-
gawang mga surbey sa populasyon ng
matatanda sa bansa.
4. Public School Law (Act No. 74)
•Ang naging saligan ng pampublikong
paaralan. Naging daan sa pagtatatag ng
Department of Public Instruction.
Nakasaad din sa Act. No.74, Section 13
na ang Ingles ang pangunahing
lenggwaheng panturo sa mga
pampublikong paaralan.
5. Private School Law (Act No. 2706)
• Ito ay kilala bilang "Private School Law", na
ipinatupad noong Marso 10, 1917 ng Lehislatura
ng Pilipinas, na ipinag-uutos na kilalanin ang
mga pribadong paaralan at kolehiyo ng Secretary
of Public Instruction upang mapanatili ang isang
pamantayan ng kahusayan sa lahat mga
pribadong paaralan at kolehiyo sa bansa.
6.National Defense Act (Commonwealth Act No. 1)
• Layunin mapangalagaan ang seguridad ng bansa. Ang
obligasyong sa pagsasanay sa militar ay nagsisimula sa
edad na 10 taon at magpapatuloy hanggang 18 taon. Sa
pagitan ng edad na 18 at 21, siya ay isang miyembro
ng Junior Reserve. At kapag tumungtong sa kanyang
ika-21 siya ay napapailalim sa paglilingkod sa militar,
at siya ay nananatili sa Reserve Force hanggang sa
umabot siya sa edad na 51. Ang pagsasanay na
ibinigay sa mga batang lalaki bago sila makarating sa
21 ay tinawag na "Preparatory Military Training" at
ibinibigay sa elementarya at sekondaryong paaralan.

You might also like