Professional Documents
Culture Documents
Mga Sanhi at Bunga NG Unang Digmaang Pandaigdig
Mga Sanhi at Bunga NG Unang Digmaang Pandaigdig
NG UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
Mga Mahahalagang Kaganapan sa
Digmaan
Ang pagdeklara ng Austria-Hungary ng
digmaan laban sa Serbia ay nagdulot ng iba’t
ibang alyansa ng mga bansa. Tignan sa ibaba
ang mga nabuong alyansa dulot ng digmaan
ng Austria-Hungary at Serbia na kalaunan ay
nilahukan ng mga iba’t ibang bansa sa
Europa.
Agosto 1, 1914 Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa Russia
bunsod ng pagpapadala ng mga hukbong military ng
Russia sa hangganan ng Germany.
Agosto 3, 1914 Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France
sapagkat napagtanto nito na susuportahan ng France
ang Russia sa digmaan.
Agosto 4, 1914 Ang Britain ay nagdeklara ng digmaan laban sa
Germany dahil sa pagsalakay nito sa Belgium
Agosto 5, 1914 Tuluyan nang nasangkot sa digmaan ang lahat ng mga
makapangyarihang bansa sa Europa: ang Great Britain,
France, at Russia ay tinawag na Allied Powers,
samantalang ang Germany, at Austria-Hungary naman
ay kinilala bilang Central Powers. Kalaunan ay sumali
ang Japan at Italy sa Allied Powers at sa panig naman
ng Central Powers lumahok ang Bulgaria.
Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang
naghudyat sa pagsisimula ng Unang Digmaang
Pandaigdig.
Noong Hunyo 28, 1914, pinatay si Archduke Franz
Ferdinand at ang kaniyang asawang si Sophie
habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay
bahagi ng teritoryo ng Austria-Hungary.
Tignan sa talahanayan ang mga labanang naganap
sa Kanluran at Silangan noong Unang Digmaang
Pandaigdig.
MAHAHALAGANG LABANAN PANGYAYARI RESULTA
Ginamit ng mga Germans ang Ang labanang ito ang
Schlieffen Plan kung kaya’t itinuturing na kaunaunahang
halos nasakop nito ang tagumpay ng mga Allied
lungsod ng Paris. Subalit, sa Forces sa Western Front dahil
Labanan sa Marne tulong ng Russia ay nahati ang hindi nagtagumpay ang
hukbong German kung kaya’t Germans na isakatuparan ang
nabawasan ang puwersa nito Schlieffen Plan.
na sasalakay sa Paris.
LABANAN SA KANLURAN