You are on page 1of 6

Department of Education – Schools Division Office of Cavite

Learning Resources Management Section


Learning Activity Sheet

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: ______________________

Mga Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap at Bunga ng Unang


Digmaang Pandaigdig
Araling Panlipunan 8, 4th Quarter – Week 1-2
Learning Competency with code/Kasanayang Pampagkatuto at koda
1. Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng
Unang Digmaang Pandaigdig- AP8AKD-IV-a-1

Panimula (Susing Konsepto)


Ang ikalawang yugto ng pananakop ay nagbunga ng maganda at hindi maganda. Ang
kalakalan at kabuhayan sa maraming bansa ay umuunlad. Lumawak ang ideya ng demokrasya
dulot ng Enlightenment. Umunlad din ang teknolohya dulot ng rebolusyon sa agham at industriya,
ngunit kaalinsabay ng kaunlaran ay ang pagkagising ng mga tao sa mga kaisipang politikal.
Ang halos 39 taon na katahimikan sa Europa ay unti-unting nagkalamat na nagbigay-daan
sa isang digmaan sa pagpasok ng ika-20 siglo.

Mga Sanhi ng ng Unang Digmanaag Pandaigdig


1. Nasyonalismo - ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao
upang maging malaya ang kanilang bansa. May mga bansang masidhi ang paniniwalang
karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang
bansa.
2. Imperyalismo - isa itong paraan ng pag-angkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng
pambansang kapangyarihan at pag-unlad ng mga bansang nasa Europe. Ang pag-uunahan ng
mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa
pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan
ng mga bansa.
3. Militarismo - upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa
sa Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin
ang pagpaparami ng armas.
4. Pagbuo ng mga Alyansa - Dahil sa inggitan, paghihinalaan, at lihim na pangamba ng mga
bansang makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo, ang Triple Entente
na kinabibilangan ng mga bansang Pransya, Britanya at Rusya at ang Triple Alliance na binubuo
ng mga bansang Alemanya, Austria-Hungarya at Italya.

Mahahalagang Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig


Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng Unang
Digmaang Pandaigdig. Noong Hunyo 28, 1914, pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang
kaniyang asawang si Sophie habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay bahagi ng teritoryo ng
Austria-Hungary.
 Agosto 1, 1914- Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa Russia bunsod ng pagpapadala
ng mga hukbong military ng Russia sa hangganan ng Germany.
 Agosto 3, 1914- Nagdeklara ang Germany ng digmaan laban sa France sapagkat napagtanto
nito na susuportahan ng France ang Russia sa digmaan.
 Agosto 4, 1914- Ang Britain ay nagdeklara ng digmaan laban sa Germany dahil sa pagsalakay
nito sa Belgium.

1
Department of Education – Schools Division Office of Cavite
Learning Resources Management Section
Learning Activity Sheet

 Agosto 5, 1914 Tuluyan nang nasangkot sa digmaan ang lahat ng mga makapangyarihang
bansa sa Europa: ang Great Britain, France, at Russia ay tinawag na Allied Powers,
samantalang ang Germany, at Austria-Hungary naman ay kinilala bilang Central
Powers.Kalaunan ay sumali ang Japan at Italy sa Allied Powers at sa panig naman ng Central
Powers lumahok ang Bulgaria.

Tignan sa talahanayan ang mga labanang naganap sa Kanluran at Silangan noong Unang
Digmaang Pandaigdig.
MAHALAGANG PANGYAYARI RESULTA
LABANAN
Ginamit ng mga Germans ang Ang labanang ito ang
Schlieffen Plan kung kaya’t halos itinuturing na
nasakop nito ang lungsod ng kaunaunahang tagumpay
Labanan sa Marne Paris. Subalit, sa tulong ng ng mga Allied Forces sa
Russia ay nahati ang hukbong Western Front dahil hindi
LABANAN SA KANLURAN

German kung kaya’t nabawasan nagtagumpay ang


ang puwersa nito na sasalakay sa Germans na
Paris. Nagtagumpay ang Allied isakatuparan ang
Forces na paatrasin ang Schlieffen Plan.
puwersang German.
Nagtangka ang hukbong dagat ng Dahil sa pangamba na
Germany na palubugin ang mga tuluyang mapalubog ng
Labanan sa Jutland nakadaong na barko ng Britain mga Briton ang kanilang
sa North Sea. Ang Britain, bilang mga barko ay umatras
kanilang opensibang taktika, ay ang hukbong German sa
sorpresang sumalakay sa labanan. Bunga ng pag-
hukbong dagat ng Germany na atras ng mga Germans sa
nakadaong sa baybayin ng digmaan, nanatiling
Denmark. kontrolado ng Allied
Forces ang Atlantiko.
Ito ay naganap sa pagitan ng Sa labanang ito ay
pinagsanib na puwers ng Russia pinangunahan ng Russia
LABANAN SA

Labanan sa at Serbia laban sa puwersa ng ang pagsalakay ngunit sa


SILANGAN

Tanenberg Germany, Turkey, at Austria- bandang huli ay


Hungary. Ang labanang ito ay napaatras ito ng mga
mula sa baybayin ng Baltic Sea hukbong Germany. Ito
hanggang sa Black Sea ang kauna-unahang
tagumpay ng Central
Powers sa Silangan.
Ito ay bunga ng paghahangad ng Nahirapan ang hukbong
Gallipoli Campaign/ Allied Forces na makaganti sa Ingles sa pangunguna ni
LABANAN SA

Dardanelles Central Powers. Tinangka ng Admiral Winston


LABAS NG
EUROPE

Campaign Allied Forces na kubkubin ang Churchill na tuluyang


Dardanelles Strait na noo’y sakupin ang Dardanelles
kontrolado ng imperyong kung kaya’t bandang huli
Ottoman. ay napagpasyahan na
lamang nila na umatras
sa labanan
Sa pagsiklab ng digmaan noong 1914, pinili ng United States sa pangunguna ni Pangulong
Woodrow Wilson, na walang kampihang alyansa. Ang United States ay isa sa mga kapalitan ng
kalakal ng Britain kung kaya’t hindi naglaon ay nagkaroon din ng tensyon sa pagitan ng Amerika

2
Department of Education – Schools Division Office of Cavite
Learning Resources Management Section
Learning Activity Sheet

at Germany. Ang tensyong ito ay mas lalong umigting nang naglunsad ang Germany ng isang
unrestricted warfare, kung saan ay palulubigin ng hukbong pandagat ng Germany ang anumang
barkong papasok sa Britain, kalaban man o hindi. Makalipas ang isang buwan mula ng
magdeklara ng unrestricted warfare ang Germany ay napalubog ng isang barkong German ang
William P. Frye, isang pribadong barkong Amerikano. Ang pangyayaring ito ay lubhang ikinagalit
ni Pangulong Wilson at inako ng Germany ang responsibiliad sa insidente. Noong Mayo 7, 1915 ay
pinalubog din ng Germany ang Lusitania, isang pampasaherong barko ng Britain. Lulan ng
Lusitania 1,959 na pasahero kung saan 1,198 ang namatay kabilang ang 128 Amerikano

Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig


Ang pagkakaroon ng digmaan at nagdulot ng pinsala sa maraming buhay at ari-arian. Ilan
sa mga naging bunga ng digmaan ay ang mga sumusunod:
1. Pagkamatay ng maraming mamamayan – Tinatayang umabot sa humigit kumulang 8.5
milyong tao ang nasawi digmaan simula ng pagsiklab nito noong 1914 at pagwawakas nito noong
1918, habang nasa 22 milyon naman ang tinatayang sugatan. Maliban sa mga sundalo, marami
rin mga sibilyan at ordinaryong tao ang labis na nagdusa at namatay sanhi ng matinding
pagkagutom, pagkakaroon ng mga sakit at malubhang pagdurusa.
2. Pagkasira ng mga kabuhayan sa Europa – Nagdulot ang digmaan ng matinding pagkagutom at
pagkasira sa mga ari-arian. Naantala ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang mga gawaing pang-
ekonomiko. Bukod dito, tinatayang nasa 200 bilyong dolyar ang kabuuang nagastos sa digmaan.
3. Nabago ang kalagayang pampulitika sa Europa at sa ibang bahagi ng mundo– Nagkahiwalay
ang Austria-Hungary at mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia,
Yugoslavia, at Albania ay naging malayang mga bansa. Nagwakas din ang apat na imperyo sa
Europe: ang Hohenzollern sa Germany; Habsburg sa Austria-Hungary; Romanov sa Russia; at
Ottoman sa Turkey.

Liga ng mga Bansa


Isa sa mga puntos ni Pangulong Wilson ang pagkakaroon ng isang pandaigdigan samahan ng mga
bansa. Pangunahing layunin ng samahan na bigyang-solusyon ang anumang di-pagkakaunawaan
sa pagitan ng mga bansaupang hindi ito mauwi sa digmaan. Nakapaloob sa Tratado sa Versailles
ang konstitusyon ng Liga ng mga Bansa na may mga sumusunod na layunin:
1. maiwasan ang digmaan;
2. maprotektahan ang mga kasaping bansa mula sa pananalakay ng ibang bansa;
3. lutasin ang mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasaping bansa;
4. mapalaganap ang pandaigdigan pagtutulungan; at
5. mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayaan.

Gawain Bilang 1
Panuto: Gamit ang graphic organizer, ilahad ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa
Unang Digmaang Pandaigdig. Gawin ito sa sagutang papel.
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1914-1918)
Pangkat na Naglaban Mga Sanhi Mga Mahahalagang Mga Epekto
Pangyayari

3
Department of Education – Schools Division Office of Cavite
Learning Resources Management Section
Learning Activity Sheet

Gawain Bilang 2
Panuto: Suriin ang mga mahahalagang pangyayari noong Unang Digmaang Pandaigdig.
Ipaliwanag kung ano ang pangunahing nagiging dahilan ng mga pangyayaring ito batay sa
binasang aralin. Gawin ito sa sagutang papel.
MAHAHALAGANG DAHILAN NG UNANG PALIWANAG
PANGYAYARI DIGMAANG PANDAIGDIG
Nagtangka ang hukbong dagat
ng Germany na palubugin ang
mga nakadaong na barko ng
Britain sa North Sea.
Tuluyan nang nasangkot sa
digmaan ang lahat ng mga
makapangyarihang bansa sa
Europa: ang Great Britain,
France, at Russia ay tinawag na
Allied Powers, samantalang ang
Germany, at Austria-Hungary
naman ay kinilala bilang Central
Powers.Kalaunan ay sumali ang
Japan at Italy sa Allied Powers at
sa panig naman ng Central
Powers lumahok ang Bulgaria.
Noong Hunyo 28, 1914, pinatay
si Archduke Franz Ferdinand at
ang kaniyang asawang si Sophie
habang sila ay naglilibot sa
Bosnia na noon ay bahagi ng
teritoryo ng Austria-Hungary.

Gawain Bilang 3
Panuto: Basahin mabuti ang pahayag at ilagay ang sagot sa sagutang papel.
1. Pagsunud-sunurin ang sumusunod na kaganapan noong Unang Digmaang Pandaigdig:
I. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kaniyang asawang si Sophie
II. Pinamahalaan ng Austria-Hungary ang Bosnia-Herzegovina
III. Pagsalakay ng Bulgaria sa Greece at Serbia upang makapagtatag ng teritoryo sa Macedonia
IV. Nabuo ang Balkan League
A. I, II, III, IV
B. II, IV, I, III
C. IV, III, II, I
D. I, IV, III, II
2. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig,
maliban sa _______.
A. Pagkakatag ng United Nations
B. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente
C. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa

4
Department of Education – Schools Division Office of Cavite
Learning Resources Management Section
Learning Activity Sheet

3. Ito ay isang pandaigdigang samahan ng mga bansa na nabuo matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig.
A. Balkan League
B. Black Hand
C. League of Nations
D. United Nations
4. Ayon sa Treaty of Versailles, ito ang bansa na pangunahing responsable sa pagsiklab ng Unang
Digmaang Pandaigdig.
A. France
B. Germany
C. Great Britain
D. United States
5. Ito ay isang pampasaherong barko ng Britain na naglululan ng 1,959 na pasahero, kung saan
mahigit sa isang libong pasahero ang namatay nang palubugin ito ng Germany noong 1915.
A. Gavrilo
B. Frye
C. Lusitania
D. Pearl Harbor

Pangwakas
Sumulat ng isang repleksyon na naglalaman ng 5-10 pangungusap. Bilang isang mag-aaral,
nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa digmaan matapos malaman ang mga naging epekto ng
Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian ng mga tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Nakapaloob sa repleksyon ang mahahalagang impormasyon ukol 10
sa makabagong imperyalismo
Estilo Malikhain ang pagkakasulat, pumili ng mga angkop na salita 5
upang maipahayag ang saloobin ukol sa makabagong hamon sa
kolonyalismo
KABUUANG PUNTOS 15

5
Department of Education – Schools Division Office of Cavite
Learning Resources Management Section
Learning Activity Sheet

Sanggunian:
Samson, Maria Carmelita, et.al (2015). KAYAMANAN . Araling Asyanao. Metro Manila: REX Book
Store
Blando, Rosemarie, and Michael Mercado. 2014. Modyul Ng Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 8
Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon.
Gavrilo Princip. 2020. Image. Accessed July 3. https://en.wikipedia.org/wiki/Gavrilo_Princip.
"League of Nations". 2017. HISTORY. https://www.history.com/topics/world-wari/league-of-
nations.
"Most Essential Learning Competencies". 2020. Deped LR Portal.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275.
Perry, Marvin. 1995. History of The World. Boston, MA: Houghton Mifflin Co.
"The United States Officially Enters World War I". 2010. HISTORY. https://www.history.com/this-
day-in-history/america-enters-world-war-i.
"Treaty of Versailles". 2010. HISTORY. https://www.history.com/topics/world-wari/treaty-of-
versailles-1.

Susi sa Pagwawasto
Gawain Bilang 3
1. B
2. A
3. C
4. B
5. C

Inihanda ni:
Anjanette Montoya
Teacher I
Emilia Ambalada Poblete Integrated High School, Silang, Cavite

You might also like