You are on page 1of 2

IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN INDUSTIYALISASYON -pagsigla ng pangangailangan para sa mga hilaw na sangkap o materyales, marami sa mga produktong

ito ay matatagpuan sa Asya tulad ng asukal, bulak, tabako, goma, langis at marami pa Kapitalismo -prinsipyong pang ekonomiya na naghari sa pandaigdigang kalakalan WHITE MANS BURDEN -pinaniniwalaan ni Rudyard Kipling na ang mga Asyano ay hindi sibilisado at dahil dito obligasyon nilang turuan at gawing sibilisado REBELYONG SEPOY Sepoy, mga sundalong Indian (Hindu at Muslim) na sinanay ng mga Ingles upang maging bahagi ng kanilang hukbo Naganap ang pag-aalsa ng mga Sepoy bunga ng ginawang pang-iinsulto ng mga Inges at paglapastangan sa kanilang paniniwala Nakarating sa mga Sepoy na siniselyuhan ng mantika ng baboy at baka ang mga riple na pinapagamit sa kanila, itinuturing na banal ang baka sa mga Hindu at bawal naman sa mga Muslim baboy, ikinagalit ito ng mga Sepoy at nagrebelde sa mga Ingles o itinuturing na kauna-unahang digmaang pangkasarinlan ng mga Indian o Konseptong Swaraj na nangangahulugang kasarinlan ang naging pilosopiya ng mga kilusang Indian Dahil sa walang malaking suporta, hindi nagtagumpay ang rebelyong Sepoy, dahil sa pagkabigo nakaranas ang mga rebelde ng panghihiya ng mga Inlges at ang iba ay pinapatay gamit ang kanyon Dahil sa rebelyong ito, naging lubos ang pamumuno ng mga Ingles sa India DIGMAANG OPYO Labanang naganap sa Tsina (sa panahon ng dinastiyang Chin) Sanhi ng digmaan ay ang ginagawang pagsira ng mga opisyal ng adwana ng Canton sa opyo na nais ipagbili ng Ingles Inaangkat ng mga Ingles ang opyo sa India at ikinakalakal sa Tsina upang kumita sila ng mas malaki kaysa sa Tsino Naging mahalaga ang opyo para sa mga Tsino na imporatanteng sangkap ng medisina na kalaunan ay maraming nalulong at nagging masamang bisyo. Nasira ang moralidad ng maraming Tsino, apektado na pati ang mga kawani ng pamahalaan at mga kawal ng imperyo Natalo ang China sapagkat wala siyang hukbong tulad ng sa England na nagresulta sa Kasunduan sa Nanking o Limang daungan para sa kalakal ng kanluranin o Hong Kong sa England o Bayad-pinsala o Katamtaman na buwis sa kalakal ng kanluranin Naganap ang ikalawang Digmaang Opyum bunga ng pagkakalupig ng mga Tsino sa sasakyang pandagat ng mga British na may lulang opyum

Sumali ang France sa digmaan dahil sa naging pagtrato ng Tsino sa mga misyonerong French Natalo ng pinag-isang pwersa ng England at France ang China na nagresulta kasunduan sa Tianjin o 11 karagdagang daungan o Legal ang kalakalang opyo o Kinatawang diplomatiko ng mga Kanluranin o Kristiyanong misyonero o Extraterritoriality ang kanluraning nagkasala sa China ay hindi sakop ng hukuman ng China

HIMAGSIKANG TAIPING Isang kultong panrelihiyon na naghimagsik upang patalsikin ang dinastiyang Manchu Pinamunuan ni Hung Hsiu-Chuan, sa paniniwalang siya ay may banal na misyong magtatag ng dinastiyang Taiping Tienkou o Ganap na Kapayapaan sa Kahariang Kalangitan (Heavenly Kingdom of Great Peace) Maraming nahikayat si Hung na umabot ng isang milyon at sinimulan nito ang rebelyon Nasupil ni Frederick Townsend Ward kasama ang kanyang hukbo, iginawad ang titulong Ever Victorious Army REBELYONG BOXER Rebelyong sumiklab sa Tsina noong 1899 Rebelyong gumamit ng martial arts sa paghihimagsik Naglayung itaboy ang mga dayuhan sa Tsina Nakuha ng mga rebelde ang suporta ng Emperatris Tzu- Hsi, subalit nagpadala ng maraming sundalo ang mga bansang kanluranin sa Tsina para pabagsakin ang mga Tsino. Hindi nagtagumpay ang paghihimagsik dahil nagsama-sama ang pwersa ng mga dayuhan laban sa mga rebelde

You might also like