Professional Documents
Culture Documents
Plataporma
Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan)
Ang higit walong taon ng administrasyong Arroyo ay panahon nang walang kapantay na
korupsyon at pandarambong, kahirapan at kagutuman, paglabag sa mga karapatang
pantao at pagsunud-sunuran sa dayuhang kapangyarihan at sa interes ng iilan. Kaya
tamang ituring ang rehimen ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo bilang pinakamasamang at
pinakamumuhiang rehimen matapos ibagsak ang diktadurang US-Marcos.
Makabayang pagbabago! Ito ang sigaw ng mamamayan. Ito rin ang platapormang
ipinaglalaban ng Makabayan – ang pagbabagong makamamayan at makabansa. Ultimong
layunin natin na mapawi ang sistema ng paghahari, pagsasamantala at pang-aapi ng
dayuhan at iilan at maitatag ang malaya, demokratiko at maunlad na Pilipinas. Susing
usapin sa pagbabago ang pagwawakas ng hawak sa kapangyarihang pampulitika ng
dayuhan at iilang taksil sa bayan at ang lubos na pagsasakapangyarihan ng mamamayan.
Naghari si Gng. Arroyo, ang kanyang asawa, gabinete, mga pinapaburang kroni at pulitiko
sa pinakagarapal na paraan nang pagsagasa sa kapakanan at kalooban ng sambayanan.
1
Bilyun-bilyong piso nang mga kaso pandarambong ang kinasangkutan ng mag-asawang
Arroyo at mga kasapakat nila. Marami na ang nabulgar gaya ng iskandalong IMPSA deal,
Code NGO peace bond, Jose Pidal, fertilizer fund scam, Northrail Project, Quedancor,
NBN-ZTE at Euro-Generals. Marami pa ang di nabubulgar.
Bukod sa pagkabulgar ng mga kaso ng pandarambong, naging mainit na isyu ang pagiging
ilihitimo ng pagkapangulo ni Arroyo mula nang pumutok ang iskandalong Hello Garci
noong 2005. Ginamit ni Gng. Arroyo ang kamay na bakal ng estado upang hadlangan ang
paglabas nang katotohanan at supilin ang mga kritiko at ang militanteng kilusang masa.
Ibinalik ng pangkating Arroyo ang lagim ng batas militar nang ipataw nito ang calibrated
preemptive response, Proclamation 1017, executive privilege at isama ang di armadong mga
aktibista sa mga target ng atakeng militar. Libong mga aktibista at mamamahayag ang
pinatay o naging desaparecido sa ilalim ng kanyang malupit na rehimen.
Patuloy na tinamasa ni Arroyo ang suporta ng United States, Japan, at iba pang
imperyalistang bansa sa kabila pagkawala ng tiwala sa kanya ng mamamayan. Ngunit ang
kapalit ng suportang ito ay ibayong pagyurak sa soberenya at dignidad ng bansa. Tiniyak sa
pagtawag sa telepono ni Pangulong Barack Obama kay Mrs. Arroyo ang pananatili ng di-
pantay na US-RP Visiting Forces Agreement na ginamit para permanenteng makapanatili
sa Pilipinas ang mga tropang Amerikano at alisin si Lance Corporal Smith sa
pagkakakulong mula sa piitan ng Makati nang labag sa Saligang Batas. Inamin ng US State
Department na nakaistasyon ang hindi bababa sa 600 tropang Amerikano.
2
Itinutulak ni Gng. Arroyo at ng kanyang koalisyong Lakas-Kampi ang pag-amyenda sa
Saligang Batas upang mapalawig ang panahon ng panunungkulan ni Gng. Arroyo o
mabigyang daan ang kanyang muling pagtakbo bilang pangulo o ang kanyang pagiging
punong ministro. Mayroon ding mga nagtutulak ng marahas na mga hakbang tulad ng
pagpapataw ng state of emergency o batas militar.
3
bansa at pag-unlad ng agrikultura na siyang sana’y lilikha ng sapat na trabaho at pagkain.
Madalas talo ang Pilipinas sa pakikipagkalakalan sa mga industriyal na bansa, kaya nabaon
nang nabangon ang bansa sa utang upang tustusan ang gastusin sa mga imported na
kalakal. Bumababa ang tunay na halaga ng piso. Pinatindi ng globalisasyon neoliberal ang
kahirapan, krisis at pagkaatrasado ng ekonomya.
Marami nang pumansin kung paano lumikha ang bulok na sistemang ito ng malalang
problemang panlipunan at kabulukang kultural. Nagbubunga ang laganap na kahirapan
ng talamak na problema sa bisyo, droga, kriminalidad, prostitusyon at iba pa. Maraming
pamilya ang nawawasak dahil sa pag-alis sa bansa ng mga magulang para magtrabaho sa
ibayong dagat. Pinatindi ng globalisasyong neoliberal ang walang habas na konsumerismo,
indibidwalismo at Kanluranin kamalayang nagpapahina ng diwa ng pambansang
kakanyahan at pagkakaisa.
4
pagbabago ng pamahalaan at lipunan. Pagpupunyagian nating mamulat, maorganisa at
mapakilos ang mamamayan hanggang mapasakamay nila ang kapangyarihang
pampulitika. Lalahok tayo sa malawak na kilusan ng mamamayan upang wakasan ang
kontrol at mapagpasyang impluwensya sa pamahalaan ng US, ng lokal na malalaking
kapitalista, panginoong maylupa at mga korap na pulitiko. Kasama ng iba pang pwersa,
makikipaglaban tayo para maitatag ang pamahalaang tunay na kumakatawan sa at
kontrolado ng mamamayan – ng mga manggagawa, magsasaka, prupesyunal at
makabayang negosyante. Isusulong natin ang mga reporma sa eleksyon upang maging
malinis, mapayapa at patas ang halalan.
• Igiit ang pagsasagawa ng mga reporma para maging malinis, mapayapa at patas ang
mga halalan. Labanan ang pandaraya at pandarahas sa eleksyon. Itaguyod ang
moderno at automated na sistema ng botohan at bilangan na may sapat na
safeguards laban sa mga pandaraya at pagkakamali. Linisin ang listahan ng mga
botante. Higpitan ang regulasyon sa mga patalastas at gastusing pangkampanya.
5
• Bigyan ng pangunahing diin ang plataporma, rekord at integridad ng mga partido
at kandidato. Gapiin ang pamamayani salapi at baril, sistemang patronage at
pagiging personality-oriented ng eleksyon.
• Tutulan ang lahat ng hakbang ng mga dayuhan at naghaharing uri na baguhin ang
mga prubisyon ng Saligang Batas para higit pang pinsalain ang pambansang
kasarinlan at demokrasya. Makiisa sa panawagan ng mamamayan na pagbabago ng
sistema ng bansa at ng Saligang Batas ng Pilipinas sa tamang panahon at
pagkakataon.
6
pinakamatataas na upisyal ng pamahalaan.
7
- Ipasa at ipatupad ang panibagong batas para sa tunay na repormang agraryo na
naglalaman ng libreng pamamahagi ng lupa at sasaklaw sa lahat ng lupaing
agrikultural. Ibasura ang mapanlinlang na iskemang stock distribution at iba
pang anyo ng exemption sa land redistribution. Itigil ang laganap na land use
conversion at gumawa ng mga hakbang upang muling magamit sa pagsasaka
ang kalahatan ng lupaing agrikultural na binigyan ng ibang klasipikasyon.
Kanselahin ang utang ng mga magsasaka na napamahagian ng lupa sa ilalim ng
CARP at PD 27.
8
• Itigil ang pagbabayad ng utang panlabas at ibaling ito para sa kailangang mga
serbisyo at proyektong pangkaunlaran. Ipawalang-bisa ang PD 1177 at EO 292 o ang
awtomatikong pagbabayad-utang. Isuspinde sa loob ng anim na taon ang
pagbabayad ng utang sa IMF, WB, ADB, mga pandaigdigan institusyon sa
pananalapi at mga dayuhang bangkong komersyal. Kanselahin ang mga tiwaling
utang panlabas. Ipailalim sa renegosasyon ang pagbabayad ng utang panlabas batay
sa kakayanan ng bansa.
• Itaas nang P125 ang arawang sahod ng mga manggagawa at empleyado sa pribadong
sector at P3,000 ang buwanang sahod sa pampublikong sektor. Iakyat sa salary
grade 15 ang Teacher I. Ipatupad ng mga nars at iba pang manggagawang
pangkalusugan alinsunod sa Nursing Act. Gumawa ng mga pasya at hakbang upang
makamit ang nakabubuhay at makatarungang sahod.
• Bigyan ng sapat na pansin, proteksyon at kagyat na tulong ang mga OFWs at lokal
na manggagawa na natanggal sa trabaho sanhi ng krisis ng pandagdigang
ekonomiya at magtatag ng isang pangkalahatang sistema ng unemployment
insurance.
• Magpatupad ng programa para sa food self sufficiency. Itaas sa 25% ng suplay ang
subsidyo sa palay at mais. Itigil ang maramihang importasyon at palakasin ang
produksyon. Tiyaking mababa ang presyo at sapat ang suplay ng pagkain.
9
• Ibaba ang singil sa kuryente at tubig. Ibasura ang RA 9136 o Energy Power Industry
Reform Act. Palawakin at palakasin ang pampublikong sector sa energy generation
at transmission. Ibasura ang sovereign guarantee at take-or-pay agreement sa mga
independent power producers at humingi ng consumer refund sa mga independent
power producers. Kaltasin ang system loss charge sa serbisyo ng kuryente at iba
pang di dapat singilin. Itaas ang badyet at muling kunin ng pamahalaan ang
serbisyo ng tubig.
• Ibaba ang presyo ng langis sa tunay na halaga nito at bawiin sa anyo ng mababang
presyo ang sobrang siningil ng mga kumpanya ng langis. Isama sa price control ang
LPG. Ipasa ang tatlong panukalang batas bilang kagyat at pang-intermedyang
hakbang: a) regulasyon sa industriya ng langis; 2) muling pagbili at ganap na
kontrol ng gubyerno sa Petron at 3) pagsasabansa ng pag-aangkat ng langis.
Gumawa ng iba pang mga hakbang para sa pagsasabansa ng industriya ng langis.
• Palitan ang regresibong sistema ng Value Added Tax (VAT) nang progresibong
sistema ng pagbubuwis. Kagyat na iabolis ang VAT sa langis, kuryente at tubig at
ang royalty tax sa natural gas.
10
may sapat na pangangalaga sa kalikasan at mamamayan ang pangunahing
makikinabang, hindi mga dayuhan at iilan.
• Ipatupad ang mga batas at regulasyon hinggil sa muling paggamit ng lumang mga
kagamitan at basura.
11
karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat at mabigyan sila
ng kaukulang proteksyon at suporta, sa loob at labas ng ating bansa.
• Igiit ang pag-aari sa mga isla ng Spratly at sa Scarborough Shoal bilang bahagi ng
teritoryo ng Pilipinas.
12
hinggil sa karapatang pantao at sa International Humanitarian Law (IHL). Ipatupad
ang Comprehensive Agreement for the Respect of Human Rights and International
Humanitarian Law (CAHRIHL) sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic
Front of the Philippines.
• Ipasa at ipatupad ang mga panukalang batas laban sa extrajudicial killings, enforced
disappearances at torture at command responsibility.
• Palayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal at itigil ang kriminalisasyon sa mga
kasong pulitikal. Itigil ang paggamit ng gawa-gawang mga kaso ng rebelyon,
taktikang psywar, black propaganda at iba pang porma ng harassment laban sa mga
aktibista at kritiko ng gobyerno.
• Itigil ang pagtatalaga ng mga tropang militar sa mga eskwela, unibersidad, pabrika
at maralitang komunidad. Ipagbawal ang paggamit ng mga tropang militar sa mga
hidwaan sa paggawa at lupa. Alisin ang kapangyarihang Assumption of Jurisdiction
ng Kalihim sa Paggawa.
13
Ipinalalaganap natin ang kultura at edukasyong makabayan, makamamamayan,
makakalikasan, syentipiko at progresibo. Itatakwil natin ang kaisipang kolonyal at korap,
ang konsumerismo at indibidwalismo, kabulukang moral at kultural. Ikikintal natin ang
kaisipang makabayan, makamamayan at makakalikasan at isusulong natin ang syentipiko
at progresibong edukasyon at kultura. Patitibayin natin ang pambansang pagkakaisa sa
pamamagitan ng pagpapatingkad ng kasaysayan, kultura at pagpapahalagang kumon at ng
pagpapaunlad ng pambansang wikang Filipino. Kaalinsabay, igagalang at pagyamanin
natin ang iba’t-ibang kultura, kaugalian, wika at dyalekto ng iba’t-ibang lahi at
mamamayan.
• Paunlarin ang Filipino bilang wikang upisyal at panturo sa mas matataas na antas
sabay nang paggamit sa Tagalog, Bisaya, Ilonggo, Ilocano, Waray at iba pang lokal
na wika bilang wikang panturo sa antas primarya.
14
anuman ang kanyang kasarian o piniling kasarian.
• Ipatupad ang mga kasunduang nabuo ng GRP at NDF kabilang na ang 1992 Hague
15
Declaration, Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees at CARHRIHL.
Tanggalin ang lahat ng balakid na iniharang ng gubyerno sa pagtutuloy ng usapang
pangkapayapaan kabilang ang terrorist listing kay Prof. Jose Maria Sison, CPP at
NPA. Ituloy ang nauntol na pormal na negosasyong pangkapayapaan.
• Itigil ang pagtatalaga ng mga retirado o aktibong opisyal ng militar sa mga lupong
pangkapayapaan ng pamahalaan. #
16