You are on page 1of 3

Kasaysayan ng Pilipinas

30,000 taon ang nakalipas ng unang dumating ang mga tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga
lupang tulay. Matapos dumating ang mga Negrito ay sinundan naman ito ng pag dating ng mga
malay at ang pagdating ng mga ibat-ibang uri ng lahi tulad ng Arabe at Instik. Nag simula ring
magkaroon ng mga maliliit na kaharian nang sumapit ang 900 PK. Ilan na dito ang kaharian ng
Zabag, Kaharian ng Tawalisi, at ang kaharian ng Tundo.

Ang sumunod na 1000 taon ay nagsimula na ang pamumuno ng mga Rajah na tumagal mula
1000 hanggang 1521. Ilan sa mga Rajanatong Kaharian na naitala sa kasaysayan ay ang Rajanato
ng Seludong na pagdating ng mga kastila ay naging Maynila, Rajanato ng Namayan na ang
kapitolyo ay Maysapan na ngayon sa Santa Ana, at ang Rajanato ng Butuan.

Sa may Gawing Visayas naman ay ang pamumuno ng mga Datu na sinasabing nagkaroon ng
unang nagkaroon ng isang Kodego ng mga Batas na mas kilalang Ang Kodego ng Kalantiao.

Sa may gawing Mindanao naman ay nagsimula ang panahon ng paglaganap ng islam at ang
pagkakatatag ng mga Sultanatong Kaharian. Ilan na dito ang Sultanato ng Sulu na ang kapitolyo
ay ang Jolo na naghari mula 1400's hanggang 1917, at ang Sultanato ng Maguindanao at ang
kapitolyo nito ay ang Marawi na naghari mula 1500's hanggang 1800's.

Subalit noong 1521 nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas sa pamumuno ni Ferdinand
Magellan at isinagawa ang unag Banal na Misa noong Marso 31,1521 sa isla ng Mazaua. Hindi
natapos ang mga ekspedisyon ng Hispanya sa Pilipinas matapos ni Magellan. Apat na
ekspidisyon ang naatasang maglayag papunta sa Pilipinas, ang mga ito ay Loaisa (1525), Cabot
(1526), Saavedra (1527), Villalobos (1542), and Legaspi (1564). In 1543, Ruy Lopez de
Villalobos at pinangalanan ang nasakop na teretoryo na Las Islas Felipinas alinsunod sa
pangalan ng Haring Philip II ng Espanya. Itinatag ang mga unang paaralan at unibersidad, Pook
Sambahan, Tulay, at mga gusali. Tinawag ang mga tao sa Las Islas Felipinas na mga Indio, na sa
wikang Ingles ay Idiot.
Noong 1565 ay na itatag ang Indias Orientales Españolas na ang naging kapitolyo ay Cebu mula
1565 hanggang 1571 at nalipat sa Maynila noong 1571 hanggang 1898.

Noong 1762 hanggang 1764 ay malaking bahagi ng kolonya ang nasakop ng Britanya mula
Espanya. Na noon ay nasa Pitong Taong Digmaan, natapos ang digmaan dahil sa Kasunduan sa
Paris at iang taon ang nakalipas ay naibalik sa Espanya ang mga nasakop ng Britanya.

Nagsimula ang mga rebolusyon sa Felipinas noong 1896 hanggang 1898 at nabuo ang La Liga
Filipina at ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng̃ mg̃á Anak ng̃ Bayan na
pinamunuan nina Andrés Bonifacio, Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Darilyo Valino, Rayalpapa
Guia and Dano Belica na lahat ay miyembro ng La Liga na itinatag ni José Rizal.

Nang magtagumpay ang rebolusyonay naitatag naman ang unang Republika na tinawag na
República Filipina noong 1899 at pagsapit ng 1901 ay dumating naman ang mga Amerikano
dahil ipinagbili ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika sa halagang 20 milyong Dolyares sa
pamamagitan ng Kasunduan sa Paris. Taong 1899 din nang sumiklab ang digmaan ng Pilipino at
mga Amerikano na natapos noong 1902.

1934 nang maitatag naman ang Kómonwélt ng Pilipinas (Mancomunidad de las Filipinas) at
nabuwag naman noong 1946 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Subalit bago tuluyang makalaya ang Pilipinas ay dumatin naman ang mga hapon noong
Disiyembre 8, 1941 sampung oras matapos ang pag-atake sa Pearl Harbor sa Hawaii at naging
Puppet State ang Pilippinas ng Japan. At noong Sityembre 2, 1945 ay naibalik muli sa Amerika
ang Pilipinas.

Naitatag naman ang Ikatlong Republika noong 1946 na tumagal naman hanggang 1965. Nang
maupo naman si Marcos sa posisyon bilang pangulo ay himina ng husto ang ekonomiya bilang
kasagutan ay ipinatupad niya ang Martial Law at ang simula ng Ika-4 na Republika ng Pilipinas
na tumagal naman hanggang 1986.
Pagkatapos mapatalsik sa posisyon si Marcos ay pumalit naman si Corazon Aquino na
kaunaunahang babaeng pangulo ng Bansa. Sapanahaon din niya nagsimula ang Ika-5 Republika
ng Pilipinas.

Reference:
Wikipedia: The Free Encyclopedia; Wikipedia.org; http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_Philippines

By: Bill Patrick Familara ©

You might also like