Professional Documents
Culture Documents
May malakas na tunog galing sa itaas na palapag ng bahay noong gabing iyon.
bahay dahil sa sama ng loob. Masama pa rin ang kanyang loob dahil sa sinabi ng
kanyang ina. Hindi ako makakapayag na mag-aral ka sa ibang lugar dahil baka may
masamang mangyari sa’yo doon at wala kang ibang katuwang kundi ikaw lang, wika ng
kanyang ina. Napabuntong hininga si Jaree dahil alam niyang ayaw lamang siyang
payagan ng kanyang ina dahil kay Austin na boyfriend niya. Sumimangot ang kanyang
mukha at napansin agad ito ng kanyang ina. O, ano na naman ‘yan Jaree?! Bakit ka
ganyan ganyan na expressions mo, sabi ng kanyang mala-madam na ina. Wala po.,
ganito lang talaga ang mukha ko parang ganyan din, parehas ng sa inyo., pabirong sabi
Haaaay naku Jaree! Alam ko kung ano na naman ang iniisip mo. Gusto mo lang ‘yata
na makumbinsi ako at mapapayag sa gusto mo, sabi nito. Mama, huwag niyo na lang
isipin na mapapahamak ako doon dahil alam niyo naman, astig ‘yata to! Kaya ko ang
sarili, hindi po ba?! Ngingiti-ngiting wika ni Jaree sa kanyang ina. Haaaaaaaay naku
Jaree! Hindi talaga ako papayag na mag-aral ka sa ibang lugar dahil nasi-sense ko na
may kasama ka doon. Hindi ba?! Sarkastikong tanong ng kanyang ina. Huh?! Wala no,
eh sino naman kaya sa tingin niyo?! At kung meron man talaga eh, hindi ko naman
papabayaan ang aking pag-aaral, alam po ninyo iyon. Alam niyo po naman talaga na
may pangarap ako sa aking buhay at sapat na sa akin ang magkaroon ng pangarap
upang maging determinado ako at alam niyo ho iyon. Alam niyo rin na dahil din kay
papa kaya ako magpuporsiging mag-aral at dahil na rin sa inyo na sana’y hindi ko kayo
kanyang mga mata. Napatingin ang ina sa kanyang drama-dramahang anak. Che!
Tumigil ka nga Jaree. Alam kong nag gaganyan-ganyan ka dahil gusto mo talagang
Mama naman, huwag na ho kayong mag isip ng kahit anong bagay tungko ‘dyan dahil
kahit naman po may boyfriend ako eh, magsisikap din naman ako sa aking pag-aaral at
alam ni papa ‘yan, wika ni Jaree. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay bumaba ang
mahalaga sa kanya. O, Marya, bakit ayaw mo naman payagan ang anak nating mag-
aral sa ibang lugar? Eh, kaya naman niya ‘yan ah. Kumindat pa ang ama sa kanya
nang nagsalita na ito. Ngumiti si Jaree at dahan-dahang nilapitan ang kanyang ama
sabay yakap. Haaaaaay naku! Kayo talagang mag-ama, talagang ayaw niyo akong
tigilan. Fabs, alam mo naman na ayoko talagang mahiwalay ang anak natin sa ating
piling. Eh, mama hindi ho naman ‘yan masyadong malayo ah at kahit doon na ako mag-
aral eh uuwi din naman ako dito sa inyo ni papa, di ba papa?! Palabang tanong sa
kanyang papa. Oo naman anak at isa pa may tiwala ako sa’yo. Alam mo ‘yan kasi ang
tiwala ay hindi basta-basta ibinibigay sa tao kung hindi din naman siya karapat-dapat
ka na at nakita kitang lumaki sa amin dito na may tiwala din sa iyong sarili. Iyan ang
dapat mong tandaan, anak. Magtiwala ka at makakabigay ka rin ng tiwala sa iba. Iyan
ang pinakamaganda sa lahat. Napabuntong hininga na lamang ang mama ni Jaree
dahil sa pangaral ng kanyang asawa dahil alam niya talagang may tiwala ang asawa
niya kay Jaree. Pero hindi pa rin ito pumapayag sa gusto ng anak na mag-aral sa ibang
ang mama at papa niya at siya ay may binabasa pang nobela na siyang nakahiligan
niya. Ngunit hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya ng biglang may malakas
na tunog ang pumukaw sa kanyang sama ng loob. Jaree! Jaree! Bilis, halika dito,
tulungan mo ako. Ang papa mo! Pabilis na sabi ng kanyang mama. At nagmamadali
kung anong sanhi ay hindi niya malaman. Mama! Anong nangyari kay papa?! Dali,
tatawag ako ng ambulansya. Sige na Jaree, tumawag kana, bilisan mo, nanginginig na
tinig ng kanyang mama. Hindi nagtagal ay nasa ospital na sila at nasa emergency room
na ang kanyang ama. Sa labas ng emergency room kay umiiyak na ang kanyang mama
kung bakit nagka ganun. Kung bakit sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi man lang
niya naagapan ang aksidenteng iyon. Kung sana’y hindi na lamang siya nakatulog dahil
sa sama ng loob, ay sana’y naagapan niya ito. Naghintay sila ng iilang oras at lumabas
na ang doctor. Ngunit hindi pa lamang niya nakausap ang doktor eh umiyak na ang
mama niya. Lumapit siya agad sa mama niya at nagtanong kung ano ang sinabi ng
lalaking nakaputi at biglang napa iyak ang mama niya. Stroke daw, parang paralisado
na ang papa mo, wika ng ina niya. Napatigil siya sa pagtapik sa kanyang mama at
napaluha siya dahil sa isip niya’y ang papa na lamang niya ang kakampi niya sa
anuman ang gusto niyang maabot at ngayo’y ganito na eh parang gumuho na rin ang
mga pangarap niya. Tumalikod siya at umiyak ng umiyak. Humagulgol siya sa pag iyak
at hindi na niya namalayan na pinapatahan na rin siya ng kanyang mama. Nang inilipat
na ang kanyang ama sa isang silid doon sa ospital ay walang sawa siya sa pag iyak
kapag napapa-isip siya sa mga nangyari sa kanila. Nang mag-umaga na, hindi
kahit hindi na nakakapagsalita ng maayos at halos hindi na talaga maibuka ang bibig ay
nararamdaman at nakikita niya sa mga mata nito na parang gusto na nitong bumangon
at mag trabaho para sa kanila. Hindi kasi sanay ang papa niya na pagsilbihan siya ng
dalawang taong malapit sa puso niya. Papa, magpagaling kayo ha? Ayoko po kayong
ibigo kasi mahal ko po kayo., wika ni Jaree habang tumutulo na ang kanyang luha. Sa
mag-aral sa Maynila. Hindi na naisip ni Jaree ang kanyang sarili, ang pangarap niyang
makapag-aral doon at maranasan ang buhay ng nag-iisa. Ang tanging nasa isip niya ay
ang kanyang ama. Paano niya malalampasan ang pagsubok na ito kung ang taong
mahal niya at mahalaga sa kanya ang susubok sa kanya?! Iyan ang nasa likuran ng
kanyang isipan. Para siyang hinulugan ng problema na hindi naman niya kayang
lutasin. Sa murang isip niya ay nabatid na niya ang kalungkutan. Hindi niya labis
maintindihan kung bakit ang mga taong mababait ang siyang pinupunan ng problema at
ng mga bagay-bagay na sana’y hindi nalang maranasan ng bawat tao sa mundo. Nang
hindi pa naibalik ni Jaree ang kanyang pag-iisip sa tuwirang sitwasyon, humigit ang
hawak ng kanyang ama sa kamay niya at sa pangyayaring iyon, pinahid niya ang
kanyang mga luha at tumingin sa kamay ng papa niya na humahawak sa kamay niya.
Papa? Ano ho? Anong nararamdaman niyo? Wika ni Jaree. Alam niya na hindi sasagot
ang papa niya ngunit panay ang tanong niya dito. Sa mga sandaling iyon, habang
tinitigan siya ng kanyang ama ay parang iiyak na rin ito dahil alam niyang kapag
nakikita siya ng kanyang ama na umiiyak ay nasasaktan ito. Hindi niya maintindihan
ang nararamdaman. Parang kumikirot na naman ang kanyang dibdib dahil sa titig ng
kanyang ama sa kanya na parang may pinapahiwatig. Hindi nagtagal, iilang minuto ang
lumipas ay bumukas ang pinto. Dahan-dahan niyang inilagay pabalik sa higaan ang
kamay ng papa niya na ilang saglit lang ay bumitaw na rin sa kanya. O, Jaree nagising
na pala ang papa mo, wika ng kanyang ina. Oo nga po mama, hinawakan pa nga ako ni
papa sa kamay, wika naman ni Jaree sabay ngiti. Mabuti naman at ganoon dahil hindi
ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko, wika ng ina ni Jaree papalapit sa kanyang
asawa. Tiningnan lamang ni Jaree ang mama niya na hinahaplos ang kanyang papa sa
my balikat. Sa kanyang pagiging isip bata ay unti-unti niyang naiintindihan ang mga
bagay-bagay. Kaya pala ayaw ng mama niyang mag-aral siya sa ibang lugar siguro ay
dahil sa takot nito na mag-isa na lamang siya sa buhay. Iyan ang nasa isipan ngayon ni
Jaree, na ayaw lang pala ng mama niya na umalis siya dahil sa papa din niya. Lumabas
siya ng silid at minabuti na magpa hangin sa labas ng ospital. Nang nasa labas na siya
ng ospital ay patuloy pa rin ang pag-iisip niya sa mga bagay bagay nang biglang may
gumulat sa kanya. Hoy! Tama na ‘yang kakaisip mo. Relax ka muna ‘dyan. Napalingon
siya at nakita niya na si Austin pala ‘yon. Ano ka ba?! Bakit ka ba nanggugulat?! Wika ni
Jaree. Eh kasi, hindi kita makontak eh., sabay kamot sa buhok niya. Eh paano naman
kasi, alam mo naman na si papa nagkaganun, wika ni Jaree. Alam mo, huwag mo
nalang masyadong isipin ‘yan kasi lalo ka lang manghihina niyan. Talagang manghihina
ako sa kakaisip sa aking papa kasi alam na alam mo rin naman kasi na mahal na mahal
ko si papa at hindi talaga ako mapalagay kapag may nangyari sa kanya, wika ni Jaree.
Kaya nga nandito ako ngayon sa harap mo, wika ni Austin. Hmm! Eh, nandito ka nga
pero nanggugulat ka naman, tama ba ‘yun?! Sabi naman ni Jaree. Kaya nga ginulat kita
kasi para masiglahan ka naman kasi ang tamlay mo na o, pabirong wika ni Austin. Che!
Di bale nalang matamlay basta maganda pa rin noh! Pabirong wika ni Jaree. Oo nga, di
bale nalang matamlay, eh ubod pa rin ng ganda, nakangiting sabi ni Austin. Heh!
Binubola mo lang ‘yata ako eh, wika ni Jaree. Hindi ah! Hinding hindi kita bobolahin kasi
hindi kita kayang i-shoot, pabirong sabi ni Austin kay Jaree. Ganoon?! Ewan ko sa’yo,
nakangiting sabi ni Jaree. Halika, puntahan natin si papa, nandoon din si mama. Nang
Jaree sa mama niya. Anak, ang papa mo. Umiiyak na ang mama niya at hindi ‘nya
matukoy kung ano talaga ang tunay na dahilan at naguguluhan na siya. Wala ang papa
niya, biglang nawala na kanina pa ay hawak-hawak nito ang kamay niya. Mama!
Nasaan na nga si papa?! Bakit wala siya ditto? Eh, kanina pa nga ay hawak-hawak niya
ang kamay ko at nakita ko pa nga si papa na tumititig sa akin. Napaluha na rin siya
dahil sa mga pangyayari na hindi niya kailanman inisip o pinangarap. Hindi na niya
hinintay ang sagot ng kanyang mama dahil alam niya na kahit ang mama niya ay hindi
rin gusto ang mga nangyayari at mabigat din para sa loob ng mama niya ang ganitong
kalagayan. Hindi siya maka tingin ng harapan sa iba pang tao doon. Ang napansin lang
niya ay ang mga suot nitong uniporme na talagang mapuputi. Hindi na niya pinansin na
ang mga ito ay ang mga doktor na nagbabantay sa kalagayan ng kanyang papa, ang
mga nars na nagbabantay din at bumibisita sa kanyang papa upang ma check ang
kalagayan nito. Napansin na lamang niya na lumabas na ang mga ito iilang minuto ang
nakalipas. At nandoon pa rin sila ng mama niya at pati na rin ni Austin na nandiyan
lamang sa tabi niya. Iyak pa rin ng iyak ang mama niya sa maraming dahilan. Sa
napakadaming dahilan ng pag-iyak ng mama niya ay isa lamang ang nasa isipan niya
man ang isa ay parang gumuho na ang mundo at hindi nila ito makakaya. Ganoon
nalang ang pag-iisip niya sa mga sandaling iyon dahil nasaksihan niya ang mga taon na
nagmamahalan ang kanyang mga magulang at napuno ang kanilang bahay ng purong
na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin tumahan at parang wala nang balak
na umalis sa kinaroroonan nila. Mama, tama na. Kung anuman ‘yun eh parang wala na
tayong magagawa. Hindi natin hawak ang lahat-lahat. Hindi natin maisasa-ayon ang
mga bagay-bagay ukol sa anong gusto nating mangyari. May mawawala ngunit alam
nating may dumadating. Hindi rin naman doon lang natapos ang pagmamahal na iyan,
mama kasi marami pang tao at bagay na dumarating at naghihintay na mahalin. Hindi
magiging madali ngunit alam natin na walang wakas ang mga pagsubok sa buhok at
nasa sa atin iyon kung ano ang gagawin natin upang maging matagumpay tayo sa
nagawa tayo na nakakapagbigay ligaya sa atin at sa ibang tao. Lumingon ang mama
niya sa kanya at parang napawi ang lungkot sa kanyang mga mata dahil unti-unti nang
hindi tumutulo ang luha ng kanyang ina. Samantalang siya mismo sa kanyang sarili ay
hindi makapaniwala sa lahat ng kanyang nasabi. Hindi niya alam kung saan niya
nakuha ang lahat ng ‘yun basta’t nasabi niya ang mga iyon ng buong puso at walang
anumang bahid ng pagka isip bata niya. Lumipas ang ilang araw ay punu pa rin ng
katahimikan ang bahay nila. Hindi niya gusto ang ganoon ngunit wala siyang magawa
kasi ang mama niya ang parang wala pa sa kanyang tunay na katauhan. Anumang pilit
niya na mapaligaya ito, kung ngumiti man ay parang wala pa ring nangyayari. Hindi niya
alam kung papaano ito manunumbalik sa normal. Kaya naisipan na lamang niya na
huwag nalang munang pilitin ang mama niya na lumigaya gaya ng dati, hihintayin na
lamang niya na ang pagkakataon mismo ang babago sa lahat ng pinagdadaanan nila
ngunit kapag ginawa niya iyon, wala ng ibang taong makakatulong na lumigaya kahit
saglit ang kanyang mama. Nagdaan pa ang ilang araw at parang wala pa ring nagbago
sa takbo ng buhay nila. Napa isip siya uli na kung sana’y buhay pa ang papa niya,
siguro’y hindi sila ganyan kalungkot ngayon. Sana’y makakapag-aral siya sa maynila.
Sana’y natupad niya ang kanyang mga pangarap. Ngunit, hindi rin naman niya
pinagsisihan ang mga nangyari kahit nawala ang papa niya kasi dahil doon ay parang
binigyan siya ng pagkakataon na alagaan naman ang mama niya, na mahalin ito kahit
pa ay hindi niya gusto ang pagkabungangera nito at kahit pa sobrang higpit nito sa
kanya sa ibang mga bagay. Nagdaan pa ang ilang araw, hanggang naging linggo, hindi
pa rin bumabalik ang dating sigla ng kanyang mama. Ang pagkabungangera nito ay
sarili kung ano ang mararamdaman niya dahil talagang kahit siya ay unti-unti na ring
na niya ‘yung iniisip dahil pabalik-balik ang kanyang pagnanais na makamit ang mg
iyon. Ngunit ano pa ang dahilan na makamit niya ang mga pangarap niya na kahit ang
pangarap. Napa-iyak na naman siya sa kanyang pag-iisip. Hindi kasi niya inaasahan na
bahay ay nakita niya ang kanyang mama na parang nagka buhay ulit. Ngayon lang kasi
niya nakita ang mama niya na parang may ngiti na sa mga labi nito at hindi na parang
matamlay ang kilos at pakiramdam. Nilapitan siya nito at niyakap. Natulala siya at
nangyayari sa inyo? Ba’t mo kayo parang biglang natauhan? Bakit po bigla kayong
nasiglahan? Maiging tanong ni Jaree sa mama niya. Kasi anak, inisip kong mabuti ang
mga pangyayari sa ating buhay, ang lahat n gating mga napagdaanan at dadaanan pa
na mas marami pala ang napagdaanan nating masasaya kumpara sa mga malulungkot
na pangyayari. Ang lahat pala ng nangyayari sa ating buhay maging noon man o
ngayon ay kapwa ibinibigay ng maykapal sa atin upang tayo’y maging mas mabuting
nilalang sa mundo. Maging mabuting, tao para sa ibang tao din, maging mabuting bata
para sa mga magulang, maging mabuting babae para sa lalaki at maging mabuting ina
para sa pamilya. Ang lahat ng ‘yan ay ibig kong gawin, anak., madamdaming wika ng
ina ni Jaree. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng mga narinig niya. Hindi siya
kanya ay ngayo’y isa nang parang mahinhin na tao na may malasakit sa kapwa lalong-
lalo na sa anak. Mama, masaya po ako na hindi na ho kayo ganuon kalungkot. Alam ko
ho na darating ang araw na ito at ngayon, nangyari na nga ang pinakahihintay ko.
Nagpapasalamat ako sayo anak, dahil hindi mo ako iniwan at hindi ka nagsawa na
ako’y unawain, wika naman ng kanyang ina. Salamat mama, mahal na mahal kop o
kayo. Sabay yakap sa ina. Alam mo anak, ako ngayo’y talagang masaya at nakita
kitang nakangiti ngunit alam kong mas may malaking ngiti ka pang maibibigay kapag
Talaga po mama?! Agresibong tanong ni Jaree sa kanyang mama. Oo, anak dahil alam
kong iyan ang ikasasaya mo, wika ng mama niya. At dito, sa pagkakataong ito
nagyakapan ang mag-ina dahil sa anumang pagsubok ng buhay ay nandiyan pa rin sila
sa isa’t-isa. At dito nagwawakas ang kwento ng dalagang, may pangarap na kahit maliit