You are on page 1of 6

Ang Pamana - Jose Corazon de Jesus

"Isang araw ang ina koy nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumit mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina koy tila baga nalulumbay At ang sabi itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silyat aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman. Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking matay may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan nat may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. Ang ibig ko sana, Inay ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ikay Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin? Wala naman, yaong sagot baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silyat aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw. Ngunit Inang, ang sagot ko, ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig koy ikaw ina, ang ibig koy ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana koy ikaw Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ikay wala pang kapantay.

Ang Matampuhin Lope K. Santos


Damong makahiya na munting masanggiy nangunguyumpis nat buong nakikimi, matalsikan lamang hamog na kontit halik ng amihay mabigla sa dampi mga kinaliskis na dahoy tutupit tila na totoong lanta nat unsyami. Mutyang balintataw ng buwang maningning sa salang mabiro ng masayang hangiy pipikit na agad sa likod ng dilim, panakaw-nakaw na sa lupay titingin, sa tanaw ng ulap at ng panganorin. Malinaw na batis ng mahinhing bukal na napalalabo ng bahagyang ulan, kahit dahong tuyo na malaglag lamang ay nagdaramdam nang tila nasugatan; isang munting batong sa kanyay magalaw ay dumaraing na at natitigilan. Matingkad na kulay ng mayuming sutlang kay-sarap damitin at napakagara, munting mapatakan ng hamog o luha, ay natulukot nat agad namumutla; salang malibangan sa taguang sadya y pinamamahayan ng ipis at tanga. Kalapating puting may batik sa pakpak, munting makalayay malayo ang lipad; habang masagana sa sariling pugad, ay napakaamo at di lumalayas; nguni, pag sa palay ay minsang manalat, sa may-alagad man ay nagmamailap. Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay ay wala sa pusong laging mapagdamdam; hindi nagluluwat ang kapayapaang mamahay sa palad na hubad sa lumbay; lalo sa pag-irog, ang tampoy di bagay kaning mayat-maya at, nakamamatay!

Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan Amano V. Hernandez


Lumuha ka, aking Bayan: buong lungkot mong iluha ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: ang bandilang sagisag moy lukob ng dayong bandila, pati wikang minana moy busabos ng ibang wika; ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya, labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila. Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang, sa libingan ng maliit, ang malakiy may libangan; katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang, katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan; walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban, tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan! Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop na sa iyoy pampahirap, sa banyagay pampalusog: ang lahat mong kayamanay kamal-kamal na naubos, ang lahat mong kalayaay sabay-sabay na natapos; masdan mo ang iyong lupa, dayong hukboy nakatanod, masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot! Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon, kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon, kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong, kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol, kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon, lumuha nang lumuhat ang laya moy nakaburol. May araw ding ang luha moy masasaid, matutuyo, may araw ding di na luha sa mata mong namumugto ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo, samantalang and dugo mo ay aserong kumukulo; sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo at ang lumang tanikalay lalagutin mo ng punlo!

Ang Nayon Ko Emilio Mar. Antonio


Hayun sa malayo! Tanawin: kay-kitid; Lapitan: kay-lawak ng tanimang-bukid: Sa bungad; sabana; sa hulo ay batis; Sa libis ay sapang pasapyaw ang tubig! At doon sa tila tuunan ng langit, Ay mga latiang ilog ang nagligid. Sa may gitna nito, ng nayon kong hirang Ay may magkakatnig na sangang-lansangan; Sa dakong kaliwa; luwang ng lagusan Ng payaot ditong naglalakbay bayan; Ngunit anong kipot ng landas sa kanan, Sa puno: Bisita; sa dulo: Libingan! Kaya kita irog pinipilit yayain Sa nayon kong itong matimbang sa akin, Ibig koy sa bawat bagay na malasin Ay palihim akong iyong usisain; Hayan, pagmasdan mo ang bukid sa amin, Ang tanim ay Dusa; Tuwa kung anihin. Sa sabanang ito? Diyan napatsod Nang unang madapa ang batang-pagluhog: Sa batis ding iyan nawalat nalunod Ang karapatan kong tinangay ng agos! Subalit sa lati na ligid ng ilog, Nilaro ko naman ang ibang pag-irog. Nang akoy magbiro, puso koy mapalad; Nang magpakabuti ay saka naghirap. Kaya pala gayon, irog ko, salamat! Sa sangang-lansangan, may dapat matatap; Sa saliwang-gawi: kay-luwag lumakad, Sa kanang mabuti: kay-sikip umusad. Saka nakilalang ang kristal na tubig, Sa kailalimay may lusaw na putik; Kung alin ang lalong tapat na pag-ibig,

Siyang umaanod sa madlang panganib! (Sa batis ng buhay: tabsing ang ligalig Na ang linalaboy ang pananahimik.) Kaya ang bisitay tapat ng libingan Sa nayon koy luhat dasal ang suyuan; Irog pagmasdan mot sa sariling buhay, Ang kataksilan koy may yari nang hukay! Isinama kitat nang iyong malamang Ditoy walang oong bigay-bawi lamang.

Ang Halik Florentino Collantes


May nangagsasabing ang halik ng tao Ay isang pagkaing lutong paraiso Anang iba naman ay lutong impyerno Ewan ko kung alin dito ang totoo, Marahil sa langgam ang tao natuto Sapagkat una na ang hayop na ito. At tayong Pilipino sa Kastila lamang Umano natuto ng paghahalikan Sa Amerikano tayo nasanay Ng gawang paghalik kahit sa lansangan. Datapwat sa aking ganang pagkabatid Tayoy may sarilit katutubong halik May halik Pilipino may halik Ingles May halik Kastila at may halik Intsik. Ang halik ng Intsik ay pahigup-laway Pisngiy ginagawang mangkok ng linugaw Parang humuhithit sa kwako ng apyan Parang pumapangos ng tubong sinambay Ang halik ng Ingles ay pasipsip-suso Dikdikan ng labit ngudnguran ng nguso Datapwa ang atin, ang halik Pilipino Ay hinid pasipsip ni hindi pasupsop Kung hindi pasiil, paamoy, pasinghot. Ang halik ay bugtong na kataka-taka Pabango ng puso at ng kaluluwa Sa iisang tao ay walang halaga Ngunit pulot gata kapag sa dalawa. Ang halik ay mahal,banal at dakila Ngunit nahihingi kung sa munting bata Itoy ninanakaw ng mga binata Ngunit binibili ng mga matanda. Ang halik sa sanggol isang kautangan Sa mutyang kasuyo itoy karapatan Tanda ng pag-ibig, ng damdaming banal Ngunit balatkayo ng pusong tulisan. Ang halik sa sinta pag-asang sariwa Sa mutyang asaway pagsintang dakila Datapwat sa isang dalagang matanda Ang halik ay isang pagkakawanggawa.

You might also like