You are on page 1of 7

AUDIE GEMORA Si Audie ay isang modelo sa kamera, mangaawit sa telebisyon, radio at mga naiimprintang patalastas, hindi lang iyon,

siya rin ang nagging tagapagtanggap ng Best Voice Talent Award sa 1995 Creative Guild Awards para sa kanyang komersyal pangradyo na Lifestyles. Ang katagang Multi-Talented ay iginawad kay Audie dahil siya ay mahusay sa pag-arte sa entablado, sa telebisyon at sa mga pelikula, mahusay siya sa pag-awit at pagrekord ng mga kanta, Isa rin siyang mananayaw, host at tagapagpahayag sa mga komersyal sa TV at radio;isa rin siyang direktor at tagagawa ng pelikula. Gayunman, sa kabila ng madami niyang tagumpay, ang pangalang Audie Gemora ay palagi paring kaugnay ng Teatro sapagkat rito talaga siya mahusay. Siya ay lumitaw sa mahigit 40 na dula, ilan sa mga ito ang Florante at Laura, Noli Me Tangere par sa CCP Tanghalang Pilipino, A Christmas Carol para sa Repertory Philippines, Les Miserables, Ang paglalakbay ni Radiya Mangandiri para sa PETA, Joseph the Dreamer, The Last Five Years para naman sa Actors Actors Inc. at iba pa. Nagkamit siya ng karangalan Best Performance as Male Lead in a Musical sa taong 2010 sa Philstage Gawad Buhay Awards para sa kanyang pagganap sa SWEENY TODD. Dahil sa dami ng papel na kanyang nagampanan at dahil isa siya sa iilan lamang na artistang kayang umarte sa Inglas at

Tagalog, tinagurian din siyang King of Philippine Musical Theater. Isa siya sa mga nakatuklas ng isa sa mga nangungunang teatro sa bansa, ang TRUMPETS. Ilan sa mga kilalang musical na naitanghal nito na nagging patok sa mga manonood ay ang First Name, The Lion The Witch and The Wardrobe, The little Mermaid at N.O.A.H. (No Ordinary Aquatic Habitat) na naipalabas kamakailan lang. Nakapagtatag din siya ng PLAY SHOP, ang nagungunang multimedia summer workshop sa bansa at ang kaakay nitong MUSICADEMY. Ang pinakahuling itinatag niya ay ang MY TALENT workshops. Nakapagdirek na siya ng mga produksyong panteatro tulad ng The Fantasies, Youre a Good Man Charlie Brown, Saturday Night Fever, High School Musical at Equus na nagwagi ng Best Stage Direction sa Philstage Gawad Buhay Awards 2010. Siya rin ang pangulo ng STAGES PRODUCTION SPECIALISTS INC. Siya ay isa sa mga iginagalang sa sining ng musika kung kayat binoto siya ng kanyang mga kaibigan upang maging pangalawang pangulo ng External Affairs of OPM.

RYAN CAYABYAB Ang nag-iisang nanalo sa 2001 Onassis International Cultural Competitions ay naging ehemplo ng mga Talentadong Pilipino sa mundo ng musika. Siya ay isang maestro ng kanyang sining. Isa siyang musikerong walang hirap na nagpapali-palitng genre ng musika. Siya ay sumikat sa pagsulat ng mga kanta, sa pag-aayos ng mga komposisyon, tagagawa, sa pagiging director ng musika, magaling na konduktor, accompanist at artista , host sa telebisyon, guro sa musika at administrador sa sining. Nakapagtanghal na siya bilang director ng musika, konduktor at accompanist sa Lincoln Center, the Washington Convention Center, yung Shrine sa Los Angeles, yung Orpheum sa Vancouver at pati na rin sa Caesars Palace, Las Vegas. Sa pagiging director ng musika, siyay nagkaroon ng pagkakataong makapunta sa Australia, Germany, France, Spain, Netherlands, Japan at sa United States. Nakatrabaho pa niya sa isang palabas si Sammy Davis, Jr. at Frank Sinatra. Bilang kompositor, ang kanyang mga nilikha ay nagkamit ng mga parangal mula sa Onassis International Cultural Competitions noong 2001, sa unang Metro Manila Song Festival 1978, First Seoul Song Festival 1978, Voice of Asia Song Festival 1992 sa datind U.S.S.R., Tokyo Music Festival 1993, New York Film at Television Awards 1991.

Sa pangkalahatan, sampung mga music score awards ang kanyang kanyang natanggap, 21 na parangal naman galling sa mga industriyang recording, maraming gintong medalya para sa ibat ibang recording at pati na rin ang lifetime achievement na parangal mula sa industriya rin ng recording noong 1996. Si Cayabyab ang dating nanungkulang executive at artist director ng San Miguel Foundation. Kasama ang kanyang asawang si Emmy, itinatag niya ang The Music School of Ryan Cayabya. Siya rin ang nagging punong hukom sa unang sison ng Philippine Idol, ang Headmaster ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN at nakapagpalabas na siya ng dalawang cd na naglalaman ng kanyang mga obra, PDA Scholars Sing Caybyab. Mayroon siyang dalawang anak, si Cristina Maria na 23 ang edad at si Antonio Maria na ang edad ay 20.

BIENVENIDO LUMBERA Nagtapos noong 1954 sa Unibersidad ng Santo Tomas ng Litt.B. Journalism, cum laude. Sa Indian University (USA), tinanggap niya ang MA at Ph.D. noong 1960 at 1967. Nagturo sa Ateneo de Manila, sa Hanover College (USA) at tatlong taon sa Osaka University of Foreign Studies (Japan). Kasalukuyang Emeritus Professor sa College of Arts and Letters, U.P. Mayroon siyang 3 libro ng tula: Likhang Dila, Likhang Diwa (1993), Balaybay (2002) at Poetika Politika (2008). Ang apat niyang dulang may musika ay nasa librong Sa Sariling Bayan (2004): Nasa Puso ang Amerika, Bayani, Noli Me Tangere, at Hibik at Himagsik nina Victoria Laktaw. May iba pa siyang dulang hindi naipapalibro: Tales of Manuvu, Ang Palabas Bukas, Rama Hari at Ang Sarsuwela sa San Salvador. Ang rock musical na Banaag at Sikat ay nakatakdang itanghal sa ikatlong linggo ng Agosto ng taong 2010. Marami siyang isinalin sa wikang Filipino, kabilang na rito ang Julio Cesar (Shakespeare), Kaaway (Maxim Gorky), Kasal sa Dugo (Federico Garcia Lorca), at Retrato ng Artista Bilang Filipino (Nick Joaquin) na nakapaloob sa Entablado Klasiko(Ateneo de Manila University Press, 2007). Isa siya sa mga nagtatag Manunuri ng Pelikulang Pilipino at siyay chair ng Concerned Artists of the Philippines. Siya ay nagkamit nga Communication Arts noong 1993, at ginawaran ng karangalang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan (2003).

SALVADOR BERNAL Nagsimula si Salvador Bernal sa pagdidisenyo ng sets at kasuotan para sa Ballet Philippines noong 1973 at mula noon ay nagtrabaho na siya bilang tagadisenyo ng residente para sa BP ng ilang taon. Siya rin ang nagdisenyo ng sets at kasuotan ng Tanghalang Pilipino mula noong 1978. Nakatapos siya ng B.S. Philosophy sa Ateneo de Manila University noong 1966 at kumuha siya ng kursong Master of Fine Arts in Scene Design sa Northwestern University sa Evanston,Illinois noong 1973. Bilang isang iskolar ng konseho ng Brittain, pinagmanmanan niya ang teatro ng England sa Royal Shakespear Company at sa Royal Opera House. Siya rin ang naging direktor at tagapagpayo ng Production Design Center ng CCP mula 1987 hanggang 1994. Siya ay kasalukuyang nagtuturo sa Ateneo de Manila at naninilbihang pangulo ng PATDAT(Philippine Association of Theater Designers and Technicians) at OISTAT Philippines, ang kagawaran ng internasyonal na samahan ng mga nagdidisenyo ng entablado, mga arkitekto ng teatro at mga teknisyan.

You might also like