You are on page 1of 5

MGA MANG-AAWIT NA MAY SOPRANO NA BOSES

LEA SALONGA - Katulad ng mga artista sa kasalukuyan, siya rin naman ay may
pinagkukunan ng inspirasyon, at nagsikap din siya. Ngunit ang musical play na
nagpasikat nang lalo sa kanya ay ang “Miss Saigon" kung saan niya ginanapan
ang papel bilang si Kim.

LANI MISALUCHA - ay isang mang-aawit na Filipino dahil sa kanyang angking galing


sa pagkanta ay tinaguriang Asia's Nightingale. Si Lani Misalucha ay bihasa sa
pag awit ng pop, rock, jazz, r & b, broadway at operatic arias. Siya
kasalukuyang namamayagpag sa Las Vegas bilang isang performer. Si Lani ay
may kakayahang gayahin sa abot ng kanyang makakaya ang ilang mga
batikang mang-aawit sa Pilipinas tulad ni Kuh Ledesma (Pop Diva), Zsa Zsa
Padilla (Divine Diva), Jaya Ramsey (Asia's Soul Diva), Ella May Saison ( Asia's
RNB Diva), Verni Varga ( Asia's Jazz Diva), Sharon Cuneta (Megastar), Pilita
Corales (Asia's Queen of Songs) at ang pinakamahigpit na karibal gayundin
naman na kaibigang si Regine Velasquez (Asia's Songbird). Nagagawa rin
niyang gayahin ang mga batikang singers sa ibang bansa tulad nila Barbra
Streisand, Whitney Houston, Mariah Carey, Celine Dion, Toni Braxton, Beyonce
at Jennifer Lopez.

Si Lani ay may malawak na vocal range at dinamikong vocal techniques. Si


Lani Misalucha ngayon ang isa sa pinakamagaling na mang-aawit sa Pilipinas
na tinitingala sa buong mundo tulad nila Lea Salonga, Regine Velasquez at
Charice Pempengco. Ilan sa mga young divas ang sumusunod sa kanyang
yapak ay sina: Kyla, Rachelle Ann Go at Jonalyn Viray.

CHARICE PEMPENGCO - Si Charmaine Clarice Relucio Pempengco, o mas kilala


bilang Charice Pempengco (ipinanganak Mayo 10, 1993) ay unang nakilala
bilang isang Pilipinang mang-aawit na pumangatlo sa paligsahang Little Big
Star. Mas lalo siyang sumikat dahil sa mga bidyo ng kanyang pagkanta
saYouTube.

SARAH GERONIMO - ay isang mangangantang Pilipino, aktres at modelo. Siya ang


nagwagi sa reality show na Star for a Night sa Pilipinas kaya siya sumikat.

REGINE VELASQUEZ - ay isang Pilipinang napakagaling na mang-aawit. Siya ay


kinikilalang Asia's Songbird. Siya ay kilala sahil sa kanyang napakataas at
napakalawak na vocal range. Marami rami na ring mga baguhang singers ang
naimpluwensiyahan ng istilo ng pag-awit ni Regine Velasquez. Lahat sila ay
umiidolo sa nag-iisang Asia's Songbird, tulad nila Jaya Ramsey, Dessa, Ima
Castro, Nina, Kyla, Sarah Geronimo, Charice Pempengco, Sheryn Regis,
Rachelle Ann Go at Jonalyn Viray.
MGA MANG-AAWIT NA MAY ALTO NA BOSES

JAYA - ay isang Pilipinang Mang-aawit. Minsan na rin niyang napatunayan na


ang Pilipino ay di pahuhuli sa Estados Unidos sapagkat nag-number one ang
single niya roon at tumagal ng isang lingo. Siya ang anak ng
komedyanteng Bisaya na si Elizabeth Ramsey

CLAIRE DELA FUENTE- Si Clarita Crisostomo de la Fuente o mas kilala sa tawag


na Claire dela Fuente ang isa sa mga tinaguriang Jukebox Queens sa
industriya ng awitan sa Filipinas. Siya rin ay binansagang "Karen Carpenter of
the Philippines" dahil sa pagkakahawig ng timbre ng boses nila ni Karen
Carpenter, ang tanyag na Amerikanong mang-aawit na namatay noong taong
1983 dahil sa sakit na Anorexia Nervosa. Maituturing walang hanggan ang
kaniyang kabantugan dahil sa mga pinasikat niyang kanta lalo na ang awiting
"Nakaw na Pag-Ibig" at "Sayang". Nakapagpalabas si dela Fuente ng 16
na album kung saan ang isa doon ay nai-rekord ng Warner Records at Wea
International na inilabas sa Hong Kong at sa iba pang parte ng Asya.

Ipinanaganak noong ika-28 ng Disyembre, natuklasan ni Claire dela Fuente na


katimbre niya ng boses si Karen Carpenter noong siya ay nag-aral ng
sekondarya sa Philippine Cultural High School saLungsod Kalookan. Mula noon
ay ginamit na niya ito upang maabot ang pangarap na kasikatan. Habang siya
naman ay nag-aaral ng Accounting sa University of the East, nagkamit siya ng
unang gantimpala sa awiting "Love Me for What I Am" at nakuha ang atensyon
ni George Canseco, ang tanyag na musical director. Inirekomenda ni Canseco
si Claire na gawin ang patalastas ng Hope, isang tatak ng sigarilyo na tunay na
naging tanyag at matagal na isinahimpapawid sa telebisyon. Mula noon, ay
nagtulouy-tuloy na ang kaniyang kasikatan hanggang sa napabilang na siya sa
titulong, Jukebox Queens.

AIZA SEGUERRA - ay isang mang-aawit at artistang Filipino na nanalo siya sa Little


Miss Philippines ng Eat Bulaga!. Ito ang naging daan para maging ganap na
isang sikat na artista. Karamihan ng mga pelikula niya ay gawa ng Regal
Films kung saan siya naka-kontrata. Inaamin niya na isa siyang lesbiyana.

JENNYLYN MERCADO - ay isang artista at mang-aawit sa Pilipinas. Nakilala siya


pagkatapos manalo sa unang season ng StarStruck, isang reality show ng GMA
Network na naghahanap ng mga bagong artista sa Pilipinas.

KAYE BROSAS – Maria Carmela Brosas ang tunay nyang pangalan. Isang aktres,
stand-up comedian, mang-aawit at host. Dati siyang lead singer ng bandang
Gladys and the Boxers
MGA MANG-AAWIT NA MAY TENOR NA BOSES

OGIE ALCASID - Si Herminio Alcasid, Jr., na mas tanyag bilang Ogie


Alcasid (ipinanganak Agosto 27, 1967), ay isang Pilipinong mang-aawit,
kompositor, komedyante, aktor at isang negosyante . Nagsimula ang karera ni
Alcasid sa telebisyon bilang isa sa mga host ng palabas pangkomedya
na Small Brothers sa ABS-CBN noong 1992. Lumabas din siya sa ibang mga
programang pangkomedya ng ABS-CBN gaya ng Mana Mana (mula 1991
hanggang 1992), sa programang Tropang Trumpo sa ABC mula (1994
hanggang 1995), sa programang Bubble Gang ng GMA Network(mula 1995
hanggang kasalukuyan), at sa programang Ay, Robot! ng QTV (mula 2005-
2007).

Nagsimula si Alcasid bilang isang mang-aawit noong 1989 nang ilabas niya ang
kanyang sariling pangalang album na Ogie Alcasid na umabot sa antas na gold
record status, samantalang ang kanyang unang single na "Nandito Ako" ay
pinarangalang bilang "Awit ng Taon" ng lokal na istasyong pang-radyo na Magic
89.9. Simula noon ay nakapaglabas na siya ng 18 pang mga album, kasama
ang album pangpasko na "Larawan ng Pasko" noong 1994, isang live
album (OA sa Hits (Live)) noong 2002, at apat na greatest hits album.
Siya ay nakatanggap ng kabuuang limang gintong records, tatlong platinum na
records, at tatlong dobleng platinum na records

JED MADELA -ay ipinanganak noong ika-14 ng Hulyo 1980 sa lalawigan ng Iloilo.
Panganay sa tatlong magkakapatid, nagtapos siya ng kursong Business
Administration sa University of San Agustin-Iloilo. Bata pa lamang ay hilig na
niyang kumanta ngunit mas gusto ng kaniyang ama na siya'y lumihis bilang
isang mang-aawit at magkaroon na lamang ng isang mas matatag na karera
tulad ng pagiging isang flight steward o isang medical representative. Subalit
ipinagpatuloy pa rin ni Madela ang pagbabanda sa lalawigan at nung naglaon,
ay sinubukan ang swerte dito sa Maynila. Hindi nagtagal, siya ay naging
kalahok sa isang kumpetisyon sa bansang Kazakhastan at doon ay nanalo ng
2003 People's Choice Award at Best Voice of Asia Male Singer Award. Mula
noon ay tuluyan na siyang pinahintulutan ng kaniyang ama na maging isang
propesyonal na mang-aawit. Mula din noon ay sunud-sunod na rin ang
kaniyang naging mga tagumpay at pagtanggap ng mga papuri hindi lamang dito
sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

CHRISTIAN BAUTISTA - Si Christian Bautista ay isang mang-aawit at artista sa


Pilipinas. Una siyang nakilala sa programang Star in a Million. Ilan sa mga
kantang kanyang pinasikat ay ang mga sumusunod: Hands to Heaven, The
Way You Look At Me at Missing Piece.
PIOLO PASCUAL – ay isang Pilipinong aktor sa telebisyon at pelikula, mang-aawit at
manunulat ng mga awitin, at gumagawa ng pelikula. Unang napanood si Piolo
sa telebisyon sa programang pambata At Iba Pa o ATBP. Nakilala rin siya sa
pelikulang Batang PX bilang pangalawang paganap at sa
pelikulang Lagarista kung saan siya ang bida at nagtamo ng nominasyon sa
Gawad Urian.

MARK BAUTISTA – ay isang mang-aawit, actor at modelo. Ipinanganak siya sa


Cagayan de Oro City. Nakilala siya nung nagging Grand finalist siya sa
Philippine reality TV talent search na Star for a Night kung saan pumangalawa
siya kay Sarah Geronimo.

MGA MANG-AAWIT NA MAY BAJO NA BOSES

ARIEL RIVERA - Jose Ariel Jimenez Rivera ang kanyang tunay na


pangalan. Ipinanganak siya dito sa Pilipinas ngunit nag-migrate ang kanilang
pamilya sa Canada. Isa siyang Arkitekto sa Canada bago pa siya naging mang-
aawit. Nakilala siya bilang Kilabot ng Kolehiyala. Ilan sa mga awitin nyang
sumikat ay ang Sana Kahit Minsan, Simple Lang at Photograph.

FREDDIE AGUILAR - ay isang Pilipinong mang-aawit. Naninirahan siya sa Maynila.


Siya ang nagpasikat sa mga kantang Magdalena, Estudyante Blues, Kumusta
Ka at Anak.

CHITO MIRANDA - Alfonso "Chito" Miranda, Jr. ay isang mang-aawit, manunulat at


kilalang lead singer ng bandang Parokya ni Edgar. Nag-aral sya ng
Elementarya at Sekondarya s Ateneo de Manila University at doon nakilala nya
ang iba pang miyembro ng knilang banda. Sa mga sikat na Clubs sa Manila sila
noon kumakanta hanggang sa nakilala sila at sumikat.

CHAD BORJA - Isang Cebuano at magaling na mang-aawit. Nag-aral sya ng kursong


Bachelor of Science in Accountancy sa San Carlos University. Nabigyan siya
ng break nung nakasama nya sa isang pagtatanghal si Kuh Ledesma sa
Amerika.

JANNO GIBBS - ay isang mang-aawit at komedyante. Nag-umpisa siya noong 1986


bilang miyembro ng That’s Entertainment sa GMA Network. Ilan sa mga kanta
nyang sumikat ay ang Ipagpatawad Mo, Ikaw Lamang at Fallin’.

Rico J. Puno
Ipinasa ni:

MATTHEW MORMON E. GUINTO


Grade V

You might also like