You are on page 1of 4

Liwayway A.

Arceo

Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na


nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na
sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-
mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong
Tagalog o Filipino. B
Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998); * Mga Bathalang Putik
(1998) * Titser (1995) * Canal de la Reina (1985) * Ina, Maybahay, Anak at iba
pa (1998) * Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997) * Mga Maria, Mga Eva (1995) *
Ang Mag-anak na Cruz (1990) * Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992) *
Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968).
Genoveva Edroza-Matute
tinaguriang “BATA” sa kanyang mga akda

Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 – 21 Marso 2009) ay isang bantog na


kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog,
na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at
nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon
ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong
Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero
1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni
Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa
Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag
sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Narciso G. Reyes

Narciso G. Reyes (2 Pebrero 1914 sa Tondo - 7 Mayo 1996) ay


isang Pilipinong diplomat at may-akda. Naglingkod siya bilang
Chairman ng UNICEF mula 1972 hanggang 1974 at bilang Kalihim
ng Heneral ng Association of Southeast Asian Nations mula 1980
hanggang 1982. Nagsisilbi rin si Reyes bilang Permanenteng
Kinatawan sa United Nations at Ambasador sa United Kingdom, China
at iba pang mga bansa

You might also like