You are on page 1of 4

MANINDIGAN AT IPAGLABAN MO

Session Guide Blg. 1

I. MGA LAYUNIN

1. Naipahihiwatig ang sariling ideya at pagpapahalaga sa isyu


2. Naipakikita ang sariling kakayahang ipaglaban ang paniniwala
3. Natutukoy ang taglay na pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay

II. PAKSA

A. Aralin 1 : Ano ang Paninindigan Mo Tungkol Sa Isyung Ito ?, pp.

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay :


Pansariling kamalayan, paglutas ng suliranin at
mabisang komunikasyon

B. Kagamitan : Diyaryo

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Pagganyak

• Hikayatin ang mag-aaral na magbahagi ng mga balitang narinig


nila sa Radyo o napanood sa TV. Hayaang makinig sa balita at
sa mga mahalagang isyu na pinag-usapan.
• Magtalaga ng 2 mag-aaral na babasa ng ilang balita o isyu na
nasa diyaryo.
• Ipaliwanag ang tungkulin ng tagapakinig:

- Alalahanin ang pamantayan sa wastong pakikinig


- Ipatala ang mga isyu na mababanggit sa ulat
- Suriin kung bakit ito ay masasabing isyu

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

• Ipabasa ang komik istrip sa pahina 5-10 ng Modyul.


• Pasagutan ang mga pagsasanay sa Magbalik-Aral Tayo, sa
pahina 10-11 ng Modyul na ang nilalamang isyu ay tungkol sa
pagpapalibing kay dating Presidente Marcos sa libingan ng Mga
Bayani
• Pag-usapan ang mga sagot
• Suriin ang mga sagot ng mga mag-aaral. Patingnan kung aling
sagot ang magkakatulad.

2. Pagtatalakayan

• Hatiin sa 5 grupo ang mag-aaral.


• Bigyan ng gawain ang bawat grupo.
• Hikayatin na magkaroon ng maliit na talakayan ang mga grupo
tungkol sa paksang naiatang sa kanila.

- Pangkat I - Talakayin at ipasadula ang komik istrip na ukol


sa pagpapalibing kay Presidente Marcos sa
Libingan ng Mga Bayani sa pahina 4-5.
Sagutan ang tanong sa Mag-aral Tayo sa
pahina 10-11.

- Pangkat II - Ipabasa ang ukol sa pagpapahalaga ng mga


Pilipino na nasa Alamin Natin sa pahina 11.
Ipasadula ang nilalaman ng Basahin Natin Ito
sa pahina 12-13. Pasagutan ang tanong sa
Magbalik- Aral Tayo sa pahina 13.

- Pangkat III - Ipahayag nang may damdamin ang isinasaad


sa larawan sa pahina 14-15. Ito ay ukol sa
tama at makatotohanang paninindigan.
Pasagutan at ipasagot ang mga tanong sa
Basahin Natin, pahina 15.

- Pangkat IV - Ipa role play ang ipinahahayag ng mga


larawan ukol sa illegal logging na nasa pahina
16. Ipabasa ang sulat sa pahina 17. Pasagutan
ang mga tanong sa Pag-isipan Natin Ito.

- Pangkat V - Ipa role play ang paraan ng pagtitimpi na


isinasaad sa pahina 18. Ipatalakay ang
kanilang paksa.

• Ipasulat ang tungkol sa paksa at kasagutan sa mga tanong


(bawat pangkat)
• Ipabigay ang buod ng paksang tinalakay
• Pabigyang diin ang pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay
tulad ng pansariling kamalayan, paglutas ng suliranin, mabisang
komunikasyon.

2
3. Paglalahat

• Ipasagutan ang sumusunod na mga tanong:


a. Ano ang pinakamahalagang bagay na natutuhan ninyo
sa araw na ito ?
b. Ano pa ang hindi malinaw sa araling ito ?
c. Ano pa ang gusto mong malaman tungkol sa paksa ?
d. Ano sa paksa o mga paksang tinalakay ang nakaantig ng
iyong damdamin ?
e. Ilagay ito sa isang tsart :

Pinakamahalagang Hindi Gustong Nakaantig


Bagay Malinaw Malaman ng
Damdamin

4. Paglalapat

Magpasadula ng ilang sitwasyon na makapag-bibigay kaalaman


kung ano ang nararapat gawin kung maninindigan sa isang
mahalagang isyu.

5. Pagpapahalaga

• Bakit mahalagang panindigan ang prinsipyo sa iba’t ibang


pagkakataon ?
• Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na magbigay ng
kahalagahan ng paninindigan at prinsipyo.

IV. PAGTATAYA

• Pasagutan ang mga pagsasanay sa Anu-ano na ang Mga Alam


Mo? sa pahina 2-3 ng Modyul.
• Ipahambing ang inyong sagot sa pahina 32 ng Modyul.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

• Ipabahagi sa mga kaibigan, kapitbahay at kapamilya ang mga


natutuhan sa araling ito.

3
• Magsagawa ng pagsasaliksik sa ilang isyu na kinakaharap sa
kasalukuyan. Tingnan ang talahanayan sa Subukan Natin Ito,
pahina 25 ng Modyul. Bilang gabay, tingnan ang mga halimbawa
sa pahina 26.

You might also like