2
Mabuhay
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
SETYEMBRE 5 - 11, 2008
EDITORIAL
Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, JoseGerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose Visitacion Q.Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto Raymundo Jr.,Dino Balabo
PRODUCTION
Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia,Mark F. Mata, Maricel P. Dayag
PHOTOGRAPHY / ART
Eden Uy, Allan Peñaredondo, Joseph Ryan S.Pavia
BUSINESS / ADMINISTRATION
Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez, Peñaflor Crystal,J. Victorina P. Vergara, Cecile S. Pavia, LuisFrancisco, Domingo Ungria, Harold T. Raymundo,Jennifer T. Raymundo, Rhoderick T. Raymundo
CIRCULATION
Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano,Jess Camaro, Fred LopezThe
Mabuhay
is published weekly by theMABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES
—
DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 to March6, 2011, Malolos, Bulacan.The
Mabuhay
is entered as Second Class MailMatter at the San Fernando, Pampanga Post Officeon April 30, 1987 under Permit No. 490; and asThird Class Mail Matter at the Manila Central PostOffice under permit No. 1281-99-NCR dated Nov.15, 1999. ISSN 1655-3853Principal Office: 626 San Pascual, Obando,Bulacan
294-8122
PPI-KAFCommunity PressAwards
BestEdited Weekly 2003 + 2008Bestin Photojournalism1998 + 2005
A proud member of
PHILIPPINE PRESS INSTITUTE
WEBSITE
http://mabuhaynews.com
Subscription Rates (postage included):
P520 for one year or 52issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising baserate is P100 per column centimeter for legal notices.
Mabuhay
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Jose L. Pavia
Publisher/Editor
Perfecto V. Raymundo
Associate Editor
Anthony L. Pavia
Managing Editore-mail
mabuhaynews25@yahoo.com
Buntot Pagé
P
ERFECTO
V. R
AYMUNDO
Kahirapan, kaya nagpapakamatay
MARAMI nang nagpapakamataysa ating bansa ang napapalathala sa mga pahayagan at nababalita sa mga radyo at telebisyon.Karamihan sa kanila ay kara-litaan ang dahilan kaya winaka-san ang sariling buhay.Sa Lungsod ng Angeles, Pam-panga, isang Noel Dizon, hiwalaysa asawa, ang nagpatiwakal dahilsa karalitaan at kawalan ng pag-asa sa buhay.Bago ito nagpakamatay, nag-sabi pa ito sa ilang kaibigan na nais na nitong wakasan ang sariling buhay. Hindi akalain ng kanyang mga kaibigan na pag-sunog sa sarili ang gagawin nitopara mamatay.Samantala, isang 34 na taong gulang na ama ng tahanan ang naulat na nagbigti sa loob ng kanilang inuupahang bahay dahilsa kawalan ng mapagkakakitaanpara buhayin ang kanyang pa-milya.Paghihikahos ang sanhi kung bakit pinagtataga ng isang ina ang kanyang dalawang anak sa Umin-gan, Pangasinan noon lamang Agosto 22. Pagkatapos pagta-tagain ang dalawang anak ay nag-saksak din sa sarili ang nasabing ina.Halos araw-araw ay may nala-lathalang nagpapatiwakal atkahirapan ang dahilan ng pagpa-pakamatay.Kayo, ano sa palagay ninyo?
Nakagapos na kalansay
ILANG mangingisda sa ilog Angatang nakakita ng isang drum na halos isang taon na nilang hindipinag-uukulan ng pansin.Ngunit noong ika-24 ng Agostomapagpasiyahan nilang iahon ang nasabing drum upang ipagbilipara maging pera.Sementado ang ibabaw ng drum, kaya tinungkab nila ito,ngunit halos bumaligtad ang kanilang sikmura nang ito aykanilang mabuksan dahil sa masangsang at pagkabaho-bahong amoy na nagmula sa drum.Isa palang kalansay ang lamanng drum.Kalunos-lunos ang sinapit ng nasabing kalansay, dahil naka-gapos ang dalawang kamay atdalawang paa nito. Marahil aypinahirapan daw muna bagopinatay at sinilid sa drum ang biktima at saka sinemento ang takip. Walang damit ang kalansaymaliban sa suot nitong brief.Matinding pagkaawa ang na-ramdaman ni Bulacan PNP Po-lice Director C/Supt. Allan Ban-tolo. Kaagad na inatasan niya siSupt. David Poklay, Deputy PoliceDirector for Intelligence, na gawin ang lahat ng paraan para makilala ang biktima at maipali-bing ito ng maayos.May teorya ang kapulisan sa lalawigan na taga ibang pro-binsiya ang biktima at dito la-mang itinapon para ilayo ang mga nag-iimbistiga kapag dumating ang panahon na ito ay madis-kubre.Kayo, ano sa palagay ninyo?
Promdi
D
INO
B
ALABO
Tawad Plaridel
KATULAD noong nakaraang ta-on, maraming usap-usapan sa hanay ng mga mamamahayag sa Bulacan matapos ang taunang Gawad Plaridel.Kesyo dapat daw ibaba ang pamantayan para sa pangunahing parangal na Gawad Plaridel dahilsa ikatlong sunod na taon ay wala pa ring nagkakamit niyon, sa halip ay mga gawad sa sub-cat-egory lamang ang naiuwi ng mga mamamahayag. Kung ibababa ang pamantayan, hindi na GawadPlaridel iyan, sa halip ay “TawadPlaridel.”
* * *
Ang totoo, mababa pa ang pa-mantayan ng taunang parangal na tatawaging Gawad Marcelo H. DelPilar sa susunod na taon dahilnakapangalan ito ng parangal sa University of the Philippines.
“You have to raise the bar of reporting,”
payo ni Melinda Quin-tos De Jesus, executive directorng Center for Media Freedom andResponsibility (CMFR) na nangu-na sa tatlong araw na workshopon Journalism Ethics sa HolidayInn sa Clark Freeport noong Agosto 30 hanggang Setyembre 1.Ito ay upang ang mga mama-mahayag ngayon ay hindi maging mga huwad na Plaridel.
* * *
Ipinaalala naman ni Prof. LuisTeodoro, deputy director ng CMFR, sa mga dumalong mama-mahayag na laging sundin ang Journalism Ethics.Ito ay upang ang mga mama-mahayag ngayon ay hindi maging hubad na Plaridel.
* * *
Agad namang nabura ng 17-taong gulang na si Jose MariGarcia ng
Punla
and rekord ni Jeeno Arellano noong nakaraang taon bilang pinakabatang mama-mahayag na nagwagi sa taunang parangal nang masungkit niya ang Best in Culture Reporting.Ngunit sa halip na hangaan ng iba si Garcia ay pinuna pa ang edad nito at sinabing masyadoraw bata para manalo. Teka, anoba ang edad ni Ninoy Aquino nang mag-kober sa Korean War noong dekada ’50. Hindi ba’t 17-anyosdin lang siya.
* * *
Wala sa edad iyan, mga kai-bigan; nasa panulat iyan. Kaya,ngayon pa lamang ay pagbutihinna natin ang pagsusulat para makasabay sa mga nagwagi.Kung hindi natin patataasinang antas ng ating pamamahayag,baka sa “Tawad Plaridel” tayomakasali.
* * *
Totoo ’yan. Kailangang araw-araw ay pataasin natin ang antasng pamamahayag dahil ang la-rangang ating kinabibilangan ay“very competitive.”Kailangang araw-araw ay pa-tuloy nating paunlarin ang ating kaisipan sa pamamagitan ng pagbabasa, sapagkat kung hindi,dapat na tayong magdasal ng “Patawad, Plaridel …”
* * *
Oooops, hindi rin nakalusot sa mga dumalong mamamahayag ang pagkakamali ni Bokal En-rique “Jonjon” Delos Santos sa gabi ng parangal nang tawaginniya ang pangalan ni Mariz Jau-cian bilang nagwagi sa Best inInspirational Reporting, ngunit
sundan sa pahina 7
EDITORYAL
Iisang mundo,iisang tahanan
HINDI isang aksidente ang pagkaputol ng kuryente,pagbabawas ng alokasyong tubig sa Maynila at pag-kamatay ng mga isda at pagkakasakit ng mga baboy salalawigan ng Bulacan nitong mga nagdaang araw.Sa halip, ang lahat ng ito ay palatandaan ng hagupitng kalikasan bunsod ng pag-abuso ng tao. Angmasakit, simula pa lamang ito at may mas higit pangpaparating, lalo na kung hindi tayo kikilos ngayon.Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical andAstronomical Services Administration (Pagasa), malakiang posibilidad na sanhi ng global warming o patuloyna pag-init ng klima ng mundo ang nararanasanngayong tagtuyot sa panahon ng tag-ulan na bukod samga pananim na nasalanta, mga baboy at biik sa Bulacanang mga unang biktima.Natutuyo ang Angat Dam dahil sa kulang sa pag-ulan kaya’t kapos sa tubig ang mga magsasaka saBulacan at Pampanga, maging ang may 10 milyongresidente ng Kalakhang Maynila, bukod pa sa kinakaposna rin ang serbisyo ng kuryente dahil maraming powerplant ang umaasa sa tubig ulan na naipon sa mga dam,partikular na sa Luzon.Sa pananaw ng marami, ang global warming aysanhi ng natural na proseso ng kalikasan. Ngunit parasa mga dalubhasa at mga simpleng taumbayan, angbawat isa sa atin ay may kontribusyon sa patuloy napag-init ng klima ng mundo.Walang habas ang pagputol ng mga punong kahoysa mga kabundukan at maging sa ating mga bakuran,ngunit hindi naman tayo nagtatanim ng kapalit.Gayundin, walang humpay ang paggamit natin saserbisyo ng tubig at kuryente, bukod pa sa walang pa-tumanggang pagtatapon natin ng basura na lumalasonsa ating mga katubigan.Mga kaibigan, kapwa Bulakenyo at Pilipino, iisalamang ang ating mundo. Ito ang ating nag-iisangtahanan; wala nang iba. Ingatan natin ito. Tanggapinnatin ang ating pananagutan at kumilos ng akma.Tayo ay maging responsable, makatarungan, maka-kalikasan at, higit sa lahat, maka-Diyos.
Kastigo
B
IENVENIDO
A. R
AMOS
Agosto ng kagitingan
SA 12 buwan ng taon, ang Agosto,batay sa kasaysayan, ang buwang may mahalagang papel na gina-gampanan sa pagtatampok ng kaisipang makabayan at pag-mamahal at pakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.
Agosto 10, 1898
— Sa arawna ito isinilang sa lalawigan ng Tayabas (ngayon ay Quezon) siLorenzo Tañada, kinikilalang “Grand Old Man of the Opposi-tion.” Isang abugado at maypaninindigang makabayang sin-tigas ng mulawin, maihahanay siKa Tanny kina Claro M. Recto at Jose P. Laurel sa pakikipaglabanpara sa kalayaan at demokrasya.Sa kabila ng katandaan, siya aylumahok pa rin sa mga protesta laban sa pananatili ng mga basemilitar ng Estados Unidos sa Pili-pinas. Si Tañada ang ipinagbunying lahat ng nasa bulwagan ng Senado nang ibasura ng Senado,sa pangunguna ni Pangulo ng Senado Jovito Salonga, ang tra-tado sa base militar ng EstadosUnidos noong 1991.
Agosto 19
— Dalawang maha-lagang pangyayari ang naganapsa araw na ito.Noong 1878 isinilang sa Baler,Tayabas si Manuel L. Quezon, ang unang Pangulo ng Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas, atkinikilalang “Ama ng Wikang Pambansa.”Noon namang 1896, natukla-san ng mga Kastila, sa pamama-gitan ni Padre Mariano Gil, ang lihim ng Katipunan. Sa sumunodna mga araw ay gumawa ng malawakang pagdakip ang mga Kastila, at dahil diyan, kahit wala sa panahon ay napilitang luman-tad na sina Andres Bonifacio atmagpahayag ng pag-aalsa labansa pamahalaang Kastila noong Agosto 23, 1896.
Agosto 21, 1983
— Pataksilna binaril si Sen. Ninoy Aquinosa tarmac ng Manila Interna-tional Airport, isang pangyaya-ring gumimbal sa buong bansa,nagpayanig sa rehimeng Marcosna tuluyang ibinagsak ng EDSA People Power Revolt noong 1986.Bagamat may mga sundalong kinasuhan at napiit, ang utak omga utak ng pagpatay kay Ninoyay nanatiling lihim at hindinadarakip hanggang ngayon.
Agosto 26
— Pinag-isang Araw ng Pambansang mga Ba- yani. Ngunit bunga ng materya-listikong kautusang tagapagpa-ganap, na tinawag na economicholiday, nawalan ng alab ng makabayang paggunita ang maka-saysayang mga araw.
Agosto 30, 1850
— Ito ang araw na iniluwal sa Bulacan ang bayaning kapantay kung di mannakahihigit kina Dr. Rizal, Boni-facio at iba pang kinikilalang pambansang bayani. Si MarceloH. Del Pilar, na kinikilalang “Ama ng Pamamahayag sa Pili-pinas”, ang unang aktibistang nagtaguyod ng propaganda sa Pili-pinas laban sa kalupitan ng nakasasakop na Kastila. Dapatmalaman ng lahat ng mga Pili-pino, na si Plaridel ang nakalabanni Rizal nang piliin na ng pama-halaang Amerikano kung sino ang magiging Pambansang Bayani.Na hanggang ngayon ay sa Bulacan lamang ginagawang pista opisyal ang Araw ni Del Pi-lar ang isa sa mga kabalintunaanng ating pagkabansa!
Alagaan mo ang kalikasanat pangangalagaan ka nito!